PROLOGUE

2296 Words
“Sundin ang loob Mo dito sa lupa, gaya ng sa langit.” Sabay-sabay na awit ng mga bata at madre ng isang kanta sa simbahang katoliko. Makikita ang natural na misa sa loob ng bahay ampunan na kanilang pinagtitipunan. Isang misa ang nagaganap kada buwan upang makita ng mga bata kung paano ang kaganapan sa misa at para mas mapalapit sila sa Diyos. Normal kasi na ang mga bata sa ampunan ay may iba’t ibang ugali dahil mula sila sa magkakaibang pamilya. “Sumainyo ang kapayapaan.” Saad ng kinikilala nilang padre Bonifacio. “At sumainyo rin.” Tugon ng lahat. Bumaba ang pari sa mini stage at may ibinulong sa katabing sakristan na hindi nagkakalayo sa edad nito. Sunod namang lumapit kay padre Bonifacio ay si sister Merlita na may hawak na isang basket na puno ng prutas. Dahil walang malaking pera ang ampunan, tanging bunga lamang ng prutas ang kanilang ibinibigay sa mga paring pumapasyal sa kanila para sa magdaos ng misa. Ang bawat isa ay nakangiti habang nagsasabi ng “peace be with you”. Mula sa mga batang nakatira dito sa orphanage hanggang sa mga madre na nagaalaga sa kanila ay namumutawi ang saya sa kani-kanilang mukha. Hindi maaatubili ang kagustuhan ng mga ito na ipasa ang kapayapaan na siyang dapat nakikita sa bawat tahanan. Malaki ang tulong ng Angels Home Orphange para sa mga batang ulila at hindi na kayang alagaan pa ng mga magulang. Sa katunayan ay isa si sister Blessy sa mga natulungan ng bahay ampunan na ito kung kaya’t nais niyang dito maglingkod. “Sister Blessy, pinapatawag ka ni padre Bonifacio.” Masayang hayag ni sister Merlita na siyang tinuturing na sekretarya rito sa ampunan. “Salamat po, sister Merlita. Susunod na po ako.” Nakangiting tugon niya. Habang papunta sa opisina ng pari ay niyayakap siya ng mga batang kaniyang nakakasalubong. Pinagdadasal niya na sana mapunan ng kaniyang yakap ang pangungulila ng mga batang ito sa kanilang magulang. Na kahit papaano ay maparamdam niya ang pagmamahal na mula sa Diyos. “Sister Blessy, sobrang ganda niyo po.” Puna ng bata sa kaniyang mukha. “Lahat tayo maganda dahil inukit tayo ayon sa wangis ng Panginoon.” Sagot niya kay Macy na bagong dala rito sa ampunan. Para sa kaniya, ang bawat isa ay may angking ganda, talino, at kakayahan. Hindi dapat maaalis sa isip ng tao na ang bawat isa ay kalarawan ng Panginoon kaya walang dapat mamintas sa itsura ng kaniyang kapwa. Isa si sister Blessy sa nangangalaga ng mga bata rito sa ampunan kaya’t ang bawat isa ay pamilyar na sa kaniya. Mula sa sanggol hanggang sa labing isang taong gulang ang nakatoka sa kanyang bata. Dahil hindi na kinakaya ng ibang madre ang kakulitan ng mga ito kaya siya na ang kumuha ng responsibilidad. Masaya si Blessy sa ganitong uri ng paglilingkod dahil minsan na rin siyang naging isang bata na lumaki sa ampunan. Habang papalapit sa opisina ng pari ay napapaisip sa kaniya kung bakit siya nito ipinatawag. Hindi niya maalala kung may inutos ba ito sa kaniya, o baka naman maguutos pa lamang ito. “Padre, pinapatawag niyo raw po ako?” saad ni Blessy bago kumatok sa opisina ng pari. Hindi pa man siya nakakatatlong katok ay bumukas na ang pinto at sinalubong siya ni padre Bonifacio. Bigla namang natigilan si Blessy dahil sa halos kaunting distansiya nalang ang natira sa kanila ng pari. Kung hindi siguro dahil sa tindig nito na abot sa 6’2 ay baka nagtama na ang kanilang mukha. Kaya para mabawasan ang kakaibang pakiramdam ay unang umatras si Blessy. “Pinapatawag niyo raw po ako?” ulit niyang tanong na may buong respeto. Kita naman ang paglunok ni padre Bonifacio bago nagsalita. “Pasok.” Mas lumaki na ang luwang ng pinto kumpara kanina kaya’t pumasok na si Blessy at isinara naman ni padre Bonifacio ang pinto. “Padre, hindi na po ako magtatagal. Gusto ko na po sanang malaman kung bakit niyo po ako pinatawag.” nahihiyang hayag ng batang madre. Nakita naman ni padre Bonifacio ang paglunok nito at pamumula ng mukha. Pinagmamasdan niya ang mukha ni Blessy habang sa sahig ito nakatingin. Ang mukha nito ay halos maihahalintulad sa isang santa. May mahahabang pilik mata na pinarisan ng makapal na kilay. Namumula rin ang mga pisngi nito sa tuwing nahihiya at kinakabahan. Ang kulay tsokolate nitong mata ay nababagay sa maputi nitong balat. Samantalang ang buhok nito ay nakapaloob sa belo. Paniguradong kung hindi ito magiging madre ay maaari itong maging isang modelo. Natigil lang ang pagmasid ni padre Bonifacio nang marinig niya ang tikhim ng kaharap. “Tungkol sa nangyari kahapon.” Pauna ni padre Bonifacio. “Po? Kahapon po?” Paguulit naman ni sister Blessy. Alam ni Blessy kung ano ang pinapatungkol ni padre Bonifacio, ngunit ayaw niya na iyong maalala. Sa tuwing naiisip niya kasi yun kanina sa misa ay kusa na lamang nagiinit ang pakiramdam niya. Higit pa doon ay may mga bagay siyang naiisip na hindi dapat nasa isip ng isang madre. Pagsubok lamang ito na dapat kong labanan. Lumapit si padre Bonifacio sa direksyon ni Blessy kaya umusog siya nang kaunti. Napangisi naman ang pari dahil sa naging aksiyon niya. “Gusto mo bang ipaalala ko?” nangingiti pa nitong tanong. Agad na rumehistro ang kaba sa mukha ni Blessy sa isiping babanggitin ni padre Bonifacio ang nangyare kahapon. Isang bagay na gustong-gusto niya nang ibaon sa limot. “Wag na po, padre.” sagot niya na sinamahan pa ng pagiling. Humakbang muli si padre Bonifacio palapit sa dalaga kaya’t patuloy rin si Blessy sa pagatras. Nakatingin lang sila sa isa’t isa na animo’y naguusap sa pamamagitan ng mata habang patuloy sa paghakbang. Walang maisatinig ang dalaga at malamlam naman ang tingin ng pari sa kaniya. “Kahapon--” “Wala po, padre! Wala po akong naaalala.” Pagputol ni Blessy sa sasabihin ng pari. Dumilim naman ang mukha ni padre Bonifacio dahil sa naging sagot ni Blessy. Para sa kaniya ay hindi dapat kalimutan ang nangyari kahapon. Isa iyon sa mga alaalang dapat pahalagahan. It’s been a while since he felt something genuine, and he won’t hesitate to grab the chance to treasure this kind of feeling. Yesterday was awesome. The one thing he may consider his responsibility is the kiss they shared accidentally. But he can’t be silent and not take the chance of being with her. He needs to bring the fire inside her before she becomes a nun. Tumama si sister Blessy sa sofa kaya’t bigla nalang siyang napaupo. Hindi niya malaman sa sarili kung bakit pakiramdam niya ay excited siya sa mangyayari. Dapat ay sawayin niya ang isipan niyang nagnanasa ng hindi maganda sa pari, ngunit tila nanghihina ang kanyang katawang lupa at nais nalang magpatianod sa sitwasyon. “Ipapaalala ko sayo kung anong nangyari kahapon.” Sabi ni padre Bonifacio na unti-unting inilalapit ang mukha sa dalaga. Magbabalak sanang umiwas ng tingin si Blessy ngunit mabilis na hinawakan ni padre Bonifacio ang kanyang baba at iniharap sa kaniya. “Look at me, Blessy.” Tila nahipnotismo naman ang dalaga dahil kusang pinuri ng isipan niya ang mukha ng pari. Pinagmamasdan niya ang mga mata nito na pinagsamang kulay itim at abo. Ang pilikmata nitong mahahaba at kilay na malago. Ang natural nitong mala-rosas na labi at matangos na ilong na kung saan masarap magpadausdos. Hindi maipagkakaila ang depinado nitong panga na masarap hawakan at halikan. Lalo na ang buhok nitong dark brown na gustong-gusto niyang suklayin gamit ang sariling kamay. Ang itsura ng pari ay maaari niya ng ihalintulad sa isang anghel mula sa kalangitan. Tunay na gaya ito sa mga nababasa niya noon sa libro ng mythology-- greek god. “Padre.” nanghihinang usal niya. “Yes, sister Blessy?” Pakiramdam ni Blessy ay hindi si padre Bonifacio ang kaharap niya. Kahit kasi ang tono ng pananalita nito ngayon ay parang nagiba. Bawat salita ng paring kaharap ay nakapagbibigay init sa kanyang sistema. Parang magkaiba ang padre Bonifacio na nagsalita ng “peace be with you” kanina at paring kaharap niya ngayon. “What we did yesterday shouldn’t be forgotten.” saad pa ni padre Bonifacio habang nakatingin sa kaniyang mga labi. Ang mga mata nito ay masyadong nagbibigay aliw kay Blessy. Sa hindi malamang dahilan ay nanlalambot ang kaniyang tuhod. Mabuti nalang at nakaupo siya kundi kanina pa siya natumba. “Yes, father.” Sagot niya na umani ng mahinang tawa sa binatang pari. Mabilis niya namang napagtanto ang kaniyang sagot kaya’t rumihistro sa kaniyang mukha ang sobrang pagkapahiya. “Ang ibig kong sabihin ay--” Pinigil ni padre Bonifacio ang pagsasalita ni Blessy sa pamamagitan ng paglapat ng hintuturo niya sa labi ng dalaga. Agad na nakaramdam si Blessy ng kuryente na dumadaloy sa buo niyang katawan. Imbes na sawayin ang sarili ay hinawakan niya ang kamay ni padre Bonifacio kaya mas naginit ang paligid niya. Maling desisyon. Hindi tama na hawakan ko na lamang basta ang padre dahil siya’y lingkod ng Diyos na dapat maging isa sa Kaniyang banal. Naglalaban ang isip at katawan ni Blessy kung aalisin niya ba ang pagkakahawak sa kamay ng pari o hindi. Isang desisyon na sa tingin niya ay dapat gamitan ng karunungan. Babawiin na sana niya ang paghakakahawak sa kamay ni padre Bonifacio ngunit bago pa man iyon mangyari, inihawak ng padre ang kamay niya sa sarili nitong pisngi at pumikit nang mariin na tila dinadama ang init ng kaniyang kamay. Wala siyang magawa kundi pagmasdan ang reaksiyon ng pari. Kita niya ang pagangat ng ugat nito sa kamay at braso kaya naisip niya na baka may nagawa siyang mali rito. “Padre, bakit po lumalabas ang ugat mo sa braso?” Inosenteng tanong ng dalaga. Unti-unting napadilat si padre Bonifacio at nagpaskil ng isang ngisi. “My, my. Be still, and don’t ask for something you can’t bear.” Ngunit kahit pa sinita siya nito ay nais niyang malaman kung galit ba ito sa kaniya. “Galit po ba kayo? Wala naman po akong ginawang masama.” Malungkot niyang saad. Ayaw niyang magalit sa kaniya ang pari dahil baka magkasala siya sa Diyos. “Hindi, Blessy. Hindi ‘ako’ ang galit sayo.” Sagot nito na mas binigyan diin ang salitang “ako”. “Eh bakit po--” “Mas lalo ‘siyang’ magagalit sayo kung patuloy kang magtatanong.” Pagpuputol nito sa sasabihin ng batang madre. Hindi man naintindihan ni Blessy ang sinasabi ng pari ay tumigil nalang siya sa pagtatanong. Sa isip niya ay baka “Siya” ang magagalit kung patuloy niyang kukulitin si padre Bonifacio. Naisipan niyang lumabas na ng opisina dahil baka nakakaistorbo na siya sa pari. Kaya nga lang, hindi niya alam kung paano siya tatayo dahil ang liit ng distansiya nila, konting pagkakamali ay baka magkasala siya. “Aalis na po ako.” Apat na salitang namutawi sa labi ni Blessy. Itong apat na salita ang siya ring pumigtas sa pasensya ni padre Bonifacio at walang pasabing tinawid ang natitirang distansiya ng kanilang mukha. Agad na nagulat si Blessy sa malambot na bagay na lumapat sa kaniyang labi. Kinuha naman ni padre Bonifacio ang pagkakataon upang malasan ang matamis na labi ng dalaga. Dilat lang ang mata ng dalaga at hindi makagalaw. Habang ang kasama niya naman ay nakapikit at patuloy na ninanamnam ang kaniyang labi. Ang isang kamay nito ay inihawak sa kaniyang batok upang mas palalimin pa ang halik. Habang ang isang kamay ay nakatukod sa sofa para magkaroon ng suporta. Hindi alam ni Blessy kung saan ihahawak ang kamay dahil alam niyang dapat ay itulak niya ang pari ngunit hindi niya magawa. Hindi nakikisama ang kaniyang buong katawan, tila nawalan siya ng lakas upang gawin ang tama. Habang tumatagal ay mas nahuhumaling siya sa paraan ng paghalik nito sa kaniya. Nararamdaman niya ring unti-unting bumibigat ang talukap ng kaniyang mga mata. Kaya hinigpitan niya ang hawak sa tela ng sofa. Naramdaman niya naman ang pagngisi ng pari sa kaniyang labi ngunit isinawalang bahala niya na lamang ito. Patuloy ang nangyayaring paghalik sa kaniya at walang magawa si Blessy kundi magpaubaya sa sitwasyon. Alam niyang ngayon ay mas nangingibabaw ang hatak ng kaniyang katawan kaysa sa sinasabi ng kaniyang isipan. Parang nawala lahat ng bersikulo sa bibliya na kaniyang kinabisado para matakasan ang ganitong uri ng tukso. Ito pala ang pakiramdam ng halik? Tanong niya sa isipan. Pakiramdam niya ay nasa gitna siya ng karagatan na nalulunod sa masarap na labi, at maraming ulap sa paligid na nagpapalasap sa kaniya ng langit. Nasa ganoong sitwasyon si padre Bonifacio at sister Blessy nang makarinig sila ng katok sa likod ng pituan ng opisina. “Sister Blessy, padre Bonifacio? Ipinapatawag po kayo ni mother superior.” Sigaw ni sister Merlita. Nakita ni padre Bonifacio na nakabalik na si sister Blessy sa katotohanan dahil sa bigla na lamang siya nitong itinulak. Kita sa mga mata ng dalaga ang pagkatuliro ng isipan. Samantalang siya ay walang bahid ng pagsisisi sa kaniyang ginawa. Dinilaan niya pa ang natitirang lasa ng dalaga sa kaniyang ibabang labi. “Susunod na kami. Salamat sa abiso.” Sagot niya sa madre at hindi na nagabala pang buksan ang pintuan. Sa isip ni padre Bonifacio ay wala naman siyang dapat ipagpasalamat dahil pinutol ng madre ang namamagitan sa kanila ni sister Blessy. Pero kung hindi naman siya magsasalita ay tiyak na magtatakha iyon at baka pumasok pa ng opisina. Sa itsura ni Blessy, hindi ito handang magsalita ng kahit na ano. Tumingin lamang ito sa kaniya na nakakagat sa labi na tila nagpipigil ng inis. Mukha namang nagkaroon na ito ng lakas nang loob kaya’t nagmartsa na ito palabas ng opisina. Don’t bite your lips, baby. I’m honored and responsible to do that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD