Derick's POV HINDI ko na alam kung ano ang aking gagawin dalawang buwan ko ng hinahanap si Kaye, pero wala pa rin akong balita sa kaniya. Dalawang buwan na rin na masama ang loob ni Martina sa akin na halos ayaw na niya akong kibuin at kausapin. "Anak, may balita ka na ba kay, Kaye?" Tanong ni Mama, nang makapasok ako sa pinto. "Wala pa rin, Ma. Mukhang mahihirapan ako nito Mama, hindi ko na alam ang aking gagawin." Malungkot kong tugon sa aking ina at napaiyak ako sa kaniyang harapan. "Huwag mong masyadong pahirapan ang sarili mo, Derick. Baka magkasakit ka na niyan." Pag-alala niya sa akin. "Si Martina ang inalala ko sobra na ang kaniyang pangayayat at hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinakausap." wika ko. "Ganiyan ka rin noon, nagmana lang siya sa'yo iba kapag nagtatampo. De