Nanlalaki ang mata ni Vaun habang nakatingin kay Blessy at gayundin ang dalaga. Wala sa isip ni Vaun na mangyayari ang senaryo ito. Madalas kasi ay pilit ang kagustuhan niyang muling mahalikan ang dalaga, kaya siguro napupurnada ang nangyayari. Ini-angat ni Vaun ang dalaga at muling iniupo sa stool bar. Pareho silang hindi makapaniwala sa nangyari, at naiisip ni Vaun na ilapit muli ang kaniyang sarili sa dalaga ngunit mabilis ang kamay nitong lumapat sa kaniya. Tangina nakakadalawang sampal na sakin 'tong madre na 'to. "Lasing ka lang at aksidente ang nangyari. Hindi pwede ang gusto mo Mr. Valderama." nakatingin lang ang batang madre sa nakatagilid na mukha ng binatang nagpatuloy sa kaniya ang ngayon sa Maynila. Kahit pa ang pagkabigla niyang sampal sa guwapo nitong mukha ay ikinagulat