THIRTY-ONE YEARS LATER…
MALUNGKOT na tinitigan muna ni Jake ang bahay nila sa Colorado Springs kung saan niya ginugol ang halos buong buhay niya.
Although tumira rin naman siya sa Pilipinas kasama sina Arturo at Vivian noong bata pa siya. Ay mas maraming panahon ang inilagi niya dito sa Amerika. Dito na kasi siya nagsimulang mag-aral at nakumpleto ang kanyang pag-iisip kaya ito rin ang itinuring niyang tahanan.
“Hanapin mo siya, Zenaida Agustin ang tunay niyang pangalan.”
Ang mga salitang iyon ang parang sirang plaka na paulit-ulit na nagpi-play sa pandinig ni Jake.
Noon pa man kasing bata siya ay pala-isipan na sa kanya kung bakit kulay asul ang kulay ng kanyang mga mata? Samantalang kung tutuusin ay purong Pilipino siya at ganoon rin ang mga magulang niyang sina Arturo at Vivian.
Matagal na niyang itinatanong sa mga ito ang tungkol doon. Pero madalas ay palaging playing safe ang sagot sa kanya ng Mama niya. Katulad nalang ng simpleng…
“Hindi ibig sabihin noon ay hindi na kita anak. Dahil kahit ano pa ang kulay ng mga mata mo, ikaw ang nag-iisang baby ko.”
Ikinatutuwa ni Jake ang mga ganoong salita mula sa Mama niya.
Lumaki siyang nakasanayan na ang likas nitong pagiging malambing at mapagmahal. Ganoon rin naman si Arturo. Kaya masasabi niyang siya na yata ang pinakamapalad na bata sa buong mundo.
Pero nito lang, sinabi sa kanya ni Vivian ang totoo.
Na hindi siya tunay na anak ng mga ito. Iyon ang dahilan kung bakit iba ang kulay ng mga niya sa mga ito. Iyon lang naman kasi talaga ang nakikita niyang kakaiba sa kanya dahil parehong mestizo at mestiza ang kanyang mga magulang.
“Kailangan mo ng isang ina na mag-aalaga at gagabay sa iyo. Hanapin mo siya, para mapanatag ako, so I can leave you peacefully, baby.”
Napalunok si Jake sa alaalang iyon saka mabigat ang buntong hininga na hinugot at pinakawalan habang nanatiling nakatitig sa bahay. Ilang sandali pa, minabuti narin niyang patakbuhin palayo ang kanyang sasakyan.
Uuwi siya ng Pilipinas para hanapin ang nanay niya. Ang tunay niyang ina.
Kung hindi lang iyon death wish ay hindi siya susunod sa gustong mangyari ni Vivian.
Hindi siya mag-aaksaya ng panahon para hanapin ang isang taong ipinamigay lamang siya na parang isang laruan. Mabuti na lamang at mabait ang nakapulot sa kanya.
Ayon sa Mama niya ay natagpuan raw siya nito at ng Papa niyang si Arturo na lulan ng isang kahon sa loob ng isang malaki simbahan sa probinsya. Maliban sa isang sulat na natagpuan ng mga itong nakaipit sa gilid ng kahon ay ang lampin niya na may burdang pangalan niya ang tanging nandoon.
Lalong nagpuyos sa galit ang dibdib ni Jake.
Paano nga kung hindi sina Arturo at Vivian ang nakakita sa kanya?
Ano na kaya ang buhay niya ngayon?
Noon nag-init ang sulok ng kanyang mga mata.
Napakasakit isipin na wala na ang mga magulang niya. Pero bukod doon ay isang masakit na rebelasyon rin ang natanggap niya mula sa ina niya bago ito nilagutan ng hininga.
Pero sa kabila ng katotohanang iyon ay wala siyang nakitang kakulangan sa pagtrato ng mga ito sa kanya. Dahil minahal siya ng mga ito ng buo at walang pag-aalinlangan. Kaya nga siguro hindi naging issue sa kanya ang kulay ng mga mata niya sa katagalan.
Kaya nga siguro kahit isa isang dokto ay hindi rin sumagi sa isipan niya ang posibilidad ng pagiging ampon niya. Dahil hindi niya naramdaman iyon.
Ang sulat na sinasabi ni Vivian sa kanyang nakita nitong nakaipit sa loob ng kahon ay hawak narin niya ngayon. Itinuro lang ng Mama niya sa kanya kung saan niya iyon hahanapin.
Hanggang ngayon ay parang nakikita parin niya ang paghihirap sa mukha ni Vivian habang sinasabi nito sa kanya ang lahat ng iyon.
Isang vehicular accident ang ikinamatay ng mga ito. Ang Papa niyang si Arturo ay dead on arrival.
Muling gumuhit sa puso ni Jake ang matinding sakit.
Isa pa iyon sa mga dahilan kung bakit kahit labag sa kalooban niya ay parang wala siyang ibang choice kundi gawin ang gusto ni Vivian. Dahil bukod sa pagsusumikap nitong sabihin ang lahat ng iyon sa kanya kahit naghihingalo na ito. Ay ang katotohanang, tila ba hinihintay lang nitong masabi ang lahat ng iyon sa kanya.
Ang ibig niyang sabihin.
Ang Papa niya ay dead on arrival.
Pero si Vivian, parang pinilit nitong kumapit kahit sandali lang para masabi nito sa kanya ang totoo.
“Hindi ko siya kailangan, Mama,” iyon ang sinambit ng mga labi niya habang umiiyak na nakatitig at pinanonood ang paghihirap ng kanyang ina.
Kahit hirap ay pinilit ni Vivian ang ngumiti. “Kailangan mo siya. At maniwala ka sa akin kapag sinabi ko sa iyo na mabuti siyang tao. Nagawa lang niya iyon dahil hindi ka niya kayang buhayin. Nasa sulat ang lahat, hanapin mo iyon sa mga gamit ko, dahil nandoon ang gamot sa lahat ng katanungan mo.”
“No, Ma!”
“Mas matatahimik ako kung may makakasama ka. Alam ko malaki ka na, I’m sorry kung kinailangan ka naming iwan ng Papa mo ng ganito kaaga, pero gusto ko lang malaman mo na naging masaya kami mula ng dumating ka. Mahal ka namin, Jake.”
Iyon lang at pagkatapos ay nakangiting ipinikit na ni Vivian ang magaganda nitong mga mata.
“Kung hindi ko lang naipangako sa iyo na hahanapin ko siya, kung hindi lang dahil sa pagmamahal ko sa iyo at kay Papa, hindi ko hahanapin ang isang taong hindi man lang nagdalawang isip at natakot na iwan sa parang laruan lang ang sarili nitong anak!”
Iyon ang galit na sinambit ni Jake habang nagmamaneho siya.
Totoo iyon.
Lahat ay gagawin niya para kina Arturo at Vivian.
Kaya nga siya nandito ngayon, kaya siya babalik ng Pilipinas.
Pero ano bang gagawin niya?
He will hire a private inverstigator para hanapin ang Zenaida Agustin na iyon? Pagkatapos ano? Sasabihin niya na siya ang batang sanggol na iniwan nito noon sa simbahan? At ngayon, isa na siyang doctor?
Mapait na tawa ang muling naglandas sa lalamunan ni Jake.
Galit siya sa Zenaida Agustin na iyon. At kahit ano pang sabihin nito, kahit ano pang idahilan nito, wala siyang makita katuwiran sa ginawa nitong pag-iwan at pagpapabaya sa kanya.
Oo, gagawin niya ang gustong mangyari ni Vivian. Hahanapin niya ito. Pero hindi para tanggapin ito bilang kanyang ina. Kundi para sumbatan ito. Dahil wala itong kwentang ina.