Kabanata 4

1315 Words
PAREHAS PA silang hinihingal nang maghiwalay ang labi nila. "Mauna ka na lumabas. Baka may makahalata saating wala tayo sa station. Masyado tayong matagal na nawala para sa pee break. I-tetext nalang kita, I miss you Roxanne." Napabuntong-hininga siya ulit. "I miss you more, Brent. Sige, sa text na lang." Sa likod na pinto siya dumaan, hindi sa main entrance kasi naroroon ang mga tsismosa. Atleast sa likod, mga locker lang ang naroroon at mga bakanteng station. Kaya naman tuloy-tuloy siya sa paglalakad at halos mapatili siya nang pagbukas niya ng glass door ay nakita niya si Giuseppe, na masamang-masama ang pagkakatingin sakaniya! Napalunok si Roxanne. "May asawang tao kana, pero nakikipaglaplapan ka pa sa ibang lalaki. Katrabaho mo pa at sa mismong company premises ko pa,"  Nanlaki ang mga mata niya sa tindi ng galit at kalamigan sa boses nito. Nanginginig na iginala niya ang tingin sa takot na baka may makarinig sakanila. "S-Seph..." "Akala mo, hindi ko malalaman? Akala mo, ganoon ako katanga? While my head throbbing like crazy, I saw my wife flirting with my employee!" Napailing iling ito at labis ang nakikita niyang disappointment sa mukha nito. Pinilit niyang mag-deny. "A-Ano bang sinasabi mo r'yan...?" "Here!" Saka binato nito sakaniya ang cellphone. Mula roon, ay kitang kita niya ang CCTV view sa fire exit. Nanlaki ang mga mata niya. Tiyak niyang kitang kita nga ni Giuseppe ang lahat ng ganap nila kanina ni Brent! Napalunok siya ng matindi. "Tatanggi ka pa, ha? Ano'ng akala mo saakin, tanga? Pinagbibigyan ko ang malalagkit na tinignan niyo ng Brent na 'yon, pero ito? Para akong nakanood ng live show, ah?" sarkastikong anito. Nasukol na si Roxanne at hindi niya alam kung paano makakatakas doon. "Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na huwag na huwag ka nang titingin sa lalaking 'yon? Na huwag na huwag ka nang makikipagkomunikasyon 'don? Na huwag na huwag ka nang magpapakita sakaniya? Pasalamat ka pa nga, hindi ko pa pinapatanggal ang lalaking 'yan sa opisina ko! Tapos ito pang makikita ko?!" He is furiously mad. Nabasa ni Roxanne ang ibabang labi sa matinding kaba. Madilim na madilim ang mukha nito. "f**k! When will you stop hurting me? When will you stop cheating on me?!" Napaluha ang babae. "S-Seph..." Napapagod na sa ganitong buhay si Roxanne. Hindi naman ito ang pinangarap niya. Lagi nalang siyang natatakot kapag kasama si Giuseppe. Ito ang rason kung bakit naging iba ang buhay niya. Ito ang dahilan bakit napunta siya sa sitwasyong kailanman ay hindi niya plinano at ginusto. Si Giuseppe lang naman ay asawa niya... Noong nakilala niya ito at inalay niya rito ang sarili ilang taon na ang nakakalipas ay ilang buwan ang lumipas ay tuluyang pumasok sa buhay niya si Giuseppe. Masaya at ka-relasyon na niya noon si Brent. Pero biglang nagbanta si Giuseppe na may mangyayaring masama kay Brent kapag hindi niya ito sinunod. Sa takot niya rito at ang iniingatang lihim na minsan ay naging puta siya ay nagawa siya nitong pasunurin sa gusto nito. Nagagalit siya sa sarili dahil wala siyang nagawa at si Brent. Parehas silang walang kakayahang salungatin ito o kalabanin. Nagpakasal sila dahil ito ang gusto nito. At napakahirap niyon sakaniya dahil hindi naman ito ang tinitibok ng puso niya. Kundi ang maginoong si Brent. At alam niyang impyerno lamang ang magiging buhay pag-aasawa niya. Noong una'y hindi niya kayang magalit sa lalaki. Malaki ang utang na loob ng pamilya niya rito. Gumaling din ang kanyang ama at ngayon nga ay malakas na malakas na. Pero sa ginagawa nitong pamimilit sakaniya sa gusto nito, ay napalitan iyon ng galit at pagkapoot dito. Sino ba ito sa tingin nito para pumasok sa buhay nila ni Brent at sirain ang relasyon nila? Na manipulahin nito ang buhay niya? Galit siya sa lahat. Maging sa sarili. Dahill wala siyang nagawa. "Seph... why are you doing this?" Wala siyang mabakas na kahit anong emosyon sa mukha nito, ito ang hindi nakatiis sa kanilang dalawa. Nagwalk-out ito. Siya naman ay napaluha. Pagkabalik niya sa station ay nagtama pa ang tingin nila ni Brent. Ngumiti ito sakaniya. Dahil ayaw niyang mag-alala sakaniya ang nobyo ay pilit na nginitian niya ito.  Napabuga ng hininga si Rocco. "Ate, tigilan mo na 'yan. Kapag ako hindi nakapagtimpi, isusumbong ko na talaga kayo kay Kuya Seph!"  Gusto sana niyang sabihin sa kapatid na alam na nito at mas malala pa nga ang nakita. Pero imbis sagutin iyon ay iba ang naging sagot niya. Mapakla siyang napangiti. "Masisisi mo ba ako, Rocco? Nagmamahal lang ako. Na pinagkaitan. Mahal na mahal namin ni Brent ang isa't isa," nalasahan niya ang matinding pait sa dila niya. "Naroroon na ako, ate. Pero maling mali. Sa mata man ng tao o ng Diyos, sobrang kasalanan 'yang ginagawa niyo. Kasal ka na, ate. Kasal kana kay kuya Giuseppe. Tandaan mo 'yan," animo mas nakakatanda ito kung pangaralan siya. Napapikit nalang siya sa masakit na reyalidad na 'yon. Tanging si Rocco, Brent, pamilya niya at pamilya lang ni Giuseppe ang nakakaalam na kasal silang dalawa. Isang civil wedding lang 'yon dahil na rin sa matinding pagpupumilit niya. ~ KINABUKASAN, HABANG kumakain ang magkapatid sa pantry ay umupo naman sa sumunod na bay si Brent at ang mga kaibigan nito. Nakaharap ito sa puwesto niya kaya malaya nilang nakikita ang isa't isa. Nakatalikod si Rocco sa mga ito. Ngumiti ito sakaniya at kumaway. Alam ni Roxanne na papagalitan ulit siya ng kapatid, pero hindi niya talaga kayang tanggihan si Brent. She just can't ignore him. So she smiled... a little. "Ate!" Pinagtakhan naman ni Roxanne ang paninita at takot sa boses ni Rocco. Bago pa siya makapagsalita ay naramdaman na niya ang presensiya ng pinakaayawan niyang tao -- si Giuseppe. Bago pa niya ito malingon ay naitakip na nito ang dalawang palad sa mga mata niya. Blocking her sight. Napalunok si Rocco sa kaba. Maging ang mga taong naroroon sa pantry. "Baka matunaw si Mr. Moravilla sa sobrang init ng titig mo sakaniya. Ayaw ko pang mamatayan ng empleyado at mag donate ng bulaklak..." mariin at mapanganib nitong sabi. Napasinghap siya, si Rocco at maging ang mga empleyadong malapit sakanila. "K-Kuy... I mean, sir..." awat ni Rocco. Pero tinignan lamang ito ni Giuseppe. "Huwag kang makialam, Rocco. Gusto ko lang namang disiplinahin ko ang asawa ko at ipaalala sakaniyang may-asawang tao siya," nagtaas baba ang dibdib nito sa pinipigil na galit. Tinaungan niya si Rocco at sinabing hayaan nalang ito. Unti-unting binaba ni Seph ang palad nito sa mata niya. "Saan ko nga ba narinig ang linyang ito sa movie? Ang sabi nila ang buhay ay parang isang malaking Quiapo. Maraming nag-aagawan. At kung hindi ka mag-iingat, maagawan ka. I didn't think before na magagamit ko pala mismo ang linyang 'yan, right, Roxanne...?" malambing na tanong nito na alam niyang kabaligtaran na kabaligtaran sa galit nito. Nag-iwas siya ng tingin. "P-Pinagtitinginan tayo, Seph. Please, umalis ka na." Mas nagtagis ang bagang nito sa sinabi niya. "Ikaw pa talaga ang may ganang magpaalis saakin? Let me remind you that this is my company! You are working in my company. Ang lakas ng loob mong magmatapang saakin. Hindi ko na mailista ang mga kasalanan mo saakin," Hindi nakapagsalita ang babae. Napayuko na lamang. "Pero sige, dahil ayaw kong nalalagay ka sa sitwasyong hindi ka kumportable. Aalis na ako," Doon siya nagtaas ng tingin. "Pero siyempre, hindi ganoon kadali 'yon..."  Napakabilis ng mga susunod na pangyayari. Naramdaman niya ang kamay nito sa baba niya at itinaas sa mukha nito. Their lips met. Hindi naman iyon malalim. Sapat lang para matikman nito ang labi niya. Agad din nitong binatawan siya. "There, be a good wife." at iniwan na sila nito ni Rocco. Kitang kita ni Roxanne ang naguusyusong tinginan sakaniya ng lahat. Pati ang naghihinanakit na tingin ni Brent. Pero kay Rocco siya mas nakapagpokus. "Iyan ang kuya Seph ko. Kaya kahit ano'ng mangyari sakaniya ako boto eh,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD