“BAKIT nga pala parang hindi ka naka-bihis? Hindi ka ba pupunta sa ospital ngayon?” tanong niya sa binata nang magsimula itong kumain. “Ikaw ba hindi kakain?” tanong-sagot nito sa halip sa kanya. “Katatapos ko lang,” aniyang nakangiti pang umiling. Tumango lang si Jake saka na nagpatuloy sa magana nitong pagkain. Ginisang corned beef at fried rice ang almusal niya kanina. Hindi naman nagpasabi si Jake na darating ito pero ang totoo kasi ay nasanay na siya ganito. Araw-araw kasi ay sa bahay niya kumakain ng almusal si Jake. May mga pagkakataon talaga na hindi sila nagkakasabay dahil late itong dumarating kung minsan pero walang palya ito kung mag-agahan sa bahay niya. Bagay na nakasanayan na niya at sa tingin niya ay maging ang binata kaya marahil kahit minsan ay hindi pa siya nasasay