"Hindi kaya magkapalit na tayo ng mukha?" Conscious na tanong ko habang siya ay nakaakbay lang sakin sa couch habang nakapatong ang dalawang paa niya sa mesa. Nandito kami sa bahay niya. We ordered pizza and the empty box was now on the floor. Mamaya niya nalang daw itatapon, ayaw daw kasi niyang tumayo.
"Bakit naman?" Kunot noong tanong niya habang inusog ako palapit sa kanya.
"Araw araw tayong magkasama, tapos ang lapit mo palagi sakin." He grinned at me and ruffled my hair. Ipinatong ko naman ang legs ko sa legs niya.
"Ang dami mong naiisip, Claire Faith. Laro nalang tayo ng video game. Ang matalo may kiss. Ang manalo, hmm. May kiss din!" He winked at me and I nudged him.
"Masakit yon twisted creature ha!" Pagcomplain niya na sinagot ko naman ng irap. "Mukha mo. In favor parehas sayo, ano ka sineswerte?"
"Bakit gusto mo rin naman nun diba?" He pouted while wearing a silly expression. Inismiran ko siya. "Tse. Umasa ka!"
"Umaasa talaga ako." He pouted some more and I slapped his leg this time. Ang cute cute niya at gusto kong lamutakin ang mukha niya pero wag na. Gwapo kasi siya baka madeform ang mukha kapag ginawa ko yun, delikado.
"Sige na. Just one game."
Umiling ako. "Ayoko nga. Lugi ako sa consequence. Parehas pabor sayo."
He thought for a while then he beamed. "I know! Kung sino nalang ang manalo sating dalawa siya ang magbibigay ng consequence ng loser. Ano, are you game?"
I paused to ponder for a while. Then I eventually nodded. "Fair enough. Let's play. Humanda ka ng lumabas ng nakadress, Raven Andrei. You're gonna lose." I simpered and he sniggered in return.
"Oh no, baby. Ikaw ang humanda, because I'm sure I'm gonna get a kiss after this." Tumawa pa siya, hinampas ko nga ng controller. Hinimas niya ang balikat niya na tinamaan ko. Ako na talaga ang brutal.
Naglaro na kami. Tekken. Ito yung napagkasunduan naming laruin since parehas kaming pamilyar dito. A smile was playing on his lips. Parang bigla akong kinabahan ah. I used to play tekken before but I haven't played it in a long time. But what I don't understand is why I'm pretty excited about losing instead of being scared of it.
Crazy. Raven is messing with my sanity again.
"Agh!!! s**t!" Sigaw niya habang mabilis na pinipindot ang controls. His game face was on.
"Oh my God! No!!!" Sigaw ko naman habang binilisan din ang pagpindot. He's almost winning!
A few minutes of playing determined the winner.
"What?!"
"I can't believe I lost!"
"This did not just happen!"
"Unbelievable!"
Napangisi nalang ako ng makita ang mukha ni Raven. Nakasimangot siya at hindi matanggap ang pagkatalo niya. I was happy I won, but I was also disappointed that I don't get to experience the kiss.
I can't believe I just said that!
"Ready to wear a floral beach dress, tortured soul?" I jested. Yung itsura niya simangot na simangot parin. He shrugged. "f**k it, fine. Let's get this over with!" Lumabas kami ng bahay niya at naglakad papunta sa bahay ko. I took a dress which reaches down to his feet. It has tiny sunflowers printed on it.
He doesn't look stoked to be seen wearing a dress. But he lost. Consequence ko yan. That's the price he has to pay. He removed his shirt and I can't help but drool over his well-sculpted muscles. Ito ba ang lalaking itinutulak mo palayo, Claire?! Isa kang hunghang!
Bigla akong tumalikod ng maramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Sana hindi niya napansin! Narinig ko ang mahina niyang paghalakhak. Nilingon ko siya at nakitang nakatingin siya sakin ng maloko.
"B-bakit?"
"Affected ka dito no?" Tinuro niya yung mga abs niya at muscles at pinagflex ang mga ito. Aba at ang hudas barabas na ito ay nang-aakit pa yata. Naninigkit ang mga matang binato ko sa mukha niya ang dress.
His sexy grin was driving me nuts. I decided to just wait for him outside. Pagkaraan din naman ng ilang sandali ay lumabas narin siya. My jaw dropped. Nakabalik na ang pagkakasimangot niya ngayong soot niya na ang dress. Hindi ko napigilang mapahagalpak ng tawa. "You look so gay!" Pagkatapos ay tumawa pa uli ako.
Masungit na tinapunan niya ako ng tingin. "Ano? Ako mukhang bakla?"
"Oo!" Nakangising sagot ko. Lumapit siya sakin kaya napaatras na naman ako.
"Hep! Diyan ka lang!" I held my arms up to block him but he still ambled closer. "Asarin mo pa ako. Kapag hinalikan uli kita diyan sa labi mawawala yang katinuan mo. Baka nga makalimutan mo pa pangalan mo eh."
Sinapak ko siya braso. "Ang yabang mo! Kapal nito. Halika na nga!"
"Halikan na? Tara! Hindi mo naman sinabi agad." He puckered his lips and leaned forward. Pero palad ko ang nahalikan niya. Tinaasan ko nalang siya ng kilay bago namewang. "Ano ka hilo? Anong halikan pinagsasabi mo diyan eh ikaw nga ang natalo diba? Tara na pabalik sa bahay niyo!"
Bumalik na naman ang simangot niya. Naglakad kami pabalik sa bahay niya. Ang daming mga bakasyunista ang tumitingin sa kanya. Pano ba naman, isang gwapong nilalang nakadress?
Lihim akong napangisi. Raven was wearing a straight face. At least he's not scowling. A group of gays saw him and sauntered towards us. Raven's eyes bulged as they sized him up.
"Sissy! I like the dress! Top shop ba yan binili?" Sabi ng isang bading na pink ang buhok kay Raven. Yung isa pang bading na mataba ay nginitian siya. "Top shop nga ata sisteret! Ay nako ikaw na beki ka, would you like to come with us? Gay party tonight!" Excited na sabi nito at lalong lumapit kay Raven.
"Pogi mo sana kaso bandinger z ka rin like us!" Sabi naman ng isa na malapad ang noo.
Raven held my hand and intertwined our fingers, tinignan niya ng malamig ang mga bakla. "Sorry to disappoint but I'm not gay. I just lost a bet kaya nakasuot ako nito. Now, if you gays don't mind, please excuse us." His voice was cold.
Nagsitilian ang mga bakla. Nanonood lang ako sa kanila. Nanlaki ang mga mata ko ng pinaghihimas nila ang katawan ni Raven kaya pumiksi naman ang huli. "Get away from me or I'll decapitate all of you!" Pagkatapos ay hinila niya na ako palayo roon.
"Makakapatay yata ako ng mga bading!" He grumbled. Good thing natatanaw ko na ang bahay niya mula rito. I felt guilty. Sana pala iba nalang ang pinagawa ko sa kanya.
"Sorry." I apologized sincerely, napayuko pa nga ako. He kissed the top of my head just like what he always does when I'm upset or something. "It's okay, pero dalian na natin. Naaalibadbaran na ako sa tingin ng mga tao rito."
Natatawang hinila ko na siya at tumakbo kami papasok ng bahay niya. When he closed the door ay agad niyang hinubad ang dress. Nakashorts lang siya ngayon. Naiwan niya nga pala sa bahay ko ang damit niya!
Tumakbo nalang siya papunta sa kwarto niya at nagbihis ng tshirt. Paglabas niya ay nakangisi na siya. "Bakit ganyan ang itsura mo? May binabalak ka no?" Tanong ko.
He chuckled. "How about a rematch?" Alok niya.
"Ayoko nga!" Baka manalo pa siya eh.
"Dali na! Give me a chance to regain my manliness!" Nagbibirong saad niya. Hindi parin ako pumayag. Sumampa siya sa couch na kinauupuan ko at kiniliti ako bigla. Hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ako pumapayag sa rematch. Kaya ayun, kesa naman mamatay ako kakahagikgik eh pumayag narin ako.
"Ready?" He asked.
"Bring it on." I replied. And the game started. It started well for me but it didn't end well.
"God, no!!!"
Namutla ako bigla ng magflash sa side ko ng screen ang katagang YOU LOSE.