Chapter 6: Stay

2923 Words
Kahit pagod at pilit na pumipikit ang mga mata ko ay pinilit kong panoorin s'ya. Sinuot n'ya ang kanyang boxer bago lumapit sa akin. He covered my naked body with the comforter and headed for the door. "Race," I called him. "Please stay. Please." He's already holding the doorknob. Without looking at me, he answered, "I'm in your room." "Please." Umiling ako sa sarili ko. Pinilit ko ang sarili kong umupo, ang comforter ay yakap ko sa aking katawan. "Here. Stay with me here. Sleep with me. Please?" Kinagat ko ang labi ko ng yumuko s'ya at mariing pumikit. Kung bakit kaylangan pa n'yang pag-isipan ng mabuti kung susunod s'ya sa gusto ko, hindi ko malaman. Bagsak ang balikat ko ng wala na s'yang ibang sinabi. Bagkus ay binuksan ang pinto at diretsong lumabas. Pabagsak akong napahiga sa kama. Ngumiwi sa sakit na naramdaman ngunit wala iyon sa sakit na nararamdaman ngayon ng puso ko. Sobrang sakit at mas lalong kumikirot sa tuwing naiisip kong si Race ang dahilan noon. I never thought he could make me feel this kind of pain, intentionally. Noon ay alam kobg hindi n'ya sinasadya kung masaktan n'ya ako. Ngunit ngayon ay napakasakit isipin na alam kong nakikita at nararamdaman n'ya ang sakit na pinagdaraanan ko pero tila wala lamang sa kanya. He said, he'll stay in my room. In his suite in the hotel, sinabi rin n'ya noon na may kwarto ako roon. Ngunit sa dawalang kwartong iyon, kahit isa ay wala pa akong napasukan. Thinking that I have a room in his every place, it's so flattering. Na alam kong palagi n'ya akong iniisip. Na palagi akong may space sa buhay n'ya. Pero bakit ngayon ay tila wala akong maramdaman? Hindi ko na maramdaman ang kakaibang pakiramdam na pinapadama n'ya sa akin noon. I woke up in a silent and cold morning. Palagi naman. Kung bakit kasi hanggang ngayon ay umaasa ako na isang araw ay muling magigising sa mga bisig n'ya. Kung anumang klaseng relasyon ang mayroon kami ngayon, s'ya na lamang ang nakakaalam noon. I feel like it's my fault. Pakiramdam ko ay ako ang lahat ng may kasalanan kung bakit kami nagkakaganito ngayon. Kaya tingin ko rin ay deserve ko ito. I deserve to suffer. I deserve to be in pain. I deserve to endure it all if this is what it takes for me to make ours back on what it should be. "Breakfast is ready." wika ni Race ng makasalubong ko sa hallway. Galing s'ya sa kusina at ngayon ay hawak ang handle ng pintuan sa kwartong tinutulugan n'ya. "Good morning. " Gamit ang kamay ko ay sinuklay ko ang magulo kong buhok. Lalo na ng titigan n'ya ako mula ulo hanggang paa. I'm only wearing his shirt last night, nothing underneath. Hindi ko naman kasi alam na maabutan ko s'ya ngayong umaga. Isa pa ay tanghali na rin. He's wearing only his pants, hair is stil damp. Siguro ay magbibihis na rin s'ya para umalis. Ngunit ng hindi pa rin ako gumalaw ay tinalikuran n'ya ako. Muli s'yang bumalik sa kusina kaya sinundan ko na. Naabutan ko s'yang nagsasalin ng juice. He pulled the chair and left it. May kung ano s'yang hinahanap sa cupboard. Hinayaan ko na lamang. It's a silent command. I seat on that chair. So I did. From my behind, inilagay n'ya ang medicine sa tabi ng pinggan ko, before seating on the chair across me. Sobrang tahimik na ang pagtama lamang ng mga kubyertos ang nagsisilbing ingay. S'ya ang naglagay ng pagkain sa pinggan ko. With that just simple gesture, naisip ko na siguro naman ay maayos na kami di ba? Or maybe not all the way pero paunti-unti? "You take the med after." nagsalubong ang kanyang kilay. "If you're still sore." Kinagat ko ang labi ko bago uminom sa juice. I'm watching him, while he's busy with his food. I have so much to tell him, to ask him. Ngunit hindi ko alam kung paano iyon masasabi lahat sa isang salita. I know we don't have all day here para lamang pakinggan ang anumang sasabihin ko. Hindi ko lamang maiwasan ang manghinayang sa mga oras na nasasayang ngayon. Ngayon na lamang ulit kami kumain ng ganito. Only the two of us. Kaya gusto ko sanang mag-usap din kami pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Should I thank for this moment? Should I savor it? Feel it? Kahi ganitong katahimik? Umawang ang bibig ko para sana sabihin ang anumang salitang gustong lumabas mula sa akin pero hindi ko nagawa. Natigilan ako ng nag-angat s'ya ng tingin sa akin at sa pagkain kong hindi pa nagagalaw. I cleared my throat and start eating the food instead. Ayaw ko namang iyon ang pagsimulan ng pagtatalo namin ngayon. "I'm going to be busy today. Stay here and you don't have to bring me lunch." Marahan akong tumango, kahit pa hindi ako sang-ayon. "But I want to--" "You'll stay here and wait for me." I want to find a job. I need to. Iyon ang gusto kong sabihin. Pero pakiramdam ko ay wala akong karapatang magsalita ngayon. "Should I cook dinner for the two of us? Dito ka ba ulit... matutulog?" lakas loob na tanong ko. Maingay akong lumunok nang mataman n'yang akong tiningnan. Without breaking eye contact with me, he drinks on his juice. Nakurap-kurap ako ng tumayo s'ya. Kaunti pa lamang ang bawas sa kanyang pagkain ngunit dinala iyon sa sink bago naghugas ng kamay. Akmang tatayo ako upang sundan s'ya ng marinig ang kanyang boses mula sa likuran. "Finish your food and drink the med. I'll call a service to clean them," he said and walked halfway out the room. "It's fine," sabi ko bago pa man s'ya tuluyang makaalis. "I can do the chores. I'm used to this in States." Nakatalikod s'ya sa akin ngunit nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. Hindi na ako muling nagsalita pa at hinayaan na lamang s'ya na umalis. Inubos ko lamang ang juice sa baso. Hindi ko ininom ang gamot dahil hindi naman ako sanay na dinaraan ang kahit anong sakit sa mga gamot. I heard his footsteps in the living room. Narinig ko rin ang pagbukas sara ng front door. And with that, he's gone. Left without saying goodbye. Napabuntong hininga na lamang na ako bago nagpasyang magligpit na. Akmang huhugas ko na ang mga pinggan ng tumunog ang doorbell. Agad akong lumabas ng kusina para tingnan kung sino iyon. "Yes?" tanong ko sa isang may edad ng babae, na tingin ko ay tauhan dito sa building dahil na rin sa uniform na suot n'ya. "Pinapunta po ako rito ng Service Crew para maglinis. Tumawag po sa amin si Mr. Neumann." Tipid akong ngumiti sa kanya at sa cart na tulak n'ya. "Hindi na po. Ayos lang po. Kaya ko na po." Hindi pa man ako nakakatapos na magsalita ay umiiling na s'ya sa akin. "Sinabi po na sa akin na huwag kayong hayaang tumanggi. Huwag po kayong mag-aalala, aayusin ko po ng mabilis at maayos ang trabaho ko." Wala na akong nagawa. Tutal naman ay si Race ang kumuha sa kanya. Habang nagilinis s'ya ay naligo na ako. Nagbabad ako sa bathtub habang iniisip ang mga nangyayari. Nakabihis na ako sa kwarto, kasalukuyang pinapatuyo ang buhok ng tumunog ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan. Mabilis ko iyong kinuha sa pag-aakalang si Race. Ngunit naalala ko na hindi naman yata n'ya alam ang number ko kaya paano n'ya ako matatawagan? Umupo ako sa kama at tamad na sinagot ang tawag. "Zac." "Kate!" sigaw n'ya na nagpagulat sa akin. "I've been calling you lastnight! Bakit mo pinapatay!" Nagsalubong ang kilay ko, bahagyang inilayo ang cellphone sa aking tainga. "Pinapatay? Excuse me? Ngayon ka nga lamang tumawag sa akin." "What? I'm calling you last night but you'd always end my calls." "Huh?" naguguluhang tanong ko. Lastnight, I was busy. We, Race and I, were busy. Umiiyak ako kagabi before that happens. Ang cellphone ko ay nasa ilalim ng unan. Hindi ko rin naman narinig ang kahit anong pagtunog noon habang may nangyayari sa amin ni Race. "Then who's with you last night? Who turned off your phone?" naguguluhang ding tanong n'ya, pero alam kong hindi s'ya naniniwalang hindi ko alam. "I didn't turn off my phone. Kaya nga nasagot ko ngayon ang tawag mo di ba?" medyo naiinis na tanong ko, knowing that Race probably, I mean surely did. Sino pa ba kung kaming dalawa lang naman ang magkasama rito kagabi? "Tinatawagan kita, pinapatayan mo ako. And you even turned off your phone. Hindi ko na rin alam kung kailan mo ulit binuksan!" Umirap ako sa kawalan. Kung ganoon nga ang nangyari, then fine. Hayaan na lamang. "What's with the call anyway?" Bumuntong hininga s'ya at hinayaan na lamang din ang naunang usapan. "You only have one week there." Kinagat ko ang labi ko. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. One month. Iyon ang unang plano, bago ko malaman ang tungkol sa hindi natuloy na kasal nila Race. At ngayon ngang hindi naman iyon natuloy, at ngayong ganito ang sitwasyon namin, ayaw ko munang umalis. I know there's still something between us at hindi ako pwedeng umalis. Hindi ko isusuko ang kaunting pag-asang nakikita kong magkakaayos kami. "Kate? You still there?" "Hindi muna ako babalik," determindong sagot ko. "I don't know when but not now. I have important things to settle here." "It's not about that man, right?" Umiling ako at tumango. Ayaw kong sabihin sa kanya ang totoo dahil ayaw ko na rin munang malaman ni daddy at mama. Hinayaan nila akong umuwi rito para lamang makausap si Race. Hindi ko alam kung alam nila ang tungkol sa hindi natuloy na kasal, pero mahigpit nila akong pinagsabihan na huwag magpakita kay lolo. Si Uncle Klaussus na paminsan-minsang pumapasyal sa amin ay iyon din ang sinasabi. Mabuti na raw na huwag muna naming harapin si lolo sa ngayon. "I gotta go. I'll call you later." hindi ko na s'ya hinintay pang makapagsalita at pinutol na ang tawag. Zachary is my friend in New York. He's working in Tito Klaussus' firm there. Kilala na rin s'ya ni daddy at mama. Madalas din kaming magkasama sa lahat ng gimik doon kaya madalas din s'yang tawaging B.I, o Bad Influence para sa akin ni Andrea at Arcel. But I don't think of him that way. He taught me many things. Without him, life in New York is going to be hard for me. Hinintay kong tuluyang makatapos ang tagapaglinis bago kami sabay na lumabas ng unit. It's already lunch time. Hindi naman ako nagluto dahil hindi ko rin naman madadalhan ngayon si Race tulad ng sinabi n'ya. Kahit sa totoo lamang ay madalang na rin akong kumain ngayon. But I decided to eat lunch outside today. Sa coffee shop sana ang punta ko ngunit ng naramdaman ko ang pagkalaman ng sikmura ko ay dumiretso na ako sa katabing restaurant. Walking distance lang naman ang layo nito sa condo building ni Race. Tipid akong ngumiti sa waiter ng ilagay n'ya ang in-order ko sa mesa. Kasabay noon ay ang pagtunog ng cellphone ko sa isang mensahe. Andrea How's last night? Let's go on the racing track? "Kate?" Nagsalubong ang kilay ko sa pamilyar na boses at pamilyar na lalaking nakatayo sa harapan ko. Tipid akong ngumiti dahil hindi ko s'ya makilala. "Hi?" Ngumiti s'ya sa akin. He spread his arms and shook his head as if amused that I can't recognize him. "It's Dref. Dref Laderas. I hope you still remember?" Umawang ang bibig ko bago marahang tumango. Tinitigan ko s'ya mula ulo hanggang paa. The chubby Dref before is now changed. He's more matured now. Tumangkad s'ya at mas gumanda ang pangangatawan. "Oh, stop ogling at me!" Napakurap-kurap ako sa sinabi n'ya. Umiling ako at nahihiyang ngumiti ng tumawa s'ya. "Are you with someone?" he asked, gesturing to the vacant seat in front of me. "No, you can sit." Tumango s'ya at nakangiting umupo. Agad n'yang tinawag ang waiter upang um-order. Ako naman ay hindi maiwasang isipin ang huling pagkikita namin. "So how are you?" he started. "I thought the news about you being here was just a rumor but then," "Well, I'm really here." kibit balikat ko at nagsimula ng kumain. "You changed a lot anyway." "Oh? Don't worry the two of you. Though, you're too skinny now." Sinulyapan ko ang sarili. Hindi ko naman napapansin kung namamayat ako or what. "But still the beautiful Kate of course," he added. "How are you? What are you doing here? Your family migrated right?" "Yes, I'm here for," for Race? Bakit parang ang hirap sabihing ganoon nga. "for a visit." "Von?" he asked without looking at me and bite on his food. Ganoon nga yata, kahit hindi ko sabihin ay malalaman nilang tungkol iyon kay Race. "Roger told me he saw you in Race's company building." "Roger?" Nagkaayos na sila? Sa pagkakatanda ko ay hindi naman sila ganoong kaclose para sabibin sa kanya iyon ni Roger. "'Wag mo akong tingnan ng ganyan." natatawang sinabi n'ya. "Alam ko kaseng kay Von s'ya nagtatrabaho kaya naitanong ko lamang kung nagkita kayo. I was curious about the rumours of you being back." "So sinundan mo ako?" wala sa sariling naitanong ko, remembering how annoying he was back then. Muli ay tumawa s'ya. "Sort of? But this one is a pure coincidence. Trust me." Nagkibit balikat na lamang ako. He says so. "So how you and Von?" ngayon ay naging seryoso na s'ya. "Still working it out?" Hindi ako sumagot. Masyadong personal ang bagay na iyon at hindi s'ya ang tamang taong pinagsasabihan ko ng ganoon. Not because I don't trust him but we aren't really that close para magkwento sa kanya. Marahan s'yang tumango ng mapansing wala akong balak na magkwento. Tahimik kaming dalawa na kumain hanggang sa mauna akong matapos. Tinawag ko ang waiter para sa bill ko but Dref insisted to pay for the both of us. "No, I'm fine. I still have money with me." nakangiting sinabi ko. I don't have much money left kaya nga gusto kong makahanap ng trabaho. Pero kaya ko pa namang bayaran ang kinain ko ngayon. "I know your boyfriend is a billionaire but really, let me this one. It's our first time anyway." Tipid akong tumango. Yes, Race is no doubt a billionaire. But is he my boyfriend? I doubt it. "Your fiancee I guess?" dinungaw n'ya ang singsing na nasa kamay. He smiled bitterly before continuing, "I never heard about your married so just an engagement perhaps?" Engagement? No. Just a not so typical proposal. Just a not so typical relationship we have here. An unclear one. "It's from him, yes. We're engaged? No. But that doesn't mean I'm getting money from him. I can work for my own living." Ayaw ko namang isipin ng iba, kung malaman man nila ang sitwasyon namin ngayon ni Race, that I'm only sticking with him because of his money. I'm trying to fix ours because I want ours to happen again. Definitely not because of his money. "Oh! That's not what I mean." agad n'yang sinabi ng dumaan ang lungkot sa mukha ko. "You have your own money of course." Tipid akong ngumiti sa pagkataranta n'ya. He looks at me apologetically. Ilang sandali lamang ay nalilito ring tumingin sa akin. "So, you have work here?" He still doubt it. "I still have money left when I came here. But no, I don't have work for now." Hindi ko namalayan ang card na inilagay n'ya sa ibabaw ng mesa. He crosses it over my table. "I know Von can help you with this but just in case you need a job, maybe I can help." Nag-aalangan man ay kinuha ko iyon. Marahan akong tumango sa kanya bago iyon inilagay sa dala kong bag. "Thanks for the lunch." "You're―" "You don't have to do that," baritonong boses ni Race ang narinig ko sa likuran. He indeed looks in a heavy day at tila nagmadali pa s'yang makarating dito. Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya. Matalim ang tinging ibigay n'ya kay Dref. Bago pa man s'ya makatayo ay naglagay na ng pera si Race sa ibabaw ng table. "I can always pay for her food. For all her needs," he said in a deadly manner. "Race, there's nothing wrong about it. We just see each other and--" "There's definitely nothing wrong." mariing sinabi n'ya bago ako hinila palabas ng restaurant. Sa labas ay naghihintay ang kanyang bagong model na Porsche. Binuksan n'ya ang pinto front seat. Nagtataka man ay pumasok ako roon at pinanood s'yang umikot para sa driver seat. "W-Where are we going?" alangang tanong ko dahil sa dilim na nakikita ko sa mga mata n'ya habang nagmamaneho. "In my office. You'll stay there until I finish all my works," he answered even though I'm not expecting him to. "I-In your office?" muli ay takang tanong ko. "I told you to stay in our condo. But you defied me again. Can you still remember what happened the last time you didn't listen to me?" Sa diin ng pagkakasabi n'ya ng mga salita ay tumatak iyon lahat sa akin. Our condo. Defied him. And what happened that last time. Isa-isa kong pinroseso ang mga salita dahilan para hindi na ako makapagsalita pa at pinanood na lamang s'ya. Iyon ang gabing natapos ang lahat sa akin. Tama ako. Kasalanan ko nga kung bakit kami nagkakaganito ngayon. If only I stayed in his condo back then.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD