NAGKIBIT ng mga balikat niya si Monica pagkatapos ay tumango. “Oo, nakakalungkot mang aminin pero iyon ang totoo,” pag-amin niya. Masyadong panatag ang kalooban niya kay Jake kaya siguro ganoon siya. Iyong tipo na kahit kaunti ay wala siyang makapang pag-aalinlangan sa kaniyang dibdib para aminin ang totoo sa kanya. Regardless kung gaano man iyon ka-personal sa kanyang buhay. Matagal siyang tinitigan ni Jake bago ito nagbuka ng bibig para magsalita. “I admire you, alam mo ba iyon?” anito sa kanya. “Thank you, Jake,” kahit sabihin pang hindi iyon ang unang beses na narinig niya ang mga salitang iyon, may palagay siyang tila ba may malaking advantage na kay Jake iyon nanggaling. “Ano palang gusto mong kainin? Para makapagpa-deliver na ako?” anito sa kanya na dinampot ang cellphone nitong