Chapter 16

2021 Words
KAAGAD na sumilay ang ngiti sa labi ni Matthew paglabas niya sa banyo nang makitang mahimbing nang natutulog si Thalia sa sofa kung saan niya ito iniwan kanina bago siya pumasok ng banyo habang nanonood ito ng tv. Ini-off niya muna ang tv bago siya lumapit sa kinaroroonan ng dalaga para buhatin ito at ilipat sa kama. Hindi nagising si Thalia nang buhatin niya pero naalimpungatan ito nang maihiga niya ito sa kama. Unti-unting bumukas ang mapupungay nitong mga mata na kaagad na dumapo sa kanyang mukha. "Matthew..." mahinang bigkas nito sa pangalan niya bago muling ipinikit ang mga mata. Hindi nagtagal ay bumalik ulit ito sa mahimbing na pagtulog. "f**k!" hindi mapigilang mura ni Matthew habang nakalapat sa dibdib ang palad at pinakikiramdaman ang malakas na kabog ng dibdib. Ganoon lagi ang epekto sa kanya ni Thalia sa tuwing sinasambit nito ang pangalan niya sa hindi niya inaasahang pagkakataon, kapareho nang unang beses niyang marinig na sinambit nito ang pangalan niya. Ilang araw na ang lumipas buhat noong nagdesisyon siyang sa tabi ng dalaga matulog at kahit papaano ay nasasanay na siya sa presensya nito. Hindi niya itatangging naaapektuhan pa rin siya sa presensya nito pero kahit ganoon ay nagagawa na niyang pigilan ang sarili. Nakukuntento na lang siya na tinitititigan lang ito habang natutulog at may pagkakataon na ninanakawan na lang niya ito nang mabilis na halik sa labi. Bukod doon ay hindi na niya hinahayaan na lumagpas siya sa kanyang limitasyon. Pilit na pinakalma ni Matthew ang naghuhurumintado niyang puso bago niya inayos ang pagkakahiga ni Thalia sa ibabaw ng kama. Hindi niya alam kung ilang minuto pa siyang nakatitig sa mukha ng dalaga bago siya nagdesisyon na lumabas ng kuwarto para puntahan ang kambal na alam niyang kanina pang naghihintay sa kanya. Pero bago siya lumabas sa kanyang silid ay hindi rin siya nakatiis na hindi nakawan ng mabilis na halik sa labi si Thalia. "Bakit ang tagal mong lumabas sa kuwarto, bro? Don't tell me..." pabitin na bungad sa kanya ni Darren nang makababa siya sa salas kung saan naghihintay ang kambal. Nagsisimula na ang mga itong uminom nang dumating siya. Napailing na lang si Matthew dahil alam niya kung ano na namang kapilyuhan ang tumatakbo sa isipan ng dalawa. "Happy birthday, bro! Sana maging maligaya ang gabi mo," wika naman ni Warren habang may nakakalokong ngisi sa labi na hindi na lang pinansin ni Matthew. Inabutan siya nito ng basong may lamang alak na tinanggap naman niya bago siya umupo. Kaarawan niya ngayon kaya nagplano ang kambal na mag-inom sila. Hindi sila mahilig magdaos ng kani-kanilang mga kaarawan at madalas ay nag-iinom na lang silang tatlo hanggang sa makatulog sila sa kalasingan. Hindi niya sinabi kay Thalia na kaarawan niya kaya wala itong kaalam-alam habang natutulog ito sa kuwarto. Buong-araw din silang naging abala kaya ngayon lang silang tatlo nagkaroon ng oras para idaos ang kaarawan niya. "Muntik na namin makalimutan. May inihanda nga pala kaming birthday cake para sa 'yo," nakangising wika ni Darren at hindi gusto ni Matthew ang ngising iyon. Sigurado siyang may kalokohan na naman itong ginawa. Saglit na umalis si Darren at pagbalik nito ay may dala itong isang kahon ng cake pero kumunot ang noo ni Matthew nang makita ang laman niyon. Hindi iyon cake, mga condom 'yon na inayos para maging style cake. "Kung may tinatawag na money cake, iginawa ka naman namin ng condom cake para kakaiba," malawak ang ngiting wika ni Darren na ikinanganga ni Matthew. Tila proud pa ang dalawa sa kalokohang ginawa ng mga ito. "Anong gagawin ko rito?" hindi makapaniwalang tanong ni Matthew sa dalawa habang nakatingin sa 'condom cake' na ibinigay sa kanya ni Darren. "Kainin mo baka masarap," pilosopong sagot ni Warren kaya sinamaan niya ito ng tingin. "Kung sa 'yo ko kaya ito ipakain para malaman mo kung masarap o hindi," masungit na ganti ni Matthew na tinawanan lang ng dalawa. "Alam naming kakailanganin mo 'yan one of these days. Malay mo rin kailanganin mo na ngayong gabi," pilyong wika ni Darren. "Don't tell me na hindi mo alam kung paano at saan ginagamit 'yan. Gusto mo ng demo?" dagdag pa nito kaya ibinato niya rito ang 'condom cake' nang hindi na siya makapagpigil dahil sa kalokohan nito. Tumatawang sinalo naman nito iyon. "Hindi ko kailangan 'yan," wika ni Matthew bago muling nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok iyon. "Sa amin na lang ito kung ayaw mo," wika ni Darren. "Labas tayo mamaya, kambal. Matagal-tagal na rin pala buhat nang huli tayong lumabas," baling nito sa kakambal na walang pagdadalawang-isip namang tumango. Nagpatuloy ang kanilang pag-iinom hanggang sa unti-unting maramdaman ni Matthew ang epekto ng alak na iniinom nila. Mababa ang tolerance niya sa alak kumpara sa dalawa kaya hindi na siya nagtaka kung siya ang unang nalasing sa kanilang tatlo. At parang hindi pa tumatalab ang epekto ng alak kina Warren at Darren. "Lasing ka na yata, bro. Heto, huling tagay mo na 'to," wika ni Warren bago ibinigay sa kanya ang hawak na basong may lamang alak. Tinanggap niya iyon at agad na ininom. "Kaya mo pa ba? Ihahatid ka namin sa kuwarto." "Hindi na kailangan. Kaya ko ang sarili ko," pagtanggi ni Matthew sa alok ni Darren. Tumigil na sa pag-inom si Matthew pero nanatili muna siya sa salas kasama ang dalawa. Lumipas ang ilang minuto at sa hindi malamang dahilan ay unti-unting nakaramdam si Matthew ng kakaiba sa kanyang katawan na alam niyang hindi epekto ng alak na ininom niya. Unti-unting nag-init ang kanyang pakiramdam na para siyang sinisilaban at ramdam niya rin ang pagkabuhay ng nasa pagitan ng kanyang mga hita. Fuck! What the hell is happening to me? "Umeepekto na yata, bro," dinig niya bulong ni Darren kay Warren na hindi nakaligtas sa pandinig ni Matthew. "Anong ginawa n'yong dalawa? Anong inilagay n'yo sa alak na ininom ko?" tanong ni Matthew sa kambal na ngumisi lang ng nakakaloko sa kanya. Kaya pala pansin niya ang pagtitinginan ng dalawa at ang tagumpay na ngiti sa labi ng mga ito nang inumin niya ang huling baso ng alak na ibinigay ni Warren sa kanya kanina. May pinaplano ang mga ito sa kanya. f**k! "Wala kaming maisip na magandang regalo para sa 'yo kaya naisip na lang namin na pag-initin ang gabi mo, bro. Tutal nasa tabi mo na naman ang magandang regalo," nakangising wika ni Darren at alam niyang ang tinutukoy nitong magandang regalo ay si Thalia. f**k! Pati si Thalia ay nadamay sa kalokohan ng dalawa. "Huwag n'yo nang ituloy kung anuman ang pinaplano n'yo. Huwag n'yong idamay sa kalokohan ninyo si Thalia," lasing na pakiusap ni Matthew sa dalawa habang pilit na nilalabanan ang epekto ng kung anong inilagay ng dalawa sa alak na ininom niya pero dahil sa lasing siya ay nahihirapan siyang labanan iyon. Talagang plinano ng dalawa ang lahat, nilasing muna siya ng mga ito para mahirapan siyang pigilan ang sarili niya. "It's okay, bro. Alam naman namin na pananagutan mo siya kung sakaling may mangyari sa inyo ngayong gabi," wika ni Warren. Sabay na tumayo ang kambal bago lumapit sa puwesto niya. Hinawakan siya ng mga ito sa magkabilang braso bago siya tinulungang tumayo. "Ihahatid ka na namin sa kuwarto." "No! Ayaw ko!" mariing pagtutol ni Matthew at nagpumiglas sa pagkakahawak ng dalawa. Ayaw niyang bumalik sa kuwarto dahil takot siya sa maaaring magawa niya kay Thalia. Ayaw niyang magkasala sa dalaga, ayaw niyang samantalahin ang pagiging inosente nito. Pilit siyang kumawala sa pagkakahawak ng kambal pero kahit anong gawing pagpupumiglas niya ay hindi siya pakawalan ng dalawa. Hanggang sa pinagtulungan na siyang buhatin ng mga ito at sa isang iglap ay natagpuan na lang ni Matthew ang sarili na nakatayo sa harap ng pinto ng kanyang kuwarto. Hindi niya alam kung paano siya naiakyat ng dalawa sa hagdan habang nagpupumiglas habang buhat ng mga ito. "Pumasok ka na, bro. Naghihintay sa 'yo sa loob ang magandang regalo," wika ni Darren at bahagya pa siyang itinulak palapit sa pinto. "f**k you!" hindi napigilang mura ni Matthew dahil hindi niya gusto ang plano ng kambal. Narinig niya ang mahinang pagtawa ng dalawa sa pagmumura niya. "Huwag mo nang pigilan ang sarili mo dahil ikaw lang din ang mahihirapan. Ilang oras ang epekto niyan at hindi 'yan basta nawawala. Tested and proven na naming dalawa ang epekto niyan," wika ni Warren kaya hindi na niya napigilan ang sariling sikuhin ito na tumama sa tiyan nito. Pero sa halip na indahin at masaktan ay tinawanan lang siya ni Warren. "Kapag nagalit sa akin si Thalia matapos ang gabing ito, hinding-hindi ko kayo mapapatawad," banta ni Matthew sa dalawa bago binuksan ang pinto ng kanyang kuwarto dahil hindi rin naman siya hahayaang makawala nina Warren at Darren. Maliwanag ang loob ng kuwarto dahil nakabukas doon ang ilaw kaya agad niyang nasilayan si Thalia na natutulog sa ibabaw ng kanyang kama. At tila lalong sumiklab ang init na nararamdaman niya nang masilayan niya ang dalaga na ikinamura niya. "f**k! Hindi ko kayang magkasala sa kanya," wika ni Matthew bago tumalikod para sana lumabas sa kuwarto pero itinulak siya papasok ng kambal at isinarado ang pinto. Napaupo pa siya sa sahig dahil sa pagtulak ng dalawa. "Enjoy your night, bro! Happy birthday ulit!" dinig niyang wika ng isa sa kambal sa labas ng pinto. "Palabasin n'yo ako rito! Malilintikan kayo sa aking dalawa oras na makalabas ako rito!" wika ni Matthew habang pilit na binubuksan ang pinto pero hindi niya 'yon mabuksan. Sigurado siyang may ginawa ang dalawa sa labas para hindi niya 'yon mabuksan. "Matthew? Anong nangyayari?" Natigilan si Matthew sa pagpupumilit na mabuksan ang pinto nang marinig ang boses ni Thalia. Muli siyang napamura dahil kasalanan niya kung bakit nagising ang dalaga. "Ayos ka lang ba? Bakit nariyan ka sa pinto?" muling tanong nito at sa pagkakataong iyon ay malapit na ang boses ni Thalia dahilan para mabilis siyang humarap sa kinaroroonan nito. Napasandal siya sa pinto nang makitang isang dipa na lang ang pagitan nila ni Thalia. Fuck! Bakit pa ito umalis sa kama? "H-Huwag kang lalapit!" pigil ni Matthew sa dalaga nang makitang humakbang ito palapit sa kanya. "Pakiusap, lumayo ka..." dagdag pa niya na ikinakunot ng noo nito. "Bakit? May problema ba? Ayaw mo na rin ba sa akin?" malungkot na tanong nito dahilan para matigilan si Matthew. Kita niya ang lungkot sa mga mata ni Thalia habang nakatingin sa kanya. At parang may ilang libong karayom ang tumusok sa puso niya nang makita ang pagkislap ng mga mata ng dalaga dahil sa nagbabadyang luha. Hindi sinasadyang nasaktan niya ang damdamin nito. "Hindi ganoon, baby. Huwag kang umiyak, pakiusap..." mahinahong wika ni Matthew bago nilapitan ang dalaga at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Pero gusto agad pagsisihan ni Matthew ang ginawang paglapit kay Thalia dahil lalong nag-init ang pakiramdam niya nang magdikit ang mga katawan nila at nang malanghap niya ang mabangong amoy nito. Oh, God! Parang napapasong lumayo si Matthew kay Thalia bago niya pinilit na maglakad patungo sa banyo para magbabad sa malamig na tubig para kahit papaano ay mabawasan ang init na nararadaman niya. Kahit pagewang-gewang at hindi diretso ang lakad dahil sa kalasingan ay pinilit niyang makarating sa banyo at nakahinga si Matthew nang maluwag nang magtagumpay siya. Binuksan niya ang shower at ini-adjust sa malamig ang temperatura niyon bago siya tumapat sa ilalim niyon at hinayaang bumuhos sa katawan ang parang nagyeyelong tubig dahil sa kalamigan. "It feels so f*****g good..." anas ni Matthew habang dinadama ang malamig na tubig sa katawan niya, kahit papaano ay nakatulong iyon para kumalma ang kanyang pkiramdam. Pero tila nawalan ng epekto iyon nang bigla niyang narinig ang boses ni Thalia. Doon lang niya na-realize na hindi pala niya naisarado ang pinto ng banyo dahil sa pagmamadali. "Ayos ka lang ba?" tanong nito na mariin niyang ikinapikit. Fuck! Bakit pa ito sumunod? Lumalayo na nga siya sa tukso tapos tukso naman ang pilit na lumalapit sa kanya. Bahala na kung anong mangyari sa pagitan nila ni Thalia, dahil sa pagkakataong iyon ay hindi na niya kayang pigilan ang init na lumulukob sa buong pagkatao niya. I'm sorry, baby...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD