KABANATA 1

1387 Words
ROYCE LIGHT “SAY HI!” Tumaas lamang ang dalawa kong kilay sa lalaking kaharap ko ngayon. He is older than I am, and I wish I had his emerald eyes—secretly enviously his green eyes. “Who’s he?” Tanong ko kay mommy, nang dumating kami sa lamay ng tito ko. “It’s your cousin, Royce Light.” Agad kumunot ang noo ko, dahil paano naman ako nagkaroon ng pinsan? “Wala namang asawa si Tito Ryan, Ma.” Tito Ryan and I are so close. Kaya hindi ko aakalain na may anak siya. Bumulong lamang sa akin si mommy at doon may sinabi, “He’s adopted,” wika nito. As an eleven years old girl, hindi ko akalain na magkaroon ako ng adopted cousin at sa paborito ko pang tito! “Where are his mother and father?” Hinila lamang ako ni mommy at hinawakan ang aking palad. “Anak, this is a sensitive question for him. Your Tito Ryan adopts him, kasi, he is an orphan.” Oo nga naman. “Kailan pa siya nag-adopt, Mommy?” “Four years ago?” Tumingin si mommy sa likod ko at doon ko rin sinundan ng tingin ang lalaking nakatingin lamang ngayon sa kabaong ni Tito Ryan. “How old is he now?” “He’s Seventeen.” Nakaramdam ako ng awa sa kaniya, dahil kaya siya inampon ng tito, dahil wala siyang pamilya. Ngayon ay nawalan na muli siya ng pamilya. “What is going to happen to him now? He's too young to be on his own.” Tinapik ng mommy ang balikat ko kaya’t tumayo naman siya mula sa pagkakaluhod sa akin. Lumapit nanaman kaming dalawa sa lalaking hindi umiiyak, kung tignan si Tito Ryan. “Royce, kumain ka na ba?” Ngumiti lamang ang lalaki kay mommy. That is his name… Royce Light? Nakatingin lamang ako sa kaniya at hindi mapigilang mamangha sa itsura nito. Green eyes talaga siya at ang tangos ng ilong. Perfect ang mukha niya para sa akin—iyong parang artista ang dating ng aura niya. “Ito nga pala ang anak ko, Royce.” Bumaba ang tingin nito, dahil sa tangkad niya. “Royce, this is Luisa Cianna.” Matipid naman siyang ngumiti sa akin at itinaas ang kaniyang palad sa akin na parang nanghihingi ng high five. Agad kong hinampas ang palad niya sa mahinang paraan. “Kumain ka, Royce. Hindi matutuwa ang Daddy mo, kung hindi ka kakain,” ani ng mommy. Ang paghinga ni Royce ay ang aking narinig. Mabigat siguro iyon sa kaniyang pakiramdam, lalo’t naiwan nanaman siyang mag-isa. Kung seventeen na siya ngayon at four years ago siya na adopt ni tito? Ibig sabihin ay fourteen lang siya noong nakuha siya ni tito. I am eleven years old, at kapag iniisip kong wala si mommy at daddy, ay nababaliw ako. Sobrang mahal ko ang parents ko, hindi ko lang akalain na may mga magulang din pala na kayang iwanan ang anak nila sa ampunan. Is his family dead? Sa luob ng ilang araw ay hindi ko siya nakitang umiyak. Sinabi ni mommy na huwag ko siyang iwan, para may kasama siya, and to never feel lonely. Nakaupo kami ngayon sa harap ng kabaong ni tito. Nakatingin lamang siya doon, kaya hinawakan ko ang kamay niya. Pinagmasdan niya ang ginawa ko at tumingin naman sa mga mata ko. Agad akong tumayo at hinila siya, “Anak, ano ba ang ginagawa mo? Why are you pulling your Kuya Royce?” Binitawan ko ang palad ni Royce at may binulong kay mommy. “He needs fresh air, Mommy. I'm tired of hearing about how lucky he is to inherit Tito's money.” Ang pagdiin ng pikit ni mommy ang nagsabing tama nga ako. “Go on; take him outside to get some air. Ako na ang bahala sa mga tao rito. Thank you so much, anak. Proud sa ‘yo ang Tito Ryan mo.” Tumango naman ako at bumalik muli kay Royce. Hinila ko nanaman ang kaniyang palad. “C’mon! Sumama ka na sa akin.” Nakangiti akong hinihila siya. “Sige na, Royce. Samahan mo na si Lucia.” I watched him close his eyes for a brief minute before standing. Pinagmasdan niya ako at saka ako tinanong, “Where are we going?” “You’ll find out,” sagot ko. Mabilis ko siyang hinila palabas ng funeral at pinaupo ko siya sa bench mula sa gilid ng malaking building. Kitang-kita mo ang moon at ang mga stars sa langit, habang ang mga city lights ay tanaw mo rin mula rito. Nasa Tagaytay kami at dahil dito ang hometown nila mommy, ay dito na rin nila balak ilibing si tito, kasama ang mga yumaong magulang ni mommy. “Why are we here?” Baling niyang tanong sa akin. Umupo ako sa tabi niya at may itinuro na stars. “Mom used to say that when your loved ones die, they become stars and stare down upon you from above.” Sinundan naman niya iyon ng tingin. “Tito might be looking at you —oh! Ayun siya, oh! May hawak pa na alak!” Halakhak kong biro, para lamang mapangiti siya. I heard his small giggle as he brushed my hair with his palm. “Silly,” sambit nito sa akin. “He always talks about you. You’re his favorite niece.” Ngumuso ako’t pinipigilan na umiyak, “And you’re his favorite son.” Bawi ko naman sa kaniya. We now feel the same way. We’re both favorites. Lumungkot ang itsura niya “It’s fine to cry. I’m your safe place.” Nilagay ko ang aking palad sa puso ko, para malaman niya na totoo ang sinasabi ko. “I may be a child, but they say it’s better to talk in strangers,” sunod ko pa. “Well, I don't consider myself a stranger, but... We aren't really familiar with each other that well—” Hindi ko iyon natuloy, nang makita kong namumuo ang luha sa mga mata niya. He is looking up toward the sky. Perhaps he's speaking things in his head that he can't speak out loud. Tinapik ko lamang ang likod niya. “You are welcome in my family, Royce. Sa amin ka na lang, okay?” Agad ko siyang niyakap. Pero ngayon? Binabawi ko na! “Totoo ba ang sinasabi ni Royce, Lucia? You’re watching porn?” Inilabas ni mommy ang aking telepono’t iniharap sa akin ang screen at naroon pa ang search kong Justin Bieber scandal! Pinikit ko na lamang ang mga mata ko, dahil alam kong wala akong kawala. “You must be kidding me, right? You are fourteen years old! Why are you watching these inappropriate videos?” galit na galit ang mommy ngayon sa akin. Lumingon ako sa lalaking nagsumbong sa akin at agad na ngumiwi lamang sa kaniya, “It’s not me who watched that!” Mas lalong uminit ata ang ulo ng mommy sa pagsisinungaling ko, “Then who will?” Galit na galit ako ngayon. Noong una ay masaya akong inaalagaan namin si Light, pero nang nagtatagal na ay parang nagiging body guard ko na ito! Lagi niya akong sinusumbong kay mommy! Ang daming bawal, kahit wala namang inutos ang mommy sa kaniya na pagbawalan ako. “No boy friends!” “No talking to boys!” “You’re not going to wear shorts!” Ang daming bawal! “Si Light din naman, Mommy! Nanonood din naman siya ng bold!” Turo ko sa kay Light. Ako lang ang natawag sa kaniya n’yan, dahil mas gusto kong unique ako. Iyong kapag sinigaw ko ang Light ay alam niyang ako. “He’s a man! Hindi na siya bata, tulad mo! You are grounded! No phones! No watching movies or shopping!” Sa huling salita ni mommy ay doon parang dinurog ang puso ko. Umalis ang mommy, nang dala-dala ang cell phone ko. “I hate you!” Taray ko kay Light. Ngunit mas lalo lang akong naasar nang ngitian niya ako. “You’re watching porns, too! Bakit hindi kinuha ang phone mo?” Galit kong tanong sa kaniya. “Kasi… hindi ako nagpapahuli. Justin bieber? What the f**k?” Saka siya tumawa’t lumayo sa akin at nailing-iling. I really hate you, Royce Light! Hinding-hindi kita gusto na maging pinsan ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD