"What you did back there was wrong." Race scolded me like a child. Like a child who took her playmate's ice cream. But it's more than that. More than ice cream. And it's the other way around. Kahit kasama ko siya pakiramdam ko ay ako ang naagawan.
I bit my tongue and looked at the window silently. Mali ba talaga ang ginawa ko?
I noticed him glancing at me every seconds. Marahil ay nagtataka sa pagiging tahimik ko kung kanina lamang ay nagwawala ako.
"And you're drunk again," he hissed. "You even cussed."
Huminga ako nang malalim at sumandal sa headrest. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan siyang magsalita. Slowly, my thumb played on my ring finger and to the ring he gave me.
What does it mean? Para saan ito? He proposed to me. I'm engaged to him because of this ring but what about him? No matter how hard I try enough to gain all the courage I have to ask him, I just can't. Sobrang sakit na natatakot akong mas masaktan ako sa posibleng dahilan niya.
But whatever his reason is, I don't want to take this ring off. Panghahawakan ko kung anuman ang kahulugan ng singsing na ito para sa aming dalawa. Not just because of this ring but also because of what happened to us in their racing track. Dahil doon ay mas nagkaroon ako ng dahilan kung bakit kailangan kong maayos ang relasyon namin.
"We're here," he coldly said.
Nang nagmulat ako ng mga mata ay nakita kong nasa harapan na kami ng hotel kung saan ako nags-stay. I drifted my eyes to Race, who now looking out in his side of the window.
"Can I stay in your condo?" I voice out my thoughts.
His grip on the steering wheel tightened. Without looking at me, he answered, "no." firmly.
Kinagat ko ang labi ko at pinaglaruan ang singsing. For the last two weeks, since I arrived here, he's been like this. So cold and seem untouchable.
My fingers moved, wanting to touch him but I refrain from doing so. "Please Race, want to be with you tonight."
"Get inside the hotel, Kate," he demanded, still not looking at me.
This scene is so familiar. I pleaded him many times so he'd let me stay in his condo. Pero hanggang ngayon ay iyon pa rin ang sinasabi niya. Paulit-ulit na lamang.
Before, he'd do everything just so I could stay with him. Even without my consent. Pero ngayon ay tila nagbago na ang lahat. Kahit anong pilit ko na katulad pa rin ito ng dati, na sya pa rin ang Race na nakilala ko, hindi ko maitatanggi na may nagbago na. Sobrang dami na hindi ko alam kung maibabalik ko pa iyon sa dati o hahayaan ko na lamang.
"Please Race. Just this time?" my voice shook. Agad kong kinagat ang labi ko. Nang naramdaman ang nagbabadyang luha ay agad ko nang binuksan ang pintuan, suddenly having a change of mind. Bumaba ako ng sasakyan ngunit nanatili syang nakatanaw sa bintana, ignoring me. "T-Take care."
Tahimik kong isinara ang pinto. Napabuntong hininga ako nang mapansing gumalaw sya upang paandarin ang sasakyan. Mabilis kong pinunasan ang luha ko at hinarap ang hotel. Kahit medyo hilo ay nagawa ko namang pumasok sa loob.
Mart, the guard smiled at me, holding the familiar paper bag on his hand. "Kate!"
"Hi!" I forced a smile and took the paper bag he handed to me.
"Salamat sa lunch kanina." Ngumiti siya sa akin ngunit nang napansin ang mukha ko ay nagsalubong ang kilay. "Ayos ka lang? Umiyak ka ba?"
I waved my hand at him and wiped again the now dried tears off my face. "It's nothing, really. Masarap ba?" tukoy sa lutong ulam na ibinigay ko sa kanila kanina.
Kahit na mag-isa lamang ako ay sinusubukan ko pa ring magluto kung minsan. Nasanay kase ako sa ibang bansa na ako ang nagluluto. Kaya ngayon dito sa tuwing may natitira sa mga niluluto ko ay ibinibigay ko sa mga staff dito. Ayaw ko namang laging um-order ng fastfood lalo na dahil tuwing dinner ay sa labas na ako kumakain.
"Oo naman! Galing mo e!" masayang sinabi niya at sinulyapan ang receptionist.
Ngumiti ako sa kanilang dalawa. I feel so tired and I just wanted to go to my bed. Hindi ko naman sila pwedeng bastang talikuran.
Mart is three years older than me. He's like a brother I never had before. At ang ilan sa mga staff dito ay kaibigan na rin ang turing ko. Lalo na ang mga night shifts dahil madalas din ay gabi na akong umuuwi.
"Bakit nga pala nandito ka pa?" tanong ko dahil morning ang shift niya rito.
"Gusto sana kitang iinvite," nahihiyang sinabi niya. "Magbi-birthday kase ang pamangkin ko."
Ngumiti ako sa kanya habang iniisip kung may gagawin ako sa Sabado. Iniisip ko sana ang maghanap ng trabaho habang nandito ako. Ayaw ko namang laging gastusin ang perang pinapadala sa akin ng parents ko. Nakakahiya naman sa kanila.
"Ayos lang ba?" muling tanong ni Mart.
Bago pa ako makasagot ay napansin ko ang lalaking naglalakad palapit sa hotel. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansing si Race iyon.
Hindi pa s'ya umaalis?
Mart was busy looking at me and waiting for my answer that he didn't notice Race opened the door for himself. Narinig ko ang pagsinghap ng receptionist matapos mapansin si Race. Lumingon na rin sa kanya si Mart.
"You're still here," I said to him, nagtataka.
Nagbalik-balik ang tingin ni Mart sa amin. Dahil sa talim ng tingin sa kanya ni Race ay umiwas siya at bahagyang lumayo sa amin.
"Because you're still here," he mimicked my words. "again." Muli niyang tiningnan ng masama si Mart kaya hinarap na ni Mart ang pintuan ng hotel.
"He returned this to me," sabi ko at bahagyang itinaas ang hawak na paperbag.
"Again."
Nagsalubong ang kilay ko. Sandali kaming nagkatitigan bago ako napabuntong hininga.
"I'll get upstairs then." Hindi siya kumibo kaya tinalikuran ko na. Hinarap ko muna si Mart na ngayon ay hindi makatingin nang diretso sa akin. "I'll try if I'm not busy."
Hindi ko nilingon si Race sa pag-akyat ko ng hagdan. Ngunit nang makapasok ng elevator ay laking nagulat ko nang makita siya sa harapan. Agad kong pinigilan ang elevator sa pagsara.
"Race?"
I held my breath as he stepped inside. Binitawan ko na ang button nang nakapasok na siya sa loob. Tahimik kaming dalawa hanggang sa makarating sa tamang palapag.
Nang nabuksan ko ang pinto sa kwarto ko ay pumasok ako sa loob. Hawak ang pinto ay hinintay ko siyang pumasok. Ngunit nanatili lamang ang kanyang mga mata sa akin.
"Race?" takang tanong ko sa kanya.
"Does that guard knows about your ring?"
Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. Sinalat ko ang singsing sa aking kamay bago marahang tumango.
"So he knows you're engaged?"
Muli ay tumango ako. Hindi ako sigurado kung alam nga iyon ni Mart pero alam ko namang napapansin niya ang singsing sa kamay ko.
"I don't want to see you talking to him again, nor accepting anything from him."
Umawang ang bibig ko sa sobrang pagtataka. Binuksan ko nang malaki ang pinto upang papasukin siya ngunit nanatili siyang nakatayo sa labas.
"Race let's go come in. Hindi kita maintindihan? Mart is a guard here and I'm not-"
"You're even calling him by his name." he bitterly accused as if I just insulted him.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "Race he's like a friend to me. I gave them food I cook. Isinasauli niya lamang ang pinaglagyan ko noon," pagpapaliwanag ko.
Bakit kase ayaw pumasok sa loob ng makapag-usap kami nang maayos.
"And you're doing it so often. I've seen it many times whenever I drove you here. I've seen the guy looked at you and how he smiled."
Nanatili akong nakatingin sa kanya. Wala namang nagbago sa pagiging malamig nya. Pero dahil sa kinikilos at sinasabi niya ay nakaramdam ng tuwa ang puso ko.
"Are you jealous?" I bluntly asked, making him shifted his eyes everywhere but me. "Race, Mart is just really a friend-"
"Fix your things. I'll ask someone to get all your things from here to my place," and he turned his back to me and walked away.
Hindi ko agad naunawaan ang sinabi niya. Ilang sandali akong natulala bago nagpasyang sundan siya, na ngayon ay nasa loob na ng elevator.
"I'm moving in with you, again?" my voice sounds so low.
Hindi siya sumagot. Nanatiling malamig ang tingin sa akin hanggang sa unti-unting sumara ang pinto. He didn't answer me but his words earlier say it all. If he's planning to move my things to his place, of course, I'm moving in with my things too!
Buong gabing iyon ay inayos ko ang mga gamit ko. Tatlong maleta at dalawang bag lang naman iyon. Wala naman kase talaga sa plano ko na magtagal dito sa bansa. Something about knowing Race isn't married to Kayla made me changed my mind. And after seeing them together tonight, may kung ano na namang gumugulo sa akin.
Gusto ko sanang tawagan si Andrea upang sabihin sa kanya ang nangyari pero naisip kong malamang na tulog na iyon sa kalasingan. Si Arcel naman ay baka busy rin. I heard there's something between him and Erisse... and Aven.
"So you're staying with him now?" tanong ni Erisse at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.
Nagkibit balikat ako. "I'm not sure yet. Nasa hotel pa rin naman ang mga gamit ko," sabi ko habang nakatingin sa malawak na racing track.
Race said he'll move my things to his place pero hindi ko pa naman siya nakikita ngayon araw. Tinanghali na ako ng gising kanina at kumain na lamang ng lunch sa restaurant ng hotel. I get so bored waiting for him so I decided to go here since wala naman akong ibang mapupuntahan.
"Why not ask him for assurance?" suhestiyon ni Arcel, na ngayon ay nakaupo sa tabi ni Erisse.
Sinulyapan ko si Aven na salubong ang kilay habang kausap sina Grey at Benz. Si Aston at Andrea ay wala rito. They are on Aston's family gathering. It's already four in the afternoon anyway.
Ngumiti at nagkibit balikat na lamang ako kay Arcel. I actually tried. Ngunit sa tuwing tinatawagan ko sya ay hindi naman sinasagot. I guess he's just really busy with his business.
He with Kayla last night's image flashed on my mind. But no, I know Race is just busy with his business.
"Have you guys heard a thing about Kayla?"
Lahat sila ay natigilan dahil sa tanong ko. Ang tanging naging maingay lang ay ang ibang taong nandito na abala rin sa kanilang mga sportscar. Ang ilan naman ay naghihintay sa tatlong kotseng kumarera kanina.
"I saw her with Race last night?" I asked them all. "He's not married to her right? Aston said that Race told him about an important business meeting."
"And what did Race tells you?" Aven asked, tilting his head to the side, his eyes narrowing down at me.
I shrugged my shoulders off. "He rarely talks. Kung magsalita man ay papagalitan ako."
"That asshole!"
Umawang bibig ko sa gulat dahil sa sinabi ni Erisse. Ako at si Aven lang ang nagulat. Si Aven ay nabigla nang ipinatong ni Arcel ang kamay niya sa hita ni Erisse.
"We all witnessed his misery when you're gone," Erisse added. "Now that you're here, what's his drama this time?"
"So you don't know what's between him and Kayla now?" tanong ko, wanting to get more information.
"No!" Erisse screamed, obviously not getting over with Kayla's issue.
"We didn't hear a word about her," Benz said. "We don't even know they are seeing each other."
Ngumuso ako at umiwas ng tingin. Race said what I did to Kayla was wrong. Kung ibang babae ba iyon at ganoon ang ginawa ko sasabihin pa rin ba niyang mali iyon?
"Anyway, what's bothering you? Race proposed to you already," nakangising sinabi naman ni Grey. Nagkibit balikat siya nang sikuhin ni Aven. Si Erisse naman ay masama siyang tiningnan.
Iyan kase ang palagi niyang pang-asar. Siguro ay dahil pa rin sa sasakyan niyang iniwan namin ni Race sa ilalim ng ulan. Alam nilang suot ko ang singsing. Ngunit kahit sila ay hindi magawang tanungin si Race kung bakit. Or maybe they did pero wala silang nakukuhang sagot kung hindi ang matalim na tingin mula sa kanya.
"You're really so mean Grey," sabay irap ni Erisse. "Hindi ba ay madalas kayong magkasama ng pinsan ko sa office niya? Wala ba siyang nababanggit tungkol kay Kayla? If they are seeing each other because of business, you should have known too."
Nagtaas ng kilay sa akin si Grey nang mabilis ko siyang nilingon. I looked at him with pitiful eyes. I just really wanted to know anything.
"Don't ask me," he shrugged off.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Umiwas si Aven upang mas makalapit ako kay Grey at siya na ngayon ang nasa tabi ni Erisse.
"Tell me," I insisted.
Ngumisi sa akin si Grey at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. I balanced myself with my left foot, suddenly feeling conscious of myself because of his stare. Is he comparing me right now with Kayla?
"I don't know really," he said and looked away. "Let's have a race?" tanong niya sa mga kaibigan, obviously dismissing me.
"I'm in."
Muli ay pinanood nila akong lahat. Taas noo ko silang hinarap lalo na si Grey.
"And what would be the prize? Don't ever tell me you're gonna interrogate me if you won. Because I don't really know a thing," he said defensively.
Kinagat ko ang labi ko, pilit na nag-iisip ng paraan kung paano siya mapapaamin. Alam kong may alam siya.
"Why Grey, natatakot ka ba sa bestfriend ko?" pang-aasar ni Arcel kaya natawa ang ilan.
"Why would I? Ikaw? Hindi ka ba natatakot kay Von? He's not over with you about Kate and now his cousin?" Grey spat out.
"Grey!" Erisse shouted annoyed for my bestfriend. Si Aven naman ay lihim na umirap sa kanilang dalawa.
Ngayon ay hinarap ako ni Grey, na salubong ang kilay at halatang naasar sa sinabi ni Arcel. "If I win this, you're going for a bar with me tonight."
"Grey," Benz tapped his shoulder. "And what do you think you're doing, huh?"
Grey quickly shrugged Benz hand off him. Isa-isa niya kaming tiningnan na nagtatakang nakatingin sa kanya. "What? Let's pissed that virgin c**k off!'
Napaubo ako dahil sa sinabi niya. Aven caressed my back and gave me bottled water. "Your words man. Malilintikan ka na talaga kay Von."
Si Erisse ay natatawa sa reaksyon ko. But it's not because of his words. Bakit nila iisiping virgin pa si Race? Oh well probably just his joke? Since noon pa nila kilala si Race. Siguro ay kabaligtaran ang ibig niyang sabihin. Agad kong ipinilig ang ulo ko bago kung saan pa mapunta ang mga iniisip ko.
"He dares and I'll tell Kate what she wants to know," pagmamayabang ni Grey. He didn't notice it but he actually told us that he really knew a thing about Race and Kayla.
Gamit ang Celica ni Erisse ay naghanda kaming dalawa ni Grey. Wala pa man kami sa kalagitnaan ay halos hindi ko na siya matanaw. Pero sinubukan ko pa ring habulin siya. Lalo na dahil gustong-gusto kong malaman kung ano ang nalaman niya.
Mas binilisan ko ang pagmamaneho hanggang sa mapansin ko ang pamilyar na lugar. Wala sa sariling inihinto ko ang sasakyan sa gitna ng racing track, kung saan ko rin ito inihinto noon.
The memories of that day came rushing on my mind. Bumaba ako ng sasakyan at pinagmasdan ang lugar kung saan nakahinto noon ang sasakyan ni Race. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maisip iyon. I can feel how much he loves me that day. And I made sure he could feel my love for him as well. Hindi ko na nga lamang alam kung ano na ang nangyari. Kung bakit naging ganito.
Humakbang ako palapit doon. Iniisip na sana nandoon ang sasakyan ni race. Ngunit napatalon ako sa gulat nang huminto ang isang sasakyan sa harapan ko.
"What are you doing?" sigaw ni Grey mula sa loob at bumaba ng sasakyan.
Nagkibit balikat ako at umiwas ng tingin nang maramdaman ang pag-init ng pisngi ko, natatakot na mabasa niya ang iniisip ko.
"I've always thought about this," he said leaning on the hood of his car. "Something happened during your race with him right?"
Mas lalo kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko. Mas din naman akong umiwas.
"To think that you both were all wet and you left my car alone in the middle of this." Nagtaas siya ng kilay sa akin at ngumisi.
Umirap ako sa kawalan bago nagsalita. "Please Grey, just tell me what you know about Race and Kayla."
"Well, they were ex fiancees?" he sarcastically said.
"Grey, please."
Umiling siya at mula sa pagngisi ay unti-unting nagseryoso. "You better asked him, Kate. Hindi ko naman sinasadyang malaman ang tungkol doon. But that doesn't mean I have all the rights to tell it to everyone."
"But I'm not just everyone!"
He looked into my eyes. I thought he'd finally answer me right. "Probably just business related?"
"What kind of business?" I asked totally annoyed.
But in the end, hindi niya sinabi. Sakay ng mga sasakyan ay sabay kaming bumalik sa starting line since mas malapit kami roon kaysa sa finished line. Mabagal kaming nagd-drive, nakabukas ang mga bintana habang pilit akong natatanong. Ngunit siya ay nakangisi lamang. Kung minsan ay natatawa ako sa mga walang kwenta niyang sinasabi.
Nang makarating na kami ay agad akong bumaba ng sasakyan.
"Hey, we have a deal!" sigaw ni Grey at bumaba na rin ng sasakyan.
"Deal your ass!" I bluntly shouted at him. Ngumisi ako ngunit hindi pa man nakakalapit sa shed ay parehas kaming natigilan ni Grey sa lumalapit na si Race.
Wearing his office attire, he advances to me and circled his arms around my waist down to my bare thigh. "Time to go home," he said coldly as how I felt the coldness of the afternoon breeze against my legs.
Why did I wear shorts again?
And a time to go home? Am I really going to stay with him now?
"Let's go." His voice sounds so dangerous as he led me to his parked car. And like the obedient Kate I am to him, I obliged.