"You okay, you okay pa siyang nalalaman." Inis na nilapag ni Blessy ang kaniyang suklay sa tapat na lamesa. Pilit na kinakalma ng dalaga ang kaniyang sarili dahil sa nangyari kanina. Alam niyang wala siya sa lugar para magsalita ng laban kay Madelaine dahil ito naman talaga ang fiance ni Vaun. Pero hindi niya pa rin maiwasan na hindi mapikon sa ginawa sa kaniya ng binata. Para itong namamangka sa dalawang ilog kung sumagwan. "Blessy?" Kumatok si Vaun sa pintuan ng dalaga para tawagin na itong kumain, pero hindi siya nito sinagot. Ilang dasal pa ba ang kailangan kong aralin? Pagkabukas ng binata sa pintuan ay nadatnan niyang nagdadasal ang dalaga. Nakaluhod ito at magkasaklop ang mga kamay. Tumabi si Vaun kay Blessy upang lumuhod din at para mas maobserbahan niya ang batang madre. Malam