“I’M sorry Monica, gustuhin ko man pero hindi ka na aabot doon kung sakali,” iyon ang kalmadong sagot sa kanya ni Jake na pumasok ng kwarto niya dala ang isang planggana, termos at dalawang twalya. Mapo-protesta pa sana si Monica sa sinabing iyon ni Jake pero nang maalala niyang doktor nga pala ang binata ay hindi na niya iginawa iyon. Sa halip ay mas pinili niyang pagtuunan nalang ng pansin ang sakit na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. “Jake!” sigaw niya nang maramdaman ang isa na namang napakasakit na paghilab. Hindi kumibos si Jake at sa halip ay inayos ang mga binti niya sa posisyon na alam niyang ginagawa tuwing nanganganak ang isang babae. Agad na nakaramdam ng matinding discomfort si Monica nang umakma ang binatang ipapasok ang kamay sa loob ng kanyang palda. “A-Anong