Ini-refer kami sa isang pribadong hospital sa Manila ang 'CORDOBA HOSPITAL'. "Doctor, sigurado bang mahuhusay ang mga doctor doon?" Paninigurado ko, dahil buhay ng aking anak ang nakasalalay. "I assure you. Professional doctor ang mag-opera sa iyong anak. Marami na siyang na-operahan at lahat ay successful at halos lahat ay mahihirap ang kaniyang tinutulungan. Ang may-ari mismo ng hospital ang lapitan ninyo. Bibigyan ko na lang kayo ng 'referral medical letter' at kayo na ang mag-abot sa kaniya." Mahabang pahayag ng doctor. Walang kaming inaaksayang oras at agad kaming nag-byahe papuntang Maynila. Sakay kami sa isang ambulansya at maliban sa aking ina ay kasama ko rin si doktora Deocampo. Sapagkat gusto niya akong damayan bilang kaibigan. Alam niya na mahal ko si Kaye at mahal rin s