Pasado alas onse na ng gabi ay gising pa rin ang diwa ko. Nakipagtitigan lang sa kisame ng kuwartong ito. Tinagilid ko ang aking ulo na mahimbing na natutulog ang nakakabata kong kapatid na si Calla. Agad ko din binawi ang aking tingin mula sa kaniya. Huminga ako ng malalim. Mabuti nalang ay hindi siya nagigising sa ingay na nasa ibaba lang. Parang walang katapusan ang mga malalakas na tugtog at sigawan.
Nagpasya akong lumabas ng kuwarto. Maingat nga lang dahil baka magising si Calla nang wala sa oras. Humakbang din ako nang kaunti para silipin ang kaganapan sa ibaba. Makakapal na usok mula sa mga hinihithit nilang sigarilyo at m*******a ang sumalubong sa akin. Walang humpay na tawanan at kuwentuhan ng mga tao sa ibaba. Kahit malakas na tugtog mula sa mga naglalakihang amplifiers, daig mo pang nagkakaitindihan pa sila sa lagay na 'yon. Kung sabagay, nasa isolated area na kami kaya walang magrereklamong mga kapitbahay kung ganitong gawain man ang palagi nilang ginagawa.
Tanaw ko ang mga kasamahan ni papa na may kani-kaniyang babae, nakaupo ang mga ito sa kandungan nila, hindi lang 'yon ang ginawa nila. Naghahalikan at hinihimas nila ang iba't ibang parte ng mga katawan nito. Ang mas ipinagtataka ko lang kung bakit hindi man lang umangal ang mga babae?
Lihim ko kinagat ang aking labi dahil nahagip ng mga mata ko ang sarili kong ama na may ginagawa na sila ng babaeng kasama nito, mas malala pa sa ginagawa ng mga kasamahan niya. Kahit malakas ang tugtog ay rinig ko ang ungol ng ng babae habang nakaibabaw sa kaniya ang aking ama. Sa mga nakikita ko ay parang ilang beses na pinagsusuntok ang dibdib ko.
Agad din akong umatras at sumandal sa pader. Yumuko ako't gumapang para makalabas muna sa lugar na ito sa pamamagitan ng secret door na ginawa ko na ako lang ang nakakaalam. Maski sa kapatid kong si Calla ay hindi ko pinagsasabi. Hindi dahil sa wala akong tiwala sa kaniya. Mas mainam na 'yon para walang maipiga ang tatay namin sa kaniya sa mga oras na gusto kong tumakas o kaya ay nakakatikim ako ng mabibigat at matitigas niyang kamao.
Tagumpay akong nakalabas sa abandonadong pabrika dito sa Cavite. Agad kong dinaluhan ang bisikleta na hindi naman kalayuan sa akin. Sumakay ako doon at nagmamadali ako bago man ako matunugan ng sarili kong ama na nakatakas na naman ako. Kahit anong kulong niya sa akin, gagawa at gagawa ako ng paraan para makatakas. Ang tanging paraan ko nalang ay kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral para mas mapadali para sa akin na maialis ko ang kapatid ko sa Impyernong ito.
Ngayon ay naiitindihan ko na kung bakit nagawa kaming iwan ni mama, dahil sa mga pinanggagawa ng tatay ko. Wala na ngang matinong trabaho, kriminal pa. Noon ay takot na takot ako dahil nalalaman ko na nakakapatay siya ng tao. Hindi lang pagnanakaw ang alam niya. Siya ang nakilala kong literal na demonyo dahil sa mga pinangagawa niya.
May nadaanan akong malaking bahay. May malakas na tugtog din sa loob. Sinadya kong ihinto ang aking bisikleta. May naaamoy din akong mabango mula doon. Bigla kumalam ang sikmura ko sa bango ng pagkain mula sa loob. Mukhang may party na nagaganap sa loob. Masasabi ko na engrande ang party na iyon. Dahil sa mga bisita na papasok sa loob ng malaking bahay na iyon, puros mga matitingkad na kulay at magaganda ang mga suot na mahahalata na mayaman ang mga ito. Napasapo ako sa aking sikmura. Inilapat ko ang aking mga labi.
Nagpasya akong ipagpatuloy pa ang aking pagbibiskleta. Gusto kong makarating sa Bayan para makabili ng pagkain. Nagigising kasi ako ng ganitong oras dahil sa gutom.
-
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga pagkatiklop ko ng aking libro. Natapos ang huling subject ko ngayong araw. Ipinasok ko na ang mga gamit ko sa aking back pack. Tahimik akong lumabas ng silid-aralan. Oras na para umuwi na.
Halos mapuno ang Hallway dahil sa mga estudyante. May mga kausap, tawanan at tilian. Wala naman akong pakialam sa kanila. Ang akin lang, huwag na huwag nila akong papakialaman. Kung may mga gusto mang lumapit sa akin para makipagkaibigan ay agad din ako lumalayo sa kanila sa isang matinding dahilan—anak ako ng kriminal. Sa oras matuklasan nila ang tunay kong pagkataon, tiyak na babahain ako ng pangungutya kahit hindi ko naman gawain kung anuman ang ginagawa ng aking ama. Ayokong madamay din ang kapatid ko sa pait ng kapalaran na ito.
"Nabalitaan mo ba? May transferee daw. Guwapo! Galing pa siyang Dasma!" rinig kong bulalas ng babae na nasa gilid ko.
Tumili ang isa pa, na dahilan para mapangiwi ako. Ngunit hindi ko ipinakita iyon. "Oh my god! Kailangan natin siya makita!" saka nagmamadali silang umalis. Ipinagpatuloy ko pa ang paglalakad ko. Nakakapagtataka naman, Agosto na ngayon, natanggap pa rin sila ng transferee ng ganitong panahon? Papaano hahabol sa klase ang transferee na iyon?
Sa gilid ng kalsada ako naglalakad pauwi. Hindi ko dinala ang bisikleta ko dahil kinumpiska ng aking tatay. Nalaman kasi niyang tumakas ako kagabi, kaya ito ang napala ko. Mas matatagalan ako nito bago ko man ako makarating sa abandonang pabrika na ginawa nilang kuta. Sinabi lang nila sa akin na kailangan din nila magtago minsan.
Napatingala ako sa kalangitan nang biglang umambon. Napasinghap pa ako dahil umuulan na talaga. Natataranta akong naghanap ng masisilungan. May nahagip akong gazebo na nababalutan iyon ng halamang baging. May mga halamang palumpong din sa gilid nito. Umaribas ako ng takbo palapit sa gazebo na yari sa kahoy.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay nakasilong ako. Ibinaba ko muna sa sahig ang aking back pack saka pinagpag ko ang aking damit kahit na nakasuot pa ito sa akin. Sunod ay inilabas ko ang aking panyo saka pinunasan ko ang aking katawan na may tubig-ulan. Ngumiwi ako saka tumingin sa kalangitan. Bakit kasi hindi pa niya ako hinintay na makauwi muna bago man siya bumuhos. Malayo pa ang uuwian ko.
Natigilan ako nang may nararamdaman ako sa bandang likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon. Napasinghap ako't napaatras. Nanlalaki ang mga mata ko dahil isang lalaki chinito na mas matangkad sa akin ang nakatayo at nakasandal sa gazebo. Maputi ang kaniyang balat na mukhang chinese nga ang isang ito. Matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Nakapamulsa ito. Sumilay ang isang maliit na ngiti sa kaniyang mga labi.
"Hi," bati niya na hindi mawala ang ngiti niya.
Imbis na batiin ko siya pabalik at binawi ko ang aking tingin. Agad kong kinuha ang aking backpack saka niyakap ito. Nag-aabang ako na tumila din ang ulan.
"Sungit,"
Ano naman ngayon kung masungit ako? Tss. Pero hindi isinaboses iyon. Pinili ko nalang na huwag nalang siyang pansinin.
"I'm Spencer, and you are...?"
Nanatili pa rin nakatikom ang aking bibig.
"I assume you're name is Maria Coralyn Defamente, right?" muli niyang sambit.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Doon na ako nagkaroon ng lakas ng loob upang harapin niya. "Papaano mo nalaman?" naroon pa rin ang pagkairita sa boses ko.
Bago man niya ako sagutin, humakbang siya palapit sa akin. Hindi maalis ang tingin niya sa akin. Ako naman ang hindi makatingin sa kaniya ng diretso. Kasabay na umatras ako ng isa. Bigla siyang yumuko na dahilan para magtaka ako. Tumayo din siya di kalaunan. May ipinakita siya sa aking bagay. "Because you dropped this." pahayag niya. Hawak niya ang ID ko!
Nagawa kong bawiin ang ID ko. Ano bang problema ng isang ito?
"You looked like a doll... Or maybe a Goddess." he said.
Ano daw?! "Sino ka ba? Ano bang problema mo sa akin?"
Nanatili siyang nakatingin sa akin. Pero ang mas ipinagtataka ko kung bakit kusang dumapo ang tingin niya sa aking mga labi, hanggang sa nagtama ang mga mata namin. "Spencer Hochengco. The transferee. And you are the first person who I talked to since I got here in this University..." muli na naman gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi. "It's nice to meet you, baby doll."