Chapter 3- The argument

1146 Words
Pasado alas sais na ng umalis ng bahay si Selestina. Sumakay siya ng jeep at mga ilang oras lang na sa harap na siya ng YKF resto bar. Pumasok siya dito at dumiretso sa locker room. Kinuha niya ang susuotin niya. Napaka OMG siya nag makita ang isusuot niya. Sobrang iksi ng mini skirt nito at unting kilos lang niya ay masisilipan na siya. Bahala na nga yan ang mga katagang na sambit niya. Palabas na siya ng locker room ng marinig niya ang pag string ng isang guitarist at vocalist na din. Ang lamig ng bose ng lalaki. Hindi niya matanaw ito pero hindi niya maipagkakaila na magaling ang lalaki. Bagay sa boses nito ang kanta. Nag simula ng nag trabaho si Selestina, ang daming manyak na nakikipagkilala sakaniya. Ngunit nginingitian niya lamang ito kahit naiinis na siya hindi niya magawang sungitan ang mga ito. Nakita naman niya ang paglabas ng boss niya at muntik na niyang mabitawan ang dala dala niyang tray ng makita kong sino lang naman ang kasama ng boss niya. Walang iba kundi ang lalaking presko. Napa paktay siya dahil mukhang close ang dalawa. Yumuko siya para hindi sila magkita ng lalaki ngunit huli na dahil napansin na siya ng kaniyang boss tinawag siya nito. "Selestina come here." tawag nito para lumapit siya. Naglakad siya habang nakatakip ang mukha niya ng tray. "Yes sir! ano po ba maipaglilingkod ko sayo." garalgal ang boses na pagkakasabi niya. Maya-maya pa nararamdaman niyang lalapit na ang kasama nito sakaniya. "Chaka ka siguro, kaya ayaw mo ipakita ang mukha mo." natatawang sabi nito. Inis na inis naman si Selestina sa narinig walang ano- anong ibinababa niya ang tray na hawak niya. "You damn woman." sabay hawak nito sakaniya. "Aray ha nasasaktan ako. Pwede ba alisin mo yang kamay mo." sabi niya habang tinutulak niya ang lalaki. Hindi naman malaman ng kaibigan ang nangyayari. Inawat niya ang dalawa. "Stop, would you please calm down. Ano bang problema niyo." pagpapatigil na sabi nito sakanila. "Dude fired her. I don't want see her face here." sabi nito na galit na galit. "Hoy impaktong kapre ka. For your information maayos akong nagta trabaho dito at sino ka pa para utusan ang boss ko na paalisin ako." nakataas ang kilay nito at nakikipag eye to eye contact sakaniya. "He is my bestfriend." proud na sabi nito. "Oh ano naman, ikaw ba ang boss ko. Hindi naman diba,?" pagtataray nito. "I said stop it. Kanina pa ako naguguluhan sainyo. Kapag hindi kayo tumigil, pareho ko kayong tatanggalin. You guys making a trouble here. Kong hindi kayo mag aayos aalisin ko kayo. Look madami ng nakatingin sainyo." naiinis na saad nito at nakakunot ang noo. "Hey dude." "Sir." Pa chorus pa na sabi ng mga ito. Ayusin niyo to pag balik ko ayaw ko ng makarinig ng ingay. Sabay pasok sa office nito at pabagsak na sinira ang pinto. Naiwan naman ang dalawa na nagbabangayan pa din. "You." "Anong ako." Naabutan na naman sila nagbabangayan. Sa inis nito tinawag sila at pinapasok sa opisina. "The two of you proceed to my office now." the powerful voice came from him. Sa loob ng opisina wala pa din tigil ang sisihan ng dalawa. Naririndi na ang kaibigan niya at sumigaw na ito. "Enough paano kayo magkakaintindihan sumasakit na ang ulo ko sainyo. Ok kong ayaw niyong mag-usap just be professional during your working hour. Ayaw ko na nakikitang nagtatalo kayo understood." pagalit na sabi nito dahil kanina pa siya naririndi sa awayan ng dalawa. Para itong mga bata. "Yes." pa chorus na sabi ng mga ito. "Good, now you may leave and do your work. Hindi ko kayo sinasahuran dito para mag away lang." pagreremind nito. Naunang lumabas si Selestina at nag simula ng mag serve sa mga guest at visitors. Nakita naman niyang lumabas na din ang kapre. Sinamaan niya ito ng tingin. Naiinis siya dahil muntik pa siyang mawalan ng trabaho sa ginagawa ng baliw na lalaking iyon. Bumalik naman na sa stage si Mike. Nagsimula na siyang mag tipa ng string at kumanta. Nababatubalani naman sa ganda ng boses niya si Selestina at hindi makapaniwalang ito ang kumakanta. Nawala tuloy ang paghanga niya dito at napalitang ng pagkainis. Natapos ang working hour ni Selestina lumapit naman ang isa sa kasamahan niya. "Ang gwapo ng guitarist ano at ang ganda ng boses." kinikilig na sabi nito sakaniya. "Saan banda, bingi ka ba hindi naman maganda at sintunado pa." sabi niya at hindi niya alam bakit ito ang lumabas sa bibig niya. "Hala siya ikaw at ang bingi girl, mag linis ka kaya ng ears mo." pagkalakas lakas na sabi nito. "Sa hindi nga maganda. Diyan ka na nga." paalam nito at dire diretsong pumasok ng locker para magpalit na ng damit. Sa loob ng locker room. "Hmm hindi naman talaga." pabulong na sabi niya. Inaayos ang sarili at lumabas na. Tila ba nanadya any kapre na to at nakaharang pa sa dadaanan niya. "Tumabi ka nga." pagpapaalis niya dito at lalo lang siyang nainis dahil hindi naman natinag ang lalaki. "If I were you aalis na ako dito. Dahil hindi kita titigilan bwesetin. Sinaktan mo lang naman ang treasure balls ko." galit na pagkakasabi nito. Yumuko si Selestina at lumapit dito tila kinakausap ang mga ito. "Hello sorry ha kasalanan kasi ng baliw niyong amo." Natatawang sabi nito. "Hoy ano iyong ginagawa mo. Manyak ka ba,?" pang aasar nito. Ngunit nagulat siya sa ginawa ni Selestina. Nakaramdam tuloy siya ng init ng katawan. Bigla na lang siyang tumalikod sa babae. Tumalikod na din si Selestina at lumabas ng resto bar. Nagpara ng jeep at sumakay na din. Malamig ang simoy ng hangin ber months na kasi. Malapit ng mag pasko. Nalulungkot na nama si Selestina bumabalik sa ala ala niya ng araw na namatay ang magulang. Mag papasko din kasi iyon, nangilid ang luha niya at any moment pwede na ito pumatak. Masiyang siyang emotional kapag pumapasok sa isip niya ang aksidente. Pinunasan niya ang kaniyang luha gamit ang kaniyang panyo. Ayaw niyang makikita siya ng kaniyang bunsong kapatid na umiiyak. Gusto niya ang makikita sakaniya nito ay nakangiti at masaya at malakas ang loob. Siya na din kasi ang tumayong ina at ama dito ng namatay ang kanilang lola at lolo five years ago. Kaya nalatigil sa pag aaral si Selestina at nag tinda na lamang ng basahan sa kalsada para may pantawid sila sa pang araw-araw. Nakarating siya ng bahay pasado ala una. Naabutan niyang mahimbing na natutulog ang kaniyang kapatid hindi na siya nag abalang gisingin ito. Pumasok na siya sa banyo para mag half bath ng matapos mag linis ng sarili nahiga na siya sa kaniyang munting kwarto. Katabi niya dito ang kaniyang kapatid maingat siyang humiga para hindi na maistorbo ito. Pumikit na unti unti ang kaniyang mga mata at dahan dahan na siyang dinalaw ng antok.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD