Chapter 1- Ordinary day

1311 Words
"Hindi ko alam na sa murang edad ko ay mararanasan ko lahat ng hirap." sabi ni Selestina. Natatandaan pa niya ang lahat ng araw na sila ay maaksidente. Luluwas sana sila ng Manila upang bisitahin ang kanilang lolo at lola. Lulan sila ng sasakyan na minamaneho ng kaniyang daddy. Masaya nag araw na iyon para sakaniya, bukod sa nakaka kita siya ng mga magagandang tanawin. Habang aliw na aliw ang batang si Selestina bigla na lang siyang nakarinig ng isang malakas na tunog boooog at nauntog ang kaniyang ulo sa harap ng upuan. Himalang nabuhay si Selestina at ang kaniyang ina. Samantalang dead on arrival naman ang kaniyang daddy. Dahil pregnant ang kaniyang mommy minabuting ilabas na ng doktor ang kaniyang kapatid via cs section na nasa ika pitong buwan pa lamang ng araw na iyon. Nang matapos at successful na mailabas ito mga ilang saglit lang ng biglang binawian na din ng buhay ang kaniyang mommy. Iyak ng iyak si Selestina. Hindi niya alam ang gagawin ng mga sandaling iyon. Tila ang saklap ng kapalaran para sa batang si Selestina. Sakto naman na nunuod ang kaniyang lola ng mabalitaan ang nangyari sakanila. Flash report. Isang mag-anak ang naaksidente matapos sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa nakasalubong na truck. Dead on arrival ang padre de pamilya ng mag-anak. Samantalang ang mag-ina ay dinala sa ospital para magamot. Sila ay kinilala na sina Marco Rivera 45 years old, Celeste Rivera 40 years old. Hindi pa natatapos ng matanda ang panunuod ng biglang bumagsak ang hawak niyang baso. "Diyos ko mahabaging ama." ang sabi nito. Dali dali niyang tinawag ang kaniya kabiyak. Rodolfo ang a-anak natin naaksidente. "A-ano,? gulat na sambit ng asawa. Dali-dali silang pumunta sa ospital para malaman ang kondisyon ng anak. Alam nilang pitong buwan itong buntis at inaalala din nila ang apo nilang bata pa. Nakarating ang mag-asawa sa ospital. Naabutan niya ang kaniyang apo na umiiyak. "Apo." tawag niya dito. Lumingon naman agad ito sakaniya at yumakap. Napabalikwas naman siya ng bangon ng marinig ang boses ng kaniyang nakakabatang kapatid na si Selestine. "Ate! Ate, asan ka na ba. May good news ako." tawag nito sa ate niya. "Ano ba kasi iyo.?" tanong ni Selestina. "Eto ate, ako lang naman po ang first honor sa klase namin." proud na ibinalita nito sakaniya. "Talaga, sobra akong natutuwa sayo. Mahal na mahal ka ng ate." masayang sabi nito sa kapatid at sabay halik na din sa noon nito. "Tara mag celebrate tayo." yaya nito. "Talaga po ate." excited na sabi nito at bakas sa mukha ang saya ng kapatid. "Oo, naman kailangan natin mag celebrate para sa achievements mo." masayang sabi nito. "Sige po ate, magbibihis na ako." paalam ng nagmamadali niyang kapatid ng malaman na kakain sila sa labas. Habang nakaupo naman si Selestina. Naisipan niyang dumukot ng pera sa wallet. Nakita niya na may limang daang piso pa naman siya. Ayon na lamang ang gagastusin niya para mapasaya man lang ang kaniyang kapatid. Tuwang tuwa si Selestine ng nasa mall na sila. Ang dami niyang nakitang magagandang damit at mga sapatos. "Pag mayaman na tayo ate. Ibibili kita ng lahat ng gusto mo." nangangarap na sabi nito. "Hayaan mo, kapag ako nakatapos ng pag-aaral ibibigay ko lahat ng kaya kong maibigay sayo. Mahal na mahal kita, ikaw na lang ang meron ako." wika nito sabay yakap sa kapatid. "Mahal na mahal din po kita ate. Salamat sa pag aalaga mo saakin." saad nito na yumakap din ng mahigpit sakaniyang ate. Matapos magyakapan naglalakad lakad sila na magkahawak kamay at sabay na naghanap ng makakainan. Nakarating sila sa food court. May nakita silang french fries at bulalo. Nang matapos mag order at mag bayad naghanap naman sila ng mauupuan. Masayang pinagsaluhan ng mag-ate ang kanilang tanghalian. Mahirap man ang buhay na meron sila, masayang masaya pa din ang dalawa. Hindi man madali pero kapag nag tulungan lahat ay gagaan. Yan ang bilin ng lola nila sakanila, bago ito mamaalam. Pinamanahan sila ng maliit na bahay, luma man ito pero makulay dahil punong puno ng pag-asa, pagmamahal at pangarap ang bahay na iyon dala ng good vibes ng mag-ate. Nang matapos kumain nagpagpasiyahan ng mag-ate na dumaan muna ng simbahan, para magpasalamat sa panginoon sa lahat ng blessings na kanilang natatanggap araw-araw maliit man ito o malaki. Para sakanila dapat laging ipagpapasalamat ito para mas madaming blessings pa ang ibuhos sakanila. Nakarating sila ng simbahan. Yumuko at nanalangin. "Salamat God sa lahat ng pagpapala mo saaming mag-ate, maliit man o malaki nagagalak ang aking puso. Hiling ko lang ay gabayan niyo po kami sa lahat ng tatahakin naming landas. Maraming salamat po ulit." panalangin ni Selestina. Nang matapos ang misa, lumabas na ang magkapatid para mag abang ng jeep. Mga ilang minuto lang may dumaan na din ng jeep at sumakay sila. Mga kalagitnaan ng byahe ay hindi inaasahang makatulog ang nakababata niyang kapatid. After one hour nasa bahay na din sila. Pasado ala siyete na ng gabi ng sila y makarating ng bahay. Pagod at antok na si Selestine kaya humalik na siya sa ate niya at nagpaalam. Habang si Selestina naman ay nag-iisip kong pupuntahan ba ang nakitang fliers. Kanina kasi bago siya umuwi ng bahay may nakita siyang fliers habang siya ang nagtitinda ng mga basahan. "YKF Bar." basa niya dito at inilapag na sa mesa ang fliers. Hanggang sa dinalaw na din siya ng antok dala ng pagod. Kinabukasan maagang nag handa si Selestina para sa pag a-apply niya ng trabaho. Hindi din kasi sapat ang kita niya sa pag titinda ng basahan at kahit siguro ugod- ugod na siya ay hindi pa din siya makaka ipon para sakaniyang pag-aaral. Kinuha niya ang kaniyang blouse at miniskirt na nabili niya pa sa ukay-ukay, sinong mag aakalang tag be bente pesos lamang ito. Sinipat niya ang kaniyang sarili sa salamin nag lagay siya ng kunting lipstick at powder. Dahil likas sa dalaga ang pagiging simple kaya minabuti niyang ganoon na lamang ang maging ayos at kong hindi nga lang sila mahirap lagi siyang na pagkakamalan na mayaman. 5'0 flat in height siya pero masasabi niyang maganda siya at ang kaniyang katawan. Kulang lang siya sa height pwede na sana siya mag part time model. Anyway wala naman din siya balak sumabak sa pag momodelo. Tinawag niya na ang kaniyang kapatid para magpaaalam. Natitiyak niyang mag-aamoy usok na naman siya sa byahe. Nakarating siya sa YKF Bar. Dali-dali siyang pumasok at hinanap ang staff dito, agad naman siyang nilapitan ng waiter. "Hi! maam. Please come in. " nakangiting bati nito. "Thank you, may I know about this job vacancy,?" tanong ni Selestina. Nagulat naman ang waiter, sa sinabi ni Selestina. "Are you sure maam. Hindi halatang mag a- apply ka, sa ganda niyong yan, hindi kayo bagay dito." nagtatakang sabi nito. "Hindi ako nag bibiro seryoso ako." natatawang sabi ni Selestina. Ginaya naman siya ng waiter sa office kong saan naroroon ang may-ari ng resto bar. Naka tatlong katok muna siya bago nakarining ng boses. "Please come in." tinig ng isang lalaki. Nakayuko ito ng pumasok si Selestina sa loob. Bumati naman siya ng magandang araw. Nakuha naman niya ang atensyon nito. Inabot niya dito ang kaniyang resume. Pinaupo at sinipat siya nito mula ulo hanggang paa. Sabay tingin sa kaniyang resume. "You're hired." wika nito. Hindi siya makapaniwala sa narinig kaya nag tanong siya dito. "A-ano ho, tanggap na po ako?" nagtatakang tanong niya. "Oo, ayaw mo ba. Gusto mo bang bawiin ko?" tanong nito sakaniya. "Ay! hindi po, gustong gusto ko po. Maraming Salamat po Ginoo," masayang wika niya kasabay nang kaniyang pag ngiti. "No problem. All right. You can start tomorrow. 7 p.m. sharp and don't be late and lastly don't call me ginoo. Just simply call me Lex." remind nito sakaniya. "Yes sir Lex, thank you for giving me a chance." nakangiting wika nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD