“NGAYON ba ang first day mo sa hospital as Cardiologist?” tanong ni Monica kay Jake kinabukasan nang umaga. Nasa kusina siya noon at isa-isang inilalagay sa isang eco-bag ang mga paninda niyang leche flan at biko na niluto niya kagabi. Tumango si Jake. “Oo, teka anong oras ang duty mo? Kung gusto mo pwede kang sumabay sa akin, para hindi ka mahirapan sa pagbitbit ng mga paninda mo,” alok pa sa kanya ng binata na nagsimulang magtimpla ng kape. “Anyway, nagkape ka na ba?” tanong pa nito sa kanya. “Oo, pero sige, pahingi nalang ng isa pa,” aniyang tumingin sandali kay Jake saka ibinalik ang atensyon sa ginagawa niya habang nakangiti. “Pero kung okay lang sa’yo dadaan muna ako kay Ma’am Cecil, gusto ko kasing itanong sa kanya ‘yung tungkol sa binanggit ni Mang Kanor kagabi. Sayang din kas