Kaya ko pala 'yon? Hindi makapaniwala si Vaun habang pinagmamasdan ang kisame ng kaniyang kuwarto. Sa taas ba naman ng kaniyang libido ay nagawa niyang pigilan ang sariling angkinin ang batang madre kahit pulgada nalang ang distansiya nila kanina. s**t. Mauuna pa ata akong maging santo kaysa kay Iyel. Almost ten in the evening na, pero hindi pa rin makatulog ang bilyonaryong binata. Ilang paling na ang kaniyang nagagawa ngunit tila tinakasan siya ng antok. Hindi rin nakakatulong ang amoy ni Blessy na kumapit sa kaniyang unan, at mas naaalala niya ang init ng katawan nito. Tulog na kaya siya? Bumangon si Vaun sa pagkakahiga at tinungo ang kuwarto ng dalaga. Pagkabukas ng pintuan, nakita ni Vaun ang nakahigang dalaga. Mukha namang payapa na itong natutulog sa malambot na kama kaya umupo a