SA tanong na iyon mula kay Conrad ay hindi kaagad nakapag-react si Monica. Sa totoo lang ay hindi niya inasahan ang pagdating ng sitwasyon na ito. “Hindi naman na kailangan ang magarbong handaan. Saka isa pa kaya ko namang sagutin ang tungkol doon,” sagot niya kay sa dating nobyo. Noon magkakasunod na umiling si Conrad kasunod ang muling pagkibot ng mga labi nito. “I insist,” anitong sa isang mariin pero mabait na tono. Sa puntong iyon ay hindi na nakapagpigil pa si Monica. Kaya sa huli ay nagtanong siya. “Bakit mo ba ginagawa ito? Anong nangyari? Bigla eh nagparamdam ka gayong tatlong buwan mo kaming hindi pinapansin ni Althea?” ang magkakasunod na tanong ni Conrad. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ang totoo niyan kaya ako nandito ay para kausapin ka. Gusto kong humingi ng ta