"AYOKONG bigyan ng malisya ang lahat ng ginagawa ni Jake, pero parang may kakaiba eh. Alam mo iyon?” tanong ni Myla sa kanya nang araw ring iyon at makauwi na sila. Kasalukuyan niyang inihahanda noon ang mga panindang leche flan na idi-deliver niya sa cafeteria ng St. Joseph Medical Center. Sa pagkakaisip sa ospital at maging sa katotohanang makikita niyang muli doon si Jake ay agad siyang nakaramdam ng kakatwang pakiramdam sa kanyang puso. Habang si Myla naman ay nagkakape sa sala. Nasa kwarto noon si Thea at mahimbing ang tulog. “W-Wala naman akong napapansin. Siguro ganoon lang talaga siya kasi sabik siya sa kapatid na babae at parang ganoon ang nararamdaman kong tingin at turing niya sa akin,” iyon ang pinaka-safe na pwede at alam niyang mas tamang isagot kay Myla kahit kung tutu