5 YEARS BEFORE
MADILIM NA GABI, tahimik na paligid at tanging ang bilog na buwan lamang ang nagsisilbing ilaw ni Roxanne habang tinatahak ang mahabang daan patungo sa mansion. Wala nang gising ng ganitong oras sa probinsya, idagdag pang maaga talaga natutulog ang mga tao sakanila. Kaya naman kinakabahan siyang makalikha ng kahit na anong ingay dahil tiyak na may magsu-suspetsa.
Kung meron mang bagay na nakakarindi sa lakas ng tunog, ay iyong kabog sa dibdib niya. Hindi maawat-awat iyon at pakiwari niya'y sa lakas ng t***k nito ay baka marinig pa ng mga kapitbahay.
Itim ang suot niyang damit, na siyang kaparehas ng nararamdaman niya ngayon -- pagluluksa. May umalpas na impit na hikbi mula sa bibig niya sa mga dumadaloy na kaisipan sa utak niya. Nang makarating sa napakalaking gate ng mansion ay muli siyang tumingin sa paligid, kanan at kaliwa. Sinigurado ring walang tao sa loob ng asyenda. Dalawang palapag ang malaking mansion at patay na ang mga ilaw sa loob. Tanging ang ilaw lamang sa garahe at ang kwarto sa terasa ang bukas na ilaw.
At alam niya, kahit walang tao roon sa terasa ay may taong gising na gising pa sa loob ng kwarto na iyon. Nararamdaman niya. At alam niyang siya na lang ang hinihintay nito.
Isinandal niya ang likuran sa bakuran at pumikit ng mariin. Humihingi ng gabay, ng lakas ng loob. Pilit nilalabanan ang pagtatalo ng isip at damdamin. Pero naririto na siya, dito pa ba siya aatras at susuko? Tanging ito lamang ang solusyon sa problema niya.
Binuga niya ang hanging pinuno niya sa baga at kumilos. Dahan dahan niyang binuksan ang malaking gate na sadya namang hindi kinandado. Tahimik na mga yabag ang ginawa niya habang papasok sa bakuran ng mga ito. At sa pagkakataon na ito ay alam ni Roxanne na wala ng urungan. This is not about her or her dignity or her principles. This is between life and death situation.
Napalunok siya ng mariiin nang ihakbang na niya ang paa sa loob ng marangyang mansion. Napatili pa siya nang may humatak sakaniya sa dilim.
~
MULA SA TERASA ng kanyang kwarto ay kitang kita ni Giuseppe ang pagpasok ng babae sa loob ng bakuran ng mansion. Kahit natatabingan ang paningin niya ng kurtina, ay hindi naging kabawasan iyon para hindi mapansing kung gaano kaganda ang dalaga na nasa bakuran lang niya.
Halata ang pangingimi sa bawat kilos nito at hindi mapakali. Panay ang baling sa paligid sa takot na may makahuli rito. Gayunman, kitang kita niya na para itong anghel na bumaba mula sa lupa. Kung gaano kainosente ang mukha nito, ay ganoon kabaligtaran ang suot na damit nito. Halos wala na ito itinatago sa manipis na dress na 'yon. But he has to admit, that this woman catches his attention... so beautiful.
Makinis ang babae, maputi, na siyang kitang kita mula sa madilim na paligid. Ang mahaba nitong buhok na hanggang bewang na sa tingin niya'y napakabango at dudulas lamang doon ang kanyang mga kamay.
Wala sa sariling naipikit ni Giuseppe ang mga mata sa mainit na kaisipang sinasabunutan niya ito at hila hila ang mahaba nitong buhok while he took her from behind. At gaano kainit ang ganoong tagpo!
Gustong mainis ni Seph sa sarili niya. Kahit kailan ay hindi pa siya nagnasa ng ganoong katindi sa isang babae. Lalo na sa isang bayarang babae!
Baka masyado lang siya nadarang sa suot nito. O baka naman kaya sa ininom niyang alak kanina? O dahil matagal na simula nang may makasalo siya sa kama? Hindi na rin niya alam!
Muli siyang tumingin sa papalapit na babae habang nakadarama nang hindi maipaliwanag na damdamin sa dibdib. At natutuwa siyang ang babae ngayon ang dahilan ng libido niya ngayon at hindi si Ellen. Ang gold-digger na babaeng 'yon na mas pinagpalit siya sa lalaking doble ng edad niya dahil nagmamay-ari ng isang sikat na linya ng kotse sa ibang bansa! Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si Giuseppe na iniwan siya ng kasintahan para lang sa pera. At sumama ito sa lalaking kayang ibigay ang lahat ng luho nito. Mayaman siya at ang pamilya, isa sa mga tinitingalang pamilya sa Pilipinas. Ngunit higit na mas mayaman pa rin sakanila ang matandang 'yon kaya mas ginusto 'yon ng mukhang pera niyang ex-girlfriend.
Ni hindi siya makapaniwala na ganoon ang pagkatao ni Ellen. Kung titignan ito sa mukha, walang sinumang mag-iisip na pera lamang ang habol nito sa lalaki. At hindi rin siya makapaniwalang ito ang babaeng inalayan niya ng oras, effort at pagmamahal! To think na handa pa naman siyang ipakilala ito sa pamilya niya.
That good for nothing b***h!
At hanggang ngayon, masakit pa rin ang pride at ego niya. Hindi siya makapaniwala na siya, si Evan Giuseppe Rosselli, ay nagawang mapaikot ng isang babaeng sinasamba ang pera! Napupuno ng pait at galit ang isip at puso ni Giuseppe.
Napadako ang tingin ng binata sa babae sa loob ng kanyang teritoryo. Naningkit ang kanyang mga mata nang makitang parang may pag-aalangan pa sa maamo nitong mukha.
Napangisi ng nakakaloko ang binata.
Oh, you can run sweetie... but you can never hide from me!
Ngunit hindi naman ito umatras. Nag-angat ito ng tingin kaya naman naghinang ang kanilang mga mata. At gustong matakot ni Giuseppe sa uri ng titig na 'yon.
Hindi lamang ang magandang mukha nito ang nakakapagpakaba sakaniya, kundi ang kakaibang emosyong ipinagkakaloob nito ngayon ang bumabagabag sakaniya. Tila mayroon sa mga titig nito ang sumundot na emosyon sa puso niya. At nakakatakot ang pagatake na iyon sa kanyang damdamin. Hindi siya handa. Pakiramdam niya'y mukhang magiging higit pa sa pisikal ang magiging koneksyon nila ng babae.
O baka masyado lang talagang malawak ang imahinasyon niya, o kaya lasing na siya? Pero hindi naman siya nalalasing. Mataas ang alcohol tolerance niya, katulad siya ng Ate Georgianne niya. Tanging ang kuya niyang si Elkanah lang naman ang mahina uminom. Hindi nakakalasing ang isang maliit na bote ng alak!
Huminga siya nang malalim, atsaka inilabas ang lahat ng oksihenang pinuno niya sa dibdib. Hindi na niya hihintayin pang ito ang lumapit sakaniya.
Naglakad siya papunta rito. Para kunin ito... at angkinin ito.
Ano pa bang hinihintay mo? Come and bed her! Malakas na utos ng isang bahagi ng utak niya. Nang magkaharapan na sila ng literal ay parang anumang sandali ay papalahaw ito ng iyak. At gustong mabwisit dito ng binata. Bakit kailangan nitong mag-inarte na parang napipilitan lang ito, eh trabaho naman nito 'yon! Ito ang hanap-buhay nito!
Kailangan mong patunayan na wala na sayo si Ellen, you need to bed this woman! He gritted his teeth with annoyance.
Inabot niya ang kamay ng babae at hinila palapit sa kaniya. Napasinghap ito. Nang maamoy niya ito ay parang kumawala sakaniya ang tinatagong pagpipigil sa sarili. Hinatak na niya ito sa loob ng kanyang kwarto at mabilis na isinara 'yon.
Kaninang kanina niya pa gustong samyuin at hagurin ang mahaba nitong buhok, so he did. At tama nga siya, napakalambot n'yon at napakabango. Kahit daliri lamang ang kanyang gamit ay dumudulas talaga iyon. Sinapo niya ang baba nito at inangat upang tumama sa mukha niya, at hindi na siya nakapaghintay at binigyan ito ng nakakaliyong halik