“Hello, small world huh!” ang nakangiting sambit ni Jake nang makalapit siya rito. Hindi kaagad nakapagsalita si Monica dahil ang totoo, nagtataka siya kung bakit nandoon ang binata. Pero nang maalala niya ang sinabi ni Myla sa kanya tungkol sa isang bagong doctor na magsisimula ng magserbisyo sa ospital ay saka palang siya tila ba naliwanagan. “Kayo po ba iyong bagong doctor na sinasabing magsisimula nang mag-clinic at maging resident dito?” tanong niya habang nakatingala sa gwapong kausap. Hindi mapigilan ni Monica ang lalong higit na mamangha sa mga mata ni Jake nang mga sandaling iyon. Napakaganda at pakiramdam niya parang hinihigop ng mga iyon ang lahat ng kalakasan na mayroon siya. “Ako nga. So, dito ka rin pala nagtatrabaho?” bakas sa tono ng pagnanalita ni Jake ang amusement.