Prologue

648 Words
"L-LALABAS muna ako saglit Seph.. m-may bibilhin lang ako sa labas, babalik din agad a-ako," nanginginig ang tinig na sabi ni Roxanne. Tumingin ito ng pagkaseryo-seryoso sa kanya. His eyes are equally lethal. Hindi na nakapagpigil si Giuseppe. "And why would I allow you to go out and meet that bastard?" taas ang kilay na sagot nito. Nangatal ang mga labi ni Roxanne nang makita kung gaano kalamig at walang ka-emosyon ang mukha ni Giuseppe.Mabilis na naghubad ito sa harap niya at sa isang pikit-mata, ay naka topless nalang ito, at tanging isang masikip na boxer shorts na lamang ang suot nito sa katawan. "Answer me... Roxanne," Lumapit ito sakaniya, kaya naman agad siyang napaurong, hanggang sa pader na ang bumangga sa likuran niya. "B-Babalik naman agad ako, r'yan lang ako pupunta..." bulol na sagot niya. "Importante!" Napatili siya ng kunin nito ang flower base at binato na lamang kung saan. Nagkapira-piraso iyon. "Importante ba o makikipagkita ka lang sa lalaki mo?!" dumadagundong na tanong nito. Wala sa sariling napalunok siya. Nanlaki ang mga mata. Kung gayon ay alam na nito! At base sa ibinabadya ng mukha nito ay mas magiging mainam kung hindi siya magdedeny pero hindi rin aamin. Wala ng maisip na paraan o sasabihin, kaya naman lumuhod si Roxanne sa harap nito kahit kinasusuka niyang magpakumbaba rito. "P-Please... b-babalik ako nagsasabi ako ng totoo," "Pagdating sa salitang katotohanan, ikaw ang huling taong paniniwalaan ko, Roxanne. Lagi mo akong binibigo. You always disappoint me. You always love hurting me. At baka gusto mo talaga akong subukan 'yan at nang mawala na sa mundo 'yang lalaking kinababaliwan mo?" Mapanganib ang mukha nito. Alam ni Roxanne na wala sa bokabularyo nito ang magbiro. Mabilis siyang nakatayo mula sa pagkakaluhod at sinugod ito. Hindi niya napigilan ang paglipad ng kamay sa mukha nito. Maging siya'y nagulat din sa kapangahasan. Tumabingi ang mukha nito sa lakas ng impact n'yon. Saglit itong natahimik pero naroroon ang pagtitimpi sa mukha. "P-Pasensya na--" Hindi na nito pinatapos ang sasabihin niya dahil agad nitong hinaklit ang braso niya. "Wala na akong narinig mula sa bibig mo simula noon hanggang ngayon kundi pasensiya na, sorry, hindi sinasadya! Ilang milyong beses ko ng narinig 'yan sayo! Wala ka na bang ibang linya? At huwag na huwag mo akong susubukan dahil nasa teritoryo kita, at lahat ng naisin ko'y magagawa ko!" Mabilis na binuhat siya nito at dinala sa kwarto nito. Kinakabahang napatingin siya sa queensize bed na kama. Napalunok. Bago pa siya muling makapagsalita ay nahagilap na nito ang labi niya at binigyan siya ng isang makapugtong hiningang halik. Hindi iyon banayad. Katunayan, marahas at may galit ang paraan nito ng paghalik sakaniya. At hindi niya naman gusto 'yon kaya pilit niya itong tinutulak. Halos bumaon na ang kuko niya sa braso nito. "A-Ano ba! Let go of me!" Pinakawalan naman siya nito pero hindi nababawasan ang intensidad ng galit nito. Tinukod ng isang siko nito ang pader at pinakatitigan siya sa mukha. Naroroon pa rin ang nagbabagang tingin, ngunit malamyos na ang tono nito ngayon. Hinaplos ng kamay nito ang malambot na pisngi niya. "Huwag mong sasagarin ang pasensiya ko, Roxanne. Matagal na akong nagtitimpi. At hindi sa lahat ng oras kaya kong magpakasanto... tandaan mo ito, kapag muli kong nalaman ang balak mong pakikipagtanan d'yan sa lalaki mong 'yan, o kahit sino man ang humadlang saating dalawa, hindi ako mangingiming alisin sila sa landas ko," malupit na sabi niya at iniwan na ang asawa sa kwarto. Nanginginig naman sa takot si Roxanne at napatulala sa nilabasan nitong pintuan. Nanginginig na napaupo siya sa gilid ng kama. Paano nalaman ni Giuseppe? Ingat na ingat siya! Si Giuseppe naman ay pinipigilan ang pagpatak ng kanyang luha. Kahit may amnesia o wala si Roxanne, she never fails to hurt him. Lagi siyang nasasaktan ni Roxanne. Kailan ba niya makakamtan ang pag-ibig ng asawa na kay hirap abutin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD