Pagod akong nakauwi ng bahay. Sunud-sunod na putok ng baril ang bumungad sa akin. Sanay na ako na ganito ang madadatnan ko sa tuwing uuwi ako dito. They practicing gun shooting. Pilit kong ibalewala ang lahat ng mga nasa paligid ko. Kahit na medyo naiinis ako dahil narito pa rin ang mga babae kagabi. Wala bang mauuwian ang mga ito at narito pa sila?
Niyakap ko ang aking libro habang nakasukblit naman sa aking balikat ang aking back pack. Dire-diretso akong naglalakad. Pilit kong iniiwasan na mahagilap ako ng aking ama, subalit mukhang mabibigo pa ako.
"At bakit ngayon ka lang?" tanong niya sa akin habang nakaupo sa kaniyang kandungan ang babae. Nakaharap pa ito sa kaniya kung umupo.
Tumigil ako sa paglalakad. Humigpit ang pagkayakap ko sa libro. Pilit kong pakalmahin ang aking sarili. Inilapat ko ang aking mga labi at humarap sa kaniya. "Umulan po," lakas-loob kong sagot sa kaniya na hindi tumitingin nang diretso sa kaniya.
Bumungisngis ang babae nasa kandungan niya. "Ang ganda naman ng anak mo, Belor." rinig kong kumento niya.
Natawa ang aking ama sa kaniyang sinabi. "Oo, tulad ng kaniyang ina—" bumaling siya sa akin. "Kailangan mong sumama sa amin mamayang gabi. May hoholdapin tayong bangko—"
"H-hindi po ako makakasama," pagtatanggi ko. "M-may homework po ako."
Padabog siyang tumayo. Lumapit siya sa akin at walang sabi na sinampal niya ako. Muntikan na akong mapasubsob sa sahig dahil sa lakas ng pagkasampal niya sa akin. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Nalasahan ko ang dugo sa aking bibig. Dinura ko iyon. Bago man ako humarap ulit sa kaniya ay nahablot niya ang aking buhok. Pilit niyang inaangat ang aking tingin. "Bakit? Tingin mo, matalino ka na, ha, MC?!" matigas at galit niyang tanong.
Kinagat ko ang aking labi. Pilit ko tatagan ang aking loob. Hinahanda ang sarili ko na makatikim na naman ako ng kamay na bakal niya. "H-hindi po..." saka lumunok ako.
Marahas niyang akong binitawan na iyon ang dahilan para tuluyan na akong mapasubsob sa sahig. Sunod pa ako nakatikim ng malakas na sipa sa sikmura. "Baka nakalimutan mo kahit nakapagtapos ka ng pag-aaral, kahit saan ka pa magpunta, hinding hindi mabubura sa pagkatao mo na anak kita. Na anak ka ng kriminal!"
Hindi ko magawang umiyak dahil sa sakit. Pakiramdam ko ay namamanhid ako. Namamanhid ang puso't kaluluwa ko. Marahil sanay na ako sa kinalakihan ko. Na isa nga akong anak ng isa sa mga most wanted criminal dito sa Cavite. Sanay na ang buong katawan ko sa mga pananakit niya. Kahit na sinasaktan na din ang kapatid kong si Calla, pinili ko na sagipin siya't ako ang sasalo ng mga ito.
"Lumayas ka sa harap ko kung ayaw mong mapatay kita! Tang ina, bakit kasi nakukuha mo ang pagmumukha ng hayop mong ina?!"
Tahimik at pilit kong tumayo . Sapo-sapo ako sa aking sikmura. Pilit kong buhatin ang mga nakakalat kong gamit sa sahig. Dumiretso ako kuwarto namin ni Calla.
Pagpihit ko ng pinto ay tumambad sa akin ang kapatid ko na nakadapa at nagbabasa ng mga magazines. Nang makuha ko ang kaniyang atensyon ay natigilan siya't umaawang ang kaniyang bibig. Tiniklop niya ang binabasa niyang magazine at dinaluhan ako. Kumunot ang kaniyang noo. Kapag ganito ang hitsura ko, alam na nia na may nangyari at nag-away na naman kami ng aming ama.
"Gamutin natin ang sugat mo," sabi niya. Hinawakan niya ang isang kamay ko. Inaalalayan niya akong makaupo sa katre. Pinuntahan niya maliit na cabinet na narito lang din sa kuwarto. Naglabas siya doon ng bulak at alkohol. Bumalik siya't umupo sa aking tabi. "Ano bang nangyari, MC?" seryosong tanong niya. Yeah, hindi uso sa amin na magtawagan ng ate.
"Gusto niya lang ako sumama sa panghoholdap sa isang bangko mamayang gabi. Tumanggi ako." walang emosyon kong tugon.
Marahan niyang dinampian ng bulak na may alkohol ang aking labi. Napangiwi ako ng bahagya at umatras ang aking katawan.
"Bakit hindi ka nalang pumayag?" sunod niyang tanong.
"Hindi ganoon ang buhay na gusto ko, Calla." sabi ko. Inagaw ko sa kaniya ang bulak. Ako na ang dumampi n'on sa aking labi. "Ikaw ba? Gusto mo bang habambuhay nalang tayo ganito?"
Nagkibit-balikat siya. "Tinatanggap ko nalang kung ano ang magiging kapalaran ko." sagot niya.
Tumigil ako at tumingin sa kaniya. Kumunot ang noo ko. "Wala ka bang pangarap?" sunod kong tanong.
Mapait siyang ngumiti. "Aanhin ko naman ang pangarap eh sa ganitong sitwasyon tayo lumaki? Kahit saan ako magpunta, dala-dala ko ang dugo ni papa. Anak tayo ng isang kriminal." sabi pa niya. Tumingin siya sa akin. "Siya, matutulog na ako. Patayin mo nalang ang ilaw kapag tapos ka na mag-aral." pumuwesto na siya sa katre. Pinapanood ko lang siya. Tumalikod siya sa akin pagkatapos niyang takpan ang kumot sa kaniyang katawan.
-
Ilang beses na ako napapaisip. Ano kaya ang magiging kapalaran ko kung hindi kami naiwan noon ni mama? Kung isinama niya kami sa pag-alis niya? Magiging maganda ba ang buhay namin ni Calla? Matatakasan ba namin ang katotohanan na anak kami ni Belor Defamente? Na isang kriminal?
Natigilan ako nang may sumagi sa isipan ko. Ang lalaking nangangalang Spencer Hochengco. Napangiwi ako at umiling para agad siyang mabura sa isipan ko.
Nakuha ng atensyon ko ang isang tunog sa may bintana. Muli kumunot ang noo ko. Maingat akong tumayo mula sa kinauupuan ko na nasa gilid lang ng katre. Maingat din ako naglakad palapit doon. Dahan-dahan kong binuksan iyon. Wala ang ama ko dito dahil abala sila sa kanilang trabaho.
Pagbukas ko ng bintana ay nanlaki ang mga mata ko dahil mukha ni Spencer ang tumambad sa akin!
"Hi, baby doll." nakangiting bati niya sa akin.
"A-anong ginagawa mo dito?" mahina pero matigas kong tanong sa kaniya. Baka magising si Calla nang wala sa oras! Hindi nagbabago ang ekspresyon ng aking mukha. Naroon pa rin ang pagkagulat. "P-papaano ka nakarating dito?" At papaano siya nakaakyat dito sa pangalawang palapag?!
Bago man niya ako sagutin ay tumingin siya sa bandang likuran ko. Mukhang nagets naman niya ang sitwasyon ko. Sunod n'on ay bumaling siya sa akin. Hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Sinundan kita para malaman ko kung saan ka nakatira." sagot niya na hinihaan na niya ang kaniyang boses.
"Umalis ka na dito kung ayaw mong maagang mawala sa mundong ibabaw." mariin kong saway sa kaniya.
Mukhang hindi niya ako narinig. "May nakalimutan akong sabihin bago mo ako nilayasan kanina." aniya.
"H-huh?"
"I want you to be friends with me." pabulong 'yon.
Nanigas ako sa sinabi niya. Pero ilang saglit pa ay nanumbalik ang aking ulirat. Marahan ko siyang tinulak. Lumabas ako sa pamamagitan sa paglusot ko sa bintana. Alam kong nawindang din siya sa ginawa ko. May matutuntungan pa naman kami kaya nagawa ko siyang hatakin hanggang sa likod ng abandonadong pabrika na ito.
"Hey," tawag niya.
Doon ko siya nabitawan at humarap sa kaniya. "Alam mo, kanina ka pa. Hindi ako interisado, okay? And please lang, huwag na huwag kang lumapit sa akin. Ito na ang huling pagkukrus ng mga landas natin, Mr. Spencer Ho." naiirita kong sabi.
Kumunot na rin ang noo niya. "Bakit ba pinagtutulakan mo ako? Gusto ko lang naman makipagkaibigan sa iyo. Wala naman sigurong masama o magagalit—" tumigil siya sa pagsasalita. Mas lalo nagkasalubong ang mga kilay niya na parang may napagtanto siya habang nakatitig siya sa aking mukha. "What happend to your lips?"
Nanlaki ang mga mata ko sabay tinalikuran ko siya. Parang hindi ako makahinga dahil sa huling tanong niya. "Wala ka nang pakialam. Kaya pwede ba, umalis ka na. At isa, ayokong makipagkaibigan sa iyo." lalayasan ko na sana siya nang nahuli niya ang isang braso ko. Nagawa niya akong hatakin hanggang nasa harap ko na naman siya. "Bitawan mo nga ako."
"Hinding hindi ko gagawin iyon kapag hindi mo sinabi sa akin ang dahilan kung anong nangyari sa iyo—"
"It's not of your business." matigas kong sambit. Bakas na galit na ako sa pinanggagawa niya. "You offer me a friendship but I declined, right? Ibig sabihin, wala kang pakialam at karapatan sa buhay ko. So you have to leave this place and don't ever talk to me again." marahas at matigas kong binawi ang kamay ko mula sa pagkahawak niya. Tuluyan ko na siyang tinalikuran. Mabibigat na hakbang ang pinakawala ko habang papalayo sa kaniya.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na niya ako pinigilan o sinundan pa.
-
Nakatingala ako habang isa-isa ko binabasa ang mga libro dito sa Library. May hinahanap akong specific na libro para masasagutan ko ang assignment ko. Dahil kumuha ako ng Home and Economics bilang track ko, narito ako sa cookery section. Gusto kong kasi maging Nutritionist. Hindi lang ako nagluluto, pakiramdam ko ay parang doktor na din ako sa lagay na 'yon. May dahilan din kung bakit pinili ko din ang bagay na 'yon. Dahil kay mama. Palagi niyang sinasabi sa amin na huwag na huwag daw namin ipagkakait ang sarili namin na kumain ng masarap. Buong araw ka nagtrabaho, kahit kumain ka lang ng kumpleto at masunstasyang pagkain, sapat na 'yon. Masasabi na iyon na ang reward mo para sa sarili mo.
Napasinghap ako nang may nasagi akong paa sa gilid ko. Lumingon ako para makita kung sino ang nagmamay-ari ng mga binti na iyon. Lumaglag ang panga ko nang makita ko na naman ang pagmumukha ng ng lalaki na nakaupo sa sahig at nakabuklat ang isang makapal na libro.
"Hey," nakangiting bati niya sa akin.
Napangiwi ako. "Ikaw na naman?" I growl in a small voice.
He just shrugged. "Kanina pa ako narito. Ikaw naman ang biglang sumulpot sa paningin ko." kaswal niyang sabi.
Lalayasan ko sana siya nang biglang na naman niyang nahawakan ang isang kamay ko at hinatak niya ako na dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya. Namilog ang mga mata ko! Agad akong lumipat sa sahig para umupo. "Bastos ka." bulong ko.
"So you're a prejudice, huh?" saka mahina siyang tumawa. "They said don't judge a book by it's cover—"
"And your ways is a contents of the book!" gusto ko na siyang sigawan pero pilit ko pa rin hinaan ang boses ko.
Tumaas ang isang kilay niya. Hindi niya malaman kung matatawa ba siya o pipigilan niya iyon. "I just want to talk to you."
"I don't have time, Mr. Ho—" hindi ko na madugtungan ang sasabihin ko na bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Napaatras ako't hindi ko siya magawang tingnan nang diretso sa kaniyang mga mata. Sa halip ay dumapo iyon sa sahig ng Library. "W-w-what are you d-d-doing?" bakit ganito? Hindi ako makahinga ng ayos?! Masyado namang malapit ang lalaking ito sa akin!
"Just few minutes, Ms. Defamente." namamaos niyang sabi.
"A-anong bang kailangan mo talaga?"
"You rejected me to be your friend last night." he casually said. "If that so... I want to date you."
Doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob para tinginan siya pero mukhang wrong move pa dahil halos maduling na ako dahil kulang nalang ay mahahalikan na niya ako! Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango! Bakit ganito? Bakit pabilis nang pabilis ang kabog ng puso ko? Ramdam ko din na nag-iinit na ang magkabilang pisngi ko!
"S-Spencer..." nanghihinang tawag ko sa kaniya.
"Yes, my baby doll?"
"L-lumayo ka na nga..." napangiwi ako. "M-masyado ka nang malapit..."
"Mas gusto na mas malapit. And I will do that if you consider my proposal."
"S-Spencer..."
"Yeah?"
"W-why? Why did you do this..."
"It's simple." bahagya siyang gumalaw. Napahiga ako sa sahig nang wala sa oras. Nanlalaki ang mga mata ko dahil nasa ibabaw ko na siya! "Because you were already on my mind yesterday. And last night, I want to be more close to you."
Nagtama ang mga mata namin. Namumungay ang mga mata niya.
"I couldn't ignore you even if I wanted to."