PRESENT TIME, MANILA
"Brent, nauuhaw ako. Pwede mo bang palitan 'yung gallon sa water dispenser?" Nakalabing tanong ni Marjorie, the woman is obviously flirting with Brent. Kahit naman kitang kita niya mula sa kinapupuwestuhan na maraming tao at lalaki sa pantry na pwedeng magpalit ng gallon.
Nanggigigil si Roxanne habang pinapanood ang dalawa. Maingay sa floor. Busy ang lahat ng mga katrabaho niya. Wala namang manager dahil may meeting ang mga ito sa huddle room. Kaya naman multi-task ang lahat. Trabaho at tsismisan.
Mula sa pagkakatutok sa monitor ng computer ay nilingon naman ito ni Brent. "Oh, wala bang tao 'ron? But... sure," anito at tumayo sa swivel chair para pumuntang pantry. Kumekendeng kendeng na sumabay si Marjorie kay Brent.
Gigil na gigil si Roxanne. Tinitignan niya ang binata at umaasang mararamdaman nitong ang talim ng tingin niya rito, para malaman nitong hindi siya natutuwa sa kalandian ni Marjorie!
"Thank you so much, Brent! Bait bait mo talaga," parang kinikilig pa na sabi nito sabay hampas sa braso ng lalaki.
Hindi naman na bago kay Roxanne iyon. Sa office nila, ay talagang lapitin si Brent. Friendly kasi ito at mabait. Idagdag pang gwapo, kaya naman napakaraming ka-officemate nila ang nagkakagusto rito.
May sinabi si Brent pero naging malabo na sa pandinig niya dahil pumasok na ang mga ito sa pantry. Hindi na niya kaya ang nakikita. Parang sasabog ang dibdib niya sa matinding inis at selos. Kaya naman ibinaba niya ang hawak na ballpen at papel at akmang susugurin na ang mga ito nang may pumigil sakaniya.
"At talagang pupuntahan mo pa?" sabi ng lalaking ni sa hinagap niya ay hindi niya nanaising makita.
Nakita niya pa ang mga malisyosang tingin sakaniya ng mga ka-opisina. bagama't walang lumalabas sa mga bibig ng mga ito ay alam na niya ang tinatakbo ng mga kaisipan. Kinaiinggitan siya sa opisina dahil sa lalaking kaharap niya. Akala ng mga ito ang swerte swerte niya dahil sa atensyong natatanggap niya rito. Pero nagkakamali ang mga ito.
"Hindi ka ba talaga nakikinig saakin? Akala ko malinaw na ang usapan natin?" kunot-noong sabi nito.
Naging malikot ang mga mata niya at nahanap ang pares ng mga mata ng kapatid na si Rocco. Na katulad niya'y sa opisina ring 'yon nagtatrabaho. Secretary ito, samantalang siya ay sa staff sa human resource department. Umiling ito sakaniya at pinapahiwatig na huwag niya nang sagutin ang lalaki.
"Grabe naman, umaga pa lang, pero parang nakapaglunch na ako. Sobrang gwapo ni Sir Evan," sabi ng tsismosa niyang ka-workmate. Nasa kabilang bay ito. Alam niyang patay na patay talaga ang mga ito sa lalaking kaharap.
"Huwag mo akong pundihin, Roxanne. Pagkatapos mong mag check-out, umuwi ka agad sa bahay. Ayaw ko ng saan saan ka pa pumupunta. Nagkakaintindihan ba tayo?" Seryoso at mariin nitong tanong.
Ni hindi man lang siya hinintay nitong sumagot dahil binitawan na siya nito at tuloy tuloy pumasok sa private office nito.
Napipikang sinundan nalang niya ito ng tingin habang nagmamake-face sa likuran nito.
Ito ang tipo ng lalaki na kayang kunin ang lahat ng atensyon ng kababaihan. Maging sa kalalakihan, ay tiyak niyang maagaw nito ng pansin. Ito ang tipo ng lalaki na makapangyarihan at kayang kunin ang lahat ng gustuhin sa isang pitik lamang ng daliri.
At isa ka na roon. Sabi ng isang bahagi ng utak niya.
Mapait siyang natawa. Umupo siya nang mangawit. Maya-maya ay pumunta sa station niya ang kapatid na si Rocco. "Kinansela niya ang lahat ng meetings niya mamaya," anito ng kapatid.
Tinignan niya ito. Wala naman siyang pakialam doon. "E, ano naman?"
"Hindi ka kasi nag-iisip, ate. Masyado ka na." iling iling na sabi nito.
"At ako pa talaga ngayon ang sobra na?" hindi makapaniwalang sabi niya.
Bumuntong-hininga ito. "Eh kasi naman, bakit ba kasi ganoon ka makatingin kay Brent? Tapos hindi mo mapigilan ang sarili mong lapitan 'yon. Ilang beses ka nang sinabihan ni kuya Seph,"
"Alam mo, ikaw? Hindi ko alam kung sino talaga ang kapatid mo. Kung ako ba o ang lalaking 'yan. Hindi ka nakakatuwa," asar na sabi niya.
"Ikaw ang hindi nakakatuwa, ate. Tingin mo ba tama 'yang ginagawa mo? Nakikipagmabutihan ka pa sa Brent na 'yon? Aba siguro kung hindi lang tayo nasa iisang kompanya, tiyak gumawa ka na ng kabalbalan," angil nito sakaniya.
Napahinto siya sa ginagawa niya. "Alam mo ang totoo, Rocco. Alam mong--" hindi na niya natapos pa ang sasabihin dahil nag-iinit ang paligid ng kanyang mga mata. Pinuno niya ng hangin ang dibdib para hindi siya mapaiyak doon at gumawa ng eksena.
Hindi na niya kinaya kaya naman dali dali siyang lumabas ng opisina at pumuntang fire exit. Wala namang taong pumupunta roon. Dahil may rooftop ang building kung saan doon nagsisigarilyo ang mga empleyado.
Naninikip ang dibdib na napapikit siya at sinandal ang likuran sa pader. Ngunit agad siyang dumilat nang maramdamang hindi siya nag-iisa roon.
Nakita niya si Brent na pinagmamasdan siya. Wala sa sariling napalunok si Roxanne at pinagmasdan ang mukha ng binata. Ang maganda nitong buhok, ang palangiti nitong mukha at laging amoy bagong liko na Brent. Ang lalaking kinababaliwan niya.
"Roxanne... I... s-sinundan kita nang makita kong lumabas ka sa office," nakayukong sabi nito.
Nag-ulap ang mga mata ni Roxanne at hindi na siya nakapagpigil pa. Niyakap niya ito ng mahigpit. Kinuha naman nito ang ulo niya at idinikit sa dibdib nito.
"Roxanne, are you okay?" nabakas niya ang pag-aalala sa mukha nito.
Kanina, hindi. Pero ngayong nakita at nahawakan na niya ito, kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam niya. Tinitigan niya ito sa mukha.
Brent is a very nice guy. Mabuti at disenteng boyfriend. Nais man niyang sumama ang loob dito dahil wala itong magawa sa sitwasyon nila ay hindi niya maisumbat 'yon dito. Alam niyang mahirap ang kinakalaban nito. Lalo na't empleyado lang ito rito.
"Brent... wala na ba talagang pag-asa? Ganito na lang ba tayo?" hirap na tanong niya rito.
Kitang kita niya rin ang labis na paghihirap sa mukha nito kaya naman kinintalan siya nito ng halik sa noo. "I... I don't know, Roxanne. I even don't know if this is right or wrong... pero ang alam ko lang, mahal kita at mahalaga ka saakin..."
Napaluha siya. "Bakit hindi pa tayo magpakalayo-layo, Brent? M-Magtanan na tayo? T-Takasan na natin ang magulong mundo na ito. Pumunta tayo sa lugar na... malaya tayong magmamahalan," tuloy-tuloy na sabi niya. May pag-asang pumupuno sa dibdib niya.
Bumuntong-hininga ito. "Alam mo na gusto ko ang suhestiyon na 'yan, Roxanne... pero hindi madali. Malaking tao ang babanggain ko. Paano naman ang pamilya ko? I'm worried for them. Mayaman man ako, pero walang wala 'yon kaysa sa yaman niya..." hirap na sabi nito.
Nanakit ang lalamunan niya. "Eh ano'ng gagawin natin? Hanggang ganito na lang ba tayo? Hindi ko kayang mawala ka saakin, Brent." madamdamin niyang pahayag.
"Hush... hush, stop crying sweetheart. Hindi ko kayang nahihirapan ka. At naiinis ako na wala man lang ako magawa sa kinasusuotan nating sitwasyon,"
"Natatakot ako, Brent... natatakot ako na ipagpalit mo ako. Na magsawa ka sa ganitong sitwasyon. You see, ang dami daming nagkakagusto sa'yo, baka naman... baka patusin mo--"
Napakunot-noo ito. "Why would I do that? Kahit nga mayroon akong rason para gawin 'yon, hindi ko naman ginawa, diba?"
"N-Natatakot lang ako, Brent..."
"May alam akong paraan para mawala 'yan..." bago pa siya makapagsalita ay pumalit doon ang labi nito. Hinapit siya nito sa bewang niya. Siya naman ay kusang nagpaubaya sa nobyo at hinawakan pa ang likuran ng ulo nito upang gantihan ang halik nito.