“Who the hell are you?” Iyon ang nasambit ni Katie habang tanaw ang lalaking iyon. Alam niyang hindi niya ito kilala at lalong hindi ito ang driver na palaging inuutusan ng mama’t papa niya. Napalunok siya bago kinuha ang kung anong spray sa bag niya. Nasa likuran siya ng sasakyan at tila nakatulog siya sa ganoong ayos. Sinipat siya ng lalaking iyon sa repleksyon ng salamin sa front mirror. Ngumiti ito saka pa nagsalita, “I am the one asking your name first, but you don’t tell your true name,” sarkastikong sambit nito kay Katie kaya ginapangan siya ng kakaibang kaba. Ito kasi madalas ang nakikita niya sa sine, kikidnapin siya at pagsasamantalahan at papatayin! Naghihistirikal ang isip niya sa oras na iyon. “O heavenly father..” sinimulan niyang magdasal.
“What are you doing?” tanong pa ng lalaking iyon.
Hindi siya nagpagambala rito kaya mas tumaas ang boses ng lalaking iyon, “Hey!” untag pa nito. Kaya imbes na pumikit at maging kabado ay ubod-lakas na sinipa ni Katie ang lalaking iyon. Kahit na hilong-hilo pa siya ay nakayanan pa rin niyang bumaba at pasuray-suray na maglakad sa eskinitang iyon. Alam niyang mag-uumaga na sa puntong iyon kaya nanatili siyang konsentrado sa paghakbang. Nakita niya ang daan na mayroong nag-jo-jogging. “Help! Help me please!” iyon ang sambit niya habang nakataas sa ere ang kaniyang kanang kamay pero walang mga pake ito na akala’y ‘prank’ lang ang ginagawa niya. Until she felt something in her waist, kinuha siya ng lalaking hindi niya kilala at madaling umarko ang katawan nito para buhatin siya.
Hilong-hilo si Katie at doo’y wala na siyang lakas na labanan ang kung sinumang lalaking iyon. Katapusan na niya! “Let me help you..” Iyon ang narinig niya sa sinumang lalaking iyon. Karga-karga siya nito pabalik sa kotse nito.
Nang maramdaman niyang payapa siya nitong nilapag sa likuran ng kotse ay agad na ipinikit nang mariin ni Katie ang mga mata. “Sino ka?” Halos pabulong na tanong niya sa naturang lalaki. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi niya ito naaaninag.
“I’m here to take you..home.” Walang emosyon na sambit ng lalaking iyon. Pikit-matang nakiramdam si Katie sa paligid. Niyakap niya ang kaniyang bag. She’s so helpless. Hindi niya akalain na mismong ang bartender na iyon ang tatangay sa kaniya ngayon, hindi niya ito kilala. Hindi niya ito kaanu-ano.
“Mamamatay na ba ako, dyos ko!” Impit na sambit niya sa sarili habang nakapikit pa rin. Kung saan man siya papunta ngayon kasama ng lalaking ‘to, hindi na niya alam kung may bukas pa kaya siyang masisilayan, ito na siguro ang parusa sa kagaya niyang lakwatsera kaya heto siya ngayon at nakidnap sa kamay ng mala-teroristang lalaking ‘to.
“We’re here, please sign the termination letter, p-para makauwi ka na.” Napa-upo ng tuwid si Katie nang marinig ang boses ng lalaking iyon. “Pinoy?” ani niya saka pa kinusot ang dalawang paningin. “Sino ka ba kasi? Bakit nandito ka?” pag-uulit na sambit niya sa lalaking iyon. Pero imbes na sumagot ay may inabot na papel ang lalaki sa kaniya na tila letter mula sa kaniyang unibersidad. It is referral letter for transfer. Nanlaki ang mata ni Katie sa nakita at parang hindi makapaniwala sa liham na iyon.
“Pirmahan mo na.” Ani ng lalaki sa kaniya.
“Teka! Sino ka ba kasi?” Pangungulit niya rito. Kaya naman sumagot na ito sa kaniya ng kagaya ng pagsagot niya kanina. “I’m just a nobody,” ani ng lalaki na hindi makatitig ng diretso sa kaniya. “Kidnapper ka ba?” ani niya.
Marahang napa-iling ang lalaki at sumagot sa kaniya, “Bakit? Bata ka pa ba? Hindi ba’t ang sabi mo..You’re too old enough to handle decisions, you told me that thing. Not once, but a hundred times,” sinipat siya nito mula sa salamin bago pa muling nagsalita, “Katie, just sign that contract, so we can leave this misery.” Sa puntong iyon ay napaawang na lamang si Katie sa narinig.
“You know me?” Namamanghang tanong niya sa lalaki na noo’y kating-kati na habang nag-aantay sa pagpirma niya.
“I am, eh iyon ang nakasulat sa papel na hawak mo eh. I just read it,” ani nito saka pa sinipat muli ang mukha ng dalaga.
“Heto na, heto na. teka lang, nasaan ang ballpen?” iritableng tanong ni Katie sa mahangin na lalaking ‘yon. Sayang gwapo sana kaso barumbado! Malayong-malayo ang katangian nito sa pagiging gentleman. Sinipat niya ito habang hawak ang isang ballpen, nang iabot nito sa kaniya ay nagka-konekta ang kanilang mga balat kaya hindi niya maiwasang mapa-kagat-labi sa kuryenteng nandoon.
“Tauhan ka ba nila papa?” tanong pa niya rito habang pinipirmahan ang mga papel.
Tahimik lang ang lalaki at panay tanaw sa labas ng parking lot ng kanilang unibersidad, doon sila naka-park in this middle of four o’clock am. “No,” tipid na sagot ng lalaki saka inayos ang manggas ng kaniyang suot na sleeves.
“So bartender ka talaga sa bar na iyon?” tanong pa ni Katie sa lalaki.
Umiling ulit ang lalaki at hindi sumagot. “So bakit ka nandoon?” pagtatanong ulit ni Katie. Nanatiling tahimik ang lalaki at napatiim-bagang sa kakulitan ng dalaga.
“Ah maybe, mag-e-extra ka lang doon, ano? Tama ba ako? So taga saan ka sa Pinas?” Halos hindi na mapigilan ng lalaking ‘yon ang pagtitimpi kaya bigla itong lumabas sa kotse at doon nga’y mabilis na naglakad ng ilang distansya sa kotseng kinaroroonan ng dalaga. Tanaw pa ni Katie ang gestures nito na tila gustong manapak ng kagaya niyang mala-armalite ang bibig. Napakagat-labi ulit siya at napahawak sa sariling bibig. Ganito talaga siya kapag naka-inom, hindi niya maiwasang magtanong at mangulit ng kung sinu-sino, and maybe it’s the reason why no one stays out with her. Usually, mag-isa lang siya sa bar na iyon, natatandaan nga niyang minsan lang may kumausap sa kaniya noon, if she’s not mistaken, Rheg ang name ng dalagang nakasabayan niya noon sa bar. Ito raw mismo ang nagma-manage ng bar na iyon for that time dahil siya ang naka-assign na sa buwang iyon, ani niya sa kuya nito talaga ang bar na iyon.
Napasipat si Katie sa pigura ng lalaking iyon at sa pigura ni Rheg, may pagkakahawig ang dalawa, parang pinagbiyak na bunga ang mukha ng dalawa. Natigilan siya, hindi kaya..ito ang kuya ni Rheg? Baka ito ang sinasabi nitong kapatid niya.
“Oh my god!” bulalas niya saka pa lumabas sa kotse. Napalingon sa kaniya ang binata na agad namang lumapit sa kaniya.
“I know you!” bulalas ni Katie, agad siyang inalalayan ng lalaking iyon dahil halos madapa na siya sa kinatatayuan. She’s literally drunk right now. “Ikaw si…” hindi na niya natuloy ang pagsasalita dahil harap-harapan niyang nasukahan ang kung sinong lalaking iyon. “My bad!” ngiti ni Katie saka pa inabot ang manggas ng suot ng lalaking iyon.
“You’re so disgusting..” Pigil na galit ni Primo sa babaeng kaharap niya. Nawalan pa ito ng malay kaya halos mayakap niya ito. They’re close as hell. Chest to chest and facing each other’s breath. Okey sana kaso, ang baho ng hininga ni Katie, he immediately pull her off and put her inside the car. Kung hindi lang malaki ang utang na loob niya sa lolo ng dalaga ay hindi niya gagawin ang bagay na ‘to. He doesn’t like to go abroad. Bukod kasi sa pagiging kilalang public servant, he don’t ride a car in the city. Mas nanaisin niyang mangabayo sa probinsya ng Cordova. Ang lugar kung saan dapat niyang dalhin ang babaeng ‘to. Muli niyang sinipat ang mukha ng dalaga na noo’y masarap ang tulog.
“Sleep tight, Ms.Stress,” ngiting sambit niya bago pinatakbo sa kung saan ang sasakyang iyon.
...itutuloy.