Habang naglalakad kami ng pinsan ko ay kinikilabutan ako ng husto. Hindi ko alam kung dahil ba sa likot ng imahinasyon ko o dahil nadadala lang ako sa takot ng mga naririnig ko kay Kuya kanina. Kakaiba ang ihip ng hangin dahil parang buga ito nanbg malakas na aircon. Nagpatuloy kami sa aming paglapakad hanggang sa napansin kong mas domoble ang lamig ng hangin na dumadampi sa aking mga balat. At hindi ko mapigilan ang sarili na haplusin ang mga braso upang mabigyan ng init ang aking katawan kahit na naka-jacket naman ako. Kahit ang mga palad ko ay kinikiskis ko na dahil para kaming nasa loob ng freezer. Maliban pa roon ay parang lalabas na ang puso ko dahil sa mga nakikita ng aking mga mata. Kung hindi ako umabot sa ganitong edad, hindi ko mararanasang maging paranoid. May nak