“Vionne, Mom is inviting us to join them for dinner tomorrow night,” sabi ni Alex sa kasintahan habang inaabot ang kamay niya at hinaplos-haplos ang mga ito.
“S-sure,” nahihiyang sagot niya.
Katunayan, hindi pa niya nakikilala ang magulang ng kanyang nobyo dahil ngayong araw lang niya sinagot si Alex. Madalas niya itong tanggihan sa tuwing aayain siyang ipakilala sa mga magulang. Bukod pa roon, hindi niya alam kung boto ba sa kanilang relasyon ang mga ito. Hindi lang sa mga drama sa TV niya nakikita o napapanood ang mga ganitong senaryo. Kadalasan ang mga mahihirap na babae na nagkaroon ng mayaman na boyfriend ay kawawa sa mga kwento at inaalipusta ng ina ng lalaki. Isa ito sa kinatatakutan ni Vionne.
“Hey, don't worry. Mom is the sweetest mother you will ever meet. Besides, I am here. I love you, Vionne,” sabi nito at pinisil ang kanyang palad.
Namula ang mga pisngi niya dahil sa tinuran ng kasintahan. Naisip niya, siguro nga, upang mapatunayan niya kung gaano kamahal ang lalaki ay kailangan niya ring harapin ang mga magulang nito. At kung ano man ang maging trato nito sa kanya ay matatanggap niya.
Masayang bumalik sa opisina ang dalawa na may ngiti sa mga labi. Bakas ang kasiyahan at antisipasyon sa mga posibleng mangyari ngayong opisyal na silang magnobyo.
“Oh anak, kaawaan ka ng Diyos. Kumusta ang trabaho mo? Hindi ka ba nahihirapan?”
“Mamang, maayos po ang trabaho ko at okay ako. Si Papang?” tanong niya sa ina pagkamano at inilapag ang bag sa ratan na upuan.
Laking mahirap si Vionne at ito ang naging dahilan kung bakit nagsikap siyang makapagtapos ng pag-aaral. Mabuti na lamang din at nag-iisang anak siya kung kaya naman kahit paano ay nairaos siya ng butihing magulang.
Ngunit nagkasakit ang kanyang ama at isa na itong paralisado. Nag-mementena ng gamot at sinusubuan ng kanyang ina kapag ito ay kakain.
Laking pasasalamat ni Vionne nang matanggap agad siya sa trabaho bilang intern sa opisina ng Vice-President at tuamgal siya ng isang taon. Nagkataon naman na pagkagradiate niya ng kolehiyo ay nag-resign bigla ang dating sekretarya nito at ni-request nito na siya na lamang ang pumalit.
Noong una ay naninibago si Vionne lalo na kapag kausap siya ng kanyang boss. Si Alex ay dominante at istrikto pagdating sa trabaho. Kahit kailan ay hindi niya ito nakita na ngumiti.
Dahil sa kanyang curiosity, madalas siyang mahuli na nakatitig dito.
“What are you staring at? Did you get my instructions?” pukaw nito sa kanya.
“Yes, Sir! Is there more you want me to do, sir?” Inosente niyang tanong.
“Why? If I ask you something, will you really do it?” confident na sagot ni Vionne.
“Yes sir, anything with regards to my work.”
“Sure it is.” sagot naman agad nito.
Hindi alam ni Vionne ang magiging reaction pero parang nakita niya saglit na ngumiti ang kanyang boss.
Walang natatandaan si Vionne na nagkagusto siya sa kanyang boss. Dahil sa seryosong awra at tahimik na ugali nito ay hindi niya naisip ang bagay na iyon.
Saglit na tumigil ang t***k ng kanyang puso nang masilayan ang ngiti ni Alex. Hindi niya namalayan na pulang-pula na pala ang kanyang mukha.
“Your face is so red, are you imagining something? Was it me?”
“Y-Yes..ah! No sir." Tarantang sagot ni Vionne at biglang tumalikod ito at iniwan ang boss na tatawa-tawa.
Doon nagsimula ang lahat.
“Vionne, coffee please..” utos ni Alex sa kanya.
“Right away sir." Agad niyang sagot at tumalima patungo sa pantry room.
Ngunit sa di maipaliwanag na dahilan, noon lamang pumalakpak sa trabaho si Vionne.
“What is this?” bungad ni Alex sa pantry room.
“Bakit po sir?” gulat na tanong niya dito na kalalapag lamang ng baso.
“Meron ba tayong taniman ng tubo sa pantry room?” tanong nito habang papalapit sa kanya hawak pa ang tasa ng kape na sobrang tamis ang timpla.
Naunawaan naman ni Vionne ang ibig sabihin ng lalaki ngunit ang hindi niya maunawaan ay ang kakaibang pagtibok ng kanyang dibdib.
“Vionne? Vionne? Hey!” pukaw nito sa kanya.
Sa araw na iyon ay parang nagising ang kanyang natutulog na pantasya. Biglang namula ang mukha ni Vionne nang maramdaman ang buga ng hininga ng lalaki sa kanyang mukha.
Simula noon ay madalas niyang ma-imagine ang kanyang boss kung ano ang pakiramdam kapag hinalikan ang mga labi nito, gaano kainit ang kanyang yakap at at ano nga ba ang pakiramdam kung sakaling maging karelasyon niya ito kung kaya naman nang magtapat ito sa kanya ay agad siyang pumayag na ligawan siya.
Lihim na sinamantala ni Vionne ang pagkakataon upang masagot ang kanyang mga katanungan sa isip.
Noong una ay kunwaring hindi niya gusto ang lihim na pag-ti-take advantage sa kanya ng boss niya sa tuwing sila lamang sa opisina kapag lunch break.
Katunayan, hindi alintana ni Vionne ang mga usap-usapan tungkol sa namumuong relasyon nila ni Alex. Gayun pa man ay iniingatan pa rin niya ang dangal at puri. Payo ng ina niya, isa itong susi upang makuha ang loob ng lalaki at ng pamilya nito kung gusto niyang mapangasawa ang mayamang manliligaw.
Ngayon ay excited si Vionne na makilala sa unang pagkakataon ang mga magulang nito at finally, makakaapak na rin siya sa mansion ng mga Mondragon. Sinadya at planado niya ang lahat. Isang inosente at disiplinadong dalaga ang kanyang ipinakita kay Alex upang ipagmalaki siya nito sa mga magulang at tiyak magugustuhan siya ng mga ito. Umaasa siya na ipapakasal sila sa lalong madaling panahon.
Napangiti ng lihim si Vionne, konting pagtitiis na lang at maiaahon na niya sa kahirapan ang magulang at titira sila sa isang disenteng tahanan.
Kinabukasan ay simpleng blusa at flat shoes lamang ang inihanda ni Vionne. Ayaw niyang mag-mukhang classy sa harap ng mga magulang ng nobyo. Ayon sa napanood niyang drama, kadalasan kapag mga social climber ang awra ng mga mahihirap na bida sa pelikula ay lalong inaalipusta. Pwes, maiba siya. Kinakabahan ngunit malakas ang loob na hinarap ni Vionne sa unang pagkakataon ang ina ni Alex.
“Hello dear, sinasabi ko na nga ba at magaling pumili ng kasintahan itong si Alex ko,” bati nito sa kanya na abot-tenga ang ngiti.
“Magandang gabi ho, ako po si Vionne Evangelista” bati naman niya sa Ginang.
“I know dear, Alex never fail to brag you everyday so it feels like I know you very well,” bida nito sa kanya na lihim na sumulyap sa anak.
“Mom, don't exaggerate. She is just–” biglang putol ni Alex sa sasabihin ng biglang tumikhim ang ina nito.
Naunawaan naman ni Alex kung kaya naman hinayaan na lamang ang ina ang magkwento hanggang makarating sila sa dining room.
Nagtataka man ngunit hindi na lamang nagtanong si Vionne.
“Oh, I forgot to mention. Dad is in comatose, he is in his room and don't worry, he is surely fine,” paliwanag ni Alex nang mapuna na parang hinahanap niya ang Chairman ng kanilang kumpanya.
Totoong nagulat si Vionne ngunit hindi na lamang siya nagtanong at tumango lamang siya habang nakatingin sa kanya si Mrs. Mondragon.
“Bueno hija, you know, I'd been waiting for this day. Finally, you are an official couple now. Let's consider this dinner a celebration,” sabi ni Mrs. Mondragon at inabot ang wine glass at sumunod ang dalawa.
“Cheers!” sambit ni Alexa at hindi nagdalawang isip na ininom ni Vionne ang wine.
Nang matapos ang hapunan ay nagpalipas pa sila ng ilang minuto sa veranda at gaya ng inaasahan ni Vionne, ina na mismo ni Alex ang nagtanong.
“Alex, son. Kelan n'yo planong magpakasal? Leave it to me, hmmm?” tanong nito habang magiliw na sinulyapan si Vionne.
“Mom, the sooner the better. Right, Babe?” sabi nito at inakbayan pa ang kasintahan.
Lihim na nagdiwang ang puso ni Vionne dahil akmang-akma sa kanyang mga plano ang mga nangyayari.
“Y-Yes..” mahinhin niyang sagot.
“Alex, it's late. Hija, would you mind. Sleep here tonight, afterall ikakasal naman kayo ni Alex soon, rather than to go home this late.” Suhestyon ni Mrs. Mondragon.
“Mauunawaan naman siguro ng parents mo, bilang ina, hindi rin maganda na umuwi ka ng ganitong oras,” dagdag pa nito.
“Naku, ayos lang ho, alam naman po nila.” paliwanag niya na tila nahihiya pa.
“Ipapahanda ko lamang ang guest room, maiwan ko na muna kayo rito Alex,” sabi nito at tuluyan na silang iniwan sa veranda.
Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Vionne nang malaman na sa guest room siya patutulugin. Napuna naman ito ni Alex at niyakap siya.
“Hey, you look disappointed,” sabi ni Alex sa kanya ngunit binalewala niya ito.
“No, I am just happy. I finally came to meet your Mom, atleast.”
“No, from now on, she is your Mom too. Is that clear?”
“Well, parang ganun na nga,” kibit balikat na sagot niya at nagtawanan silang dalawa.
“How can you be this naughty huh,I can't wait to–”
“I'm not afraid,” putol ni Vionne sa sasabihin ng kasintahan at ninakawan ito ng halik sa labi.
“Ah ganun,” naghahabulan ang dalawa hanggang sa narating nila ang kwarto ni Alex ng hindi namamalayan.
Ang totoo, walang guest room na ipinahanda si Mrs. Mondragon bagkus ay ipinalock niya ang lahat ng pinto ng guestroom.
“Hey, this is my room. Do you want to get inside?” tanong ni Alex.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Vionne at napalunok siya ng mariin dahil sa mga naisip.
“I...it's...okay…” nalilitong sagot niya.