“Fasten your seat belts,” iyon ang narinig ni Katie habang nakatanaw sa labas ng bintana ng sinasakyang eroplano. Papauwi na siya sa San Franscisco. Nalaman kasi ng kaniyang mama at papa ang pagtakas niya sa kaniyang eskwelahan at ang walang paalam na pagpunta niya sa Hongkong para gumala. Nayayamot siya habang nakatingala sa mga flight attendant na nagche-check sa mga compartment sa kaniyang bandang uluhan. Ngumiti ang babaeng iyon sa kaniya, kaya ngumiti na rin siya.
Tumagal ng ilang oras ang biyahe niya, kaya ang naging pantangal ng inip niya ay ang pagsuot ng headphone at ang pagpili ng mga kanta sa kaniyang ipod. It’s been a decade since it was released and outdated na ngayon, pero ewan ba niya kung bakit gustong-gusto pa rin niya ang lumang ipod na iyon. Iyon kasi ang bigay ng kaniyang kababata noon, si Kata, ang isa sa mga kaibigan niya sa bayan ng Cordova. That place where her lolo loved her so much. Sampung taon na rin ang lumipas nang mawalay siya sa kaniyang pinakamamahal na lolo Jesus. Noon kasi’y madalas silang bumisita sa Pilipinas, pero hindi niya alam kung bakit ngayon ay madalang na silang pumunta roon.
She’s Katie Lastimosa, the only naughty daughter of Don Gregorio at Dona Divina Lastimosa. Dahil na nga rin sa rasong wala siyang kapatid, kaya lumaking nakukuha ni Katie ang kahit anong naisin nito. Laki siya sa layaw at luho. Well, iyon kasi ang tantya ng kaniyang mga magulang na makakapagpuna sa kanilang kakulangan, madalas kasi silang wala sa piling ni Katie kaya naman, gaya ngayon, they don’t know what was happened at bakit napunta siya sa Hongkong gayong nasa San Francisco lang naman ang unibersidad na tinutuluyan niya.
Napa-iling na lang si Katie at bumuntung-hininga. Ayaw man niya’y kailangan na niyang umuwi dahil tinawagan na siya ng guidance councilor at dean ng kaniyang unibersidad, knowing that her parents told them what to do. Pabagsak na isinandal ni Katie ang sariling likod at doo’y napagpasyahan na niyang suotin ang pangtabon sa kaniyang mga mata.
Ilang sandali pa’y naramdaman na niyang pumapanaog na ang sinasakyan at naririnig na rin niya ang pag-anunsyo na magla-landing na ang sinasakyan niya. Madali niyang inayos ang sarili at nagtanggal ng headphone. Kinuha rin niya sa sahig ang kaniyang backpack at doon isinilid ang kaniyang nagkalat na mga kagamitan. Marahan pa niyang sinuklay ang mahabang buhok at maarteng pinisil-pisil ang kaniyang pisngi na siyang nakagawian na niya. Inabot pa niya ang isang salamin at sinipat ang mukha. Medyo walang kulay ang kaniyang labi kaya sa muling sandali pa’y kinuha na naman niya ang kaniyang liptint at pinahid iyon nang makailang ulit sa kaniyang labi.
Nang makitang satisfied na siya sa kulay ay nilapag niya ulit ito sa kaniyang bag. Hindi rin siya mapakali habang sinipat ang kaniyang relo na noo’y pasado alas onse na ng gabi. It’ll be fun to go somewhere and have some fun first. Parang ayaw niya munang magpasundo sa driver niya kaya nang makalapag sa San Francisco airport ay agad na minadali niya ang pagkuha sa mga bagahe sa conveyor at tumakas sa paningin ng iilang passengers. Dumaan siya sa hallway where no one can find her walking to that particular subway station. Ayaw muna niyang dumiretso sa school kaya as what an adult should be, gusto muna niyang puntahan ang bar na suki na yata niya kapag na-a-out of place siya sa university niya. Honestly, wala naman siyang pangkaraniwang matatawag na kaibigan sa lugar na iyon. Everyone is ‘constant’, parating nagbabago.
Sakay na siya sa train at doo’y nakiramdam sa mga pasaherong wala namang pakialam sa kaniya. Nakita pa niya sa isang gilid ang mag-asawang may edad na, tantya niya’y nasa edad syetenta na ito o 80’s. Magkahawak ang mga kamay nito habang ang isang kamay naman nila’y hawak-hawak ang gabay na tungkod.
Masaya itong kumakain ng burger. Napatingin pa ito sa gawi niya at ngumiti. Ngumiti rin siya habang nanonood sa dalawa ay naalala niya ang lolo Jesus niya. She really missed her lolo, but aside of that, mas nami-miss niya ang bayang kinalakihan niya, half of her life kasi’y nasanay siya sa pagiging pilipina. She seemed weird and uncommon here in States, she feel so exhausted, kaya naman madalas mas naglalakwatsa pa siya sa kung saan kaysa mapirme sa States. Well, isang taon na lang at matatapos na siya sa kursong kinuha. Psychologist. Iyon ang ninais niyang kunin from her recent courses. Yes, hindi na mabilang ang mga kursong kinuha niya, pero sa kay tagal at ka-tandaan ng edad niyang bente-tres ay wala siyang natapos ni isa. She started as a student of Law, she tried business course and even Hotel Management, dahil iyon ang suhistyon ng kaniyang ina na nagmamay-ari ng hotel chains sa San Fransisco. But it’s a total loss of time. Wala siyang mahanap na magandang kurso. Eh sino ba kasing gustong mag-aral sa lugar na hindi niya kabisado at gusto, mas mabuti nga sigurong doon na lang niya ipagpatuloy sa Pinas ang pag-aaral niya. Kaya naman, kinakailangan niyang makumbinse ang lolo Jesus niya na tulungan siya na makumbinsi ang mama’t papa niya. And this is her stepping stone, ang magpakawala at magpapansin sa kaniyang mama at papa na hindi siya pumapasok sa eskwela. She tends to do this as she could, dahil alam niyang wala namang pakialam ang mga ito sa kaniya, kaya mag-iingay siya sa pamamagitan ng mga kamaliang gagawin niya.
Nang makapunta sa bar na iyon ay mabigat na binagsak ni Katie ang sariling pang-upo sa stool na kaharap ng bartender.
“Vodka, double.” Iyon ang sambit niya sa lalaking nandoon.
“ID please,” ani nito saka pa naglahad ng kamay na tila hindi kumbinsidong bente-tres anyos na siya.
Tumaas ang kilay niya at nagkibit-balikat. “Are you new here?” Sambit pa niya sa lalaking iyon. “Same question to you, miss...” pabalik na sambit nito sa kaniya kaya bago pa ma-high blood ay kinuha na niya ang ID niya at inilapag iyon sa harapan ng bartender.
“Satisfied?” Nakakalokong tanong niya rito saka pa kunin ang inilapag nitong baso.
Ngumiti lang ito saka pa nagsalita “You’re tired, Hmm?” sabi pa nito sa kaniya. Ngumiti siya at nilapag ang baso na nilagok lang niya nang isahan. “Wanna hear my rants?” bungad na sambit pa niya saka pa ngumiti sa estrangherong iyon. Sabi pa nga ng karamihan, mas magandang makipag-usap sa mga taong hindi mo kilala. Mas mabuting makipag-usap sa mga taong hindi alam ang katotohanan sa likod ng magagandang ngiti at ang mga matang mayroon ka.
“It is sad to know about it, dear. Just cheer up! Things will be better soon.” Ani nito kay Katie saka pa nakipag-cheers. “What’s your name again?” Tanong pa ng lalaki sa kaniya.
Ngumiti siya at umiling. “You shouldn’t ask.”
“Why?”
“I am just a nobody…” mapait na ngumiti si Katie rito at nilagok ulit ang basong may lamang alak. As it goes, pinuno niya ang sarili sa kalungkutang mayroon siya. Para siyang hangin na hindi nag-eexist, isang bagay na walang pakinabang sa mundo. She felt helpless as she rest her tired body to that corner. Kung sinuman ang may pakialam sa puntong iyon, bahala na si Batman kung sino man siya!
...itutuloy.