DAHIL alam ni Monica na maagang aalis si Jake para pumasok ay minabuti niyang bumangon ng mas maaga kaysa karaniwan para makatiyak na hindi siya mahuhuli. Gusto kasi niyang ipagluto ang agahan ang binata para makakain ito ng almusal bago umalis. Iyon ay sa kabila nang sinabi nito sa kanya kagabi na sa ospital na ito mag-aagahan. Kaya naman hindi na siya nagulat sa nakita niyang naging reaksyon ni Jake nang bumaba ito ng kusina at makita siyang abala sa paghahanda ng pagkain sa mesa. “Wow, hindi ko inasahan ito,” ang binatang nakangiting hinagod muna ng tingin ang mesa bago malalaki ang mga hakbang siyang nilapitan. At kung sinabi nito sa kanya na hindi nito inasahan ang paghahanda niya ng agahan, lalong hindi rin niya inasahan ang tila ba isinukli ni Jake sa effort niyang iyon. Nahigi