Habang tahimik ang buong opisina ay hindi mapakali si Blessy na naghihintay kay mother superior. Nilalaro niya ang sariling daliri habang nakatitig sa kawalan. Naghihitay ng magiging abiso o sermon na mula sa matandang dalaga. Kung pagmamasdan ang batang madre ay wari mo'y nakagawa ito ng matinding kasalanan at ngayon ang pinitensiya. Paniguradong siya ang mananagot dahil nahuli sila sa pagsundo sa bisitang pari at sakristan nito. Ang masama pa ay tinangayan ito ng gamit noong malapit na sila sa tindahan. Sinugatan pa si padre Bonifacio at Santan, ng mga magnanakaw. Si Santan ay may sugat sa noo at mga paa, habang si padre Bonifacio ay may hiwa sa binti at braso. May mga pasa rin ito sa iba't ibang parte ng katawan. Kaya bago pa man ito makarating sa auner kanina ay bigla na lamang itong