Chapter 2

2992 Words
Just another lousy day. Kelly sighed and sat up. Buong hapon yata siyang nasa yati lang at walang ginawa kundi matulog. Natatawa nga siya sa sarili niya eh, ang isang kagaya niyang socialite nandirito ngayon sa dagat. Lumayo kasi siya sa syudad matapos siyang hindi sipotin ng kanyang groom sa araw ng kanilang kasal. Umiwas lang kasi siya sa intriga at sa mga taong chismosa. Babalik rin naman siya sa kanilang tahanan in a few months kapag matahimik na ang isyu tungkol sa di natuloy na kasal niya. Nandidito kasi siya sa beach house ng ama. Okay, she admit it, she was hiding from the crowd. Nagsimula na ring lumubog ang araw. Not quite sunset, pero kung gusto mong magbabad sa dagat para magpa tan sa balat, hindi na ito ang tamang oras dahil palubog na nga ang araw. Yet, she didn't feel like going inside, though. Siguro ang maglakad-lakad muna sa pier ang pinakamagandang ideya. She pulled a T-shirt on over her skimpy bikini at bumaba na siya sa yati. Napaigtad na lamang siya ng marinig niya ang malakas na kalabog mula sa deck ng yati. Nagtataka siya kung ano yon dahil wala namang ibang tao ron bukod sa kanya. Ngunit natulala siya ng biglang sumulpot ang matangkad na lalaki at nagmamadali ito papunta sa kinaroroonan niya. Una niyang napansin ang malapad na mga balikat nito at ang suot nitong itim mula ulo hanggang paa. May dala-dala rin itong itim na duffel bag. Mesmerizing man ang anyo ng estranghero bagamat nararamdaman niyang may dala itong panganib. Biglang lumingon ang lalaki mula sa likuran nito at sinundan naman ng mga mata niya ang paglingon nito. Dios mio, may tatlong maangas na lalaki pala ang nakasunod nito at..OMG! May mga dala itong matataas na kalibre ng baril. Awtomatiko namang pumasok siya sa nakabukas na cockpit ng yati at hinanap niya yong susi. But where in heck had she put them? Dito lang kasi niya iyon inilagay. In a cup holder. She dived for them, at nanalangin siya na makita sana niya ang tamang susi. Nang mapasakamay na niya ang susi ay agad niya itong ipinasok sa ignition. Pero palpak! Hindi iyon ang tamang susi kaya kinailangan niyang maghanap ulit. Bang!  Bang! Naku! ano ang tunog na yon? Kung anuman yon, hindi maganda sa pandinig niya ang tunog na yon. Bigla naman niyang naalala na ang susing hawak pala niya ay susi ng 700 horsepower speed boat . Dali-dali naman siyang bumaba sa yati at pinuntahan ang kinaroroonan ng speed boat. Nang marating na niya ang speed boat, namalayan nalang niya na sinusundan pala siya ng lalaking may dala-dalang duffel bag. At hayan na, papalapit na nga ito sa kanya. Kailangang hindi siya maabotan nito. Pinaandar na niya ang makina ng speed boat and yanked hard on the steering wheel. The boat pivoted around practically in place, and the rear hull digging deep into the water. Natulala naman si Kelly nang biglang sumabog ang yati. Parang nayanig ang mundo niya, ang kanilang yati ay panggatong na. "Go!" sigaw sa kanya ng lalaki. Hindi pa rin siya umimik, nakatingin pa rin siya sa gawi ng sumasabog na yati. Napasigaw ulit ang lalaki. "Hoy babae, tara na! Kung tumunganga ka lang diyan pareho tayong mamamatay!" Whaaat? May gana pa ang kumag na ito na utosan siya. Pero mamamatay sila pareho? Bumalik sa tamang wisyo si Kelly sa sinabi nito. Pinatakbo na niya ang speed boat papalayo sa port. Napasulyap naman siya sa lalaki na ngayon ay tumatabi sa kanya. Kayumanggi ang balat nito na halatang nagbibilad sa araw. Napansin rin niya na punit ang kaliwang manggas nito. At nanlaki nalang ang mga mata niya ng makitang duguan pala ang kaliwang braso nito. Holy cow! "Sino ka ba?" she shouted over the roar of the engine. She sincerely hoped that this man was the good guy kahit pa hinahabol ito ng mga lalaki. Dahil kung hindi, patay siya. Sila lang dalawa ng lalaki sa malawak na karagatan. Heck, kahit pa mabuting tao ito, she could very well be in deep trouble. Napatitig ito sa kanya. Their gazes locked and time stopped for an instant. Wow! Ang ganda naman ng pares ng mga mata nito, nakakahipnotismo. Pulis kaya ito o p****r? Uso pa naman ngayon sa Pilipinas ang vigilant killing. Pero hindi naman ito mukhang p****r. A distant roar behind them sounded like another speed boat. "Nasundan nila tayo." His voice was raspy and sent an involuntary shiver down her spine. Lumingon naman siya mula sa likuran ng speed boat. May humahabol nga sa kanila na ibang speed boat. "Sino sila?" sigaw niya. "Hired killers." balik na sigaw nito. Terror rushed over her, malapit na pala sa kanila si kamatayan. Nagsimula ng manlambot ang kanyang mga tuhod at anumang oras parang gusto na lamang niyang tumalon sa dagat, baka makaligtas pa siya. "Maabotan kaya nila tayo?" tanong sa kanya ng lalaki. She took a closer look at the boat pursuing them. "Nope. This boat runs out around eighty-five miles per hour. That one will push a hundred." Mataman naman siyang tinitigan ng lalaki. Na hindi mo mabasa ang emosyon sa mukha nito. And that scared her worst of all. "So kung ganon, labanan natin sila." Whaaat? labanan ang mga hunghang na yon? Parang nawala na naman siya sa kanyang sarili. "Gaano ka ba kagaling magpatakbo ng speed boat?" untag nito sa kanya. She answered without even thinking. Basta ang alam lang niya na magaling siyang lumangoy at magpatakbo ng speed boat. "Magaling na Magaling." pagmamalaki pa niya. "Pwes, lalapit tayo ng konti sa sumusunod satin na speed boat para makakuha ako ng perfect shot." "Lalapit tayo sa kanila? Intentionally?" bigla siyang nahintakotan. "Oo, para paputokan ko ang mga kumag na yon." pag ulit pa nito. Paputokan? As in, may dalang baril ang lalaking ito? Waaah! Malapit na talaga ang katapusan niya. Nanginginig ang buong kalamnan niya sa naiisip. "Damn," biglang sambit ng kanyang pasahero. "Parang sila yata ang unang makapagpaputok satin." Hindi niya makuhang sumagot, nabulol na yata siya. But then her passenger reached into his duffel bag at nilabas niya yong parang machine gun. Oh My! Machine gun nga. "Turn right!" Mando nito. Kelly yanked the wheel, and the nimble boat whipped around so hard that it made her neck hurt. Medyo nakalapit na sila sa isang speed boat. At bigla nalang niyang narinig ang nakakabingi na pagsabog. Her passenger had fired his machine gun at the other boat! Sinuklian rin naman sila ng paputok sa mga kalaban. Hanggang sa magpalitan na ang mga ito ng bala sa gitna ng malawak na karagatan. "Ilapit mo pa ako sa kanila ng konti!" sigaw ng lalaki." Nagpapanicked na ang braincells niya, wala rin naman siyang kasigurohan na kung hindi niya susundin ang lalaki ay mamamatay rin naman siya, dalawang speed boat kaya ang humahabol sa kanila. The black boat slowed abruptly and turned hard to face them. It engines roared a challenge. Naku! Head-on ang mangyayari kapag magkabangga ang speed boat na minamaneho niya at ng kalaban. Isa pa mas malaki ang speed boat ng mga ito, so it would eat them alive. Kailangan niyang maging mautak sa sitwasyong ito. She had to use her agile boat and tighter turn radius to her advantage. Keep speed out of the mix altogether. The other boat accelerated. Coming straight at them. Parang kalmado lang naman ang pasahero niya, he just steady himself and his weapon. Samantalang siya abot-abot na ang kaba, eh mukhang babanggain na nga ng kalaban ang sinasakyan nilang speed boat. "Hoy lalaki! Don't get too comfortable." tawag niya rito. "I'm going to turn hard right just in front of them and you'll get a better shot to your left." Tiningnan lang siya ng lalaki na parang nanunukso. Tas napapangisi lang ito sa kanya. Ang walang modo! Pero infairness, pang close-up commercial ang mga ngipin nito, maputi kasi at pantay-pantay. Pero biglang nawala ang mga ngiti nito..Teka nasaan na ba yong walang modo niyang pasahero? Matagal kaya siyang natulala kaya ito nawala sa paningin niya? The distance between the two boats closed shockingly fast. She made out the face of the other boat's driver, tumayo ang isang lalaki mula sa kalabang speed boat at may..juice na mahabagin! May Dala rin itong machine gun at nakatutok ito sa direksyon nila. Hindi nakatingin sa kanya ang kalaban at parang may hinahanap ito. Siguro ang lalaking pasahero niya ang talagang target nito, pero gayunpaman madadamay pa rin siya. The enemies boat's engines roared even louder. Obviously the other driver expected to make a straight head-on. Baka mga suicide bomber ang mga ito at damay-damay na. Kaya mukhang ibabangga ng mga kalaban ang speed boat nila sa minamaneho niyang speed boat. Naku! Headline na talaga sila nito bukas. Just a few more seconds at magiging espirito na siya kung hindi niya maiwasan ang babangga sa kanila na speed boat. She immediately yanked off the throttles and whipped the steering wheel over to the right, standing her speed boat practically on her starboard side. As the port propeller came back down in water, Kelly jammed in the power. The boat leaped forward, giving her passenger a great look at the enemy's boat. Waaah!! Muntik na ! Muntik na talaga silang maging pulbos sa gitna ng dagat kung hindi pa siya nakaiwas sa posibleng pagkabangga ng dalawang speed boat. Kaya ito malaking buhay pa sila ng kanyang pasahero na kanina pa pala nakadapa sa likod ng gas tank. Aba eh, hindi lang siya ginawang driver sa bruho kundi ginawa pa siyang pain sa mga kalaban. Nang mapansin ninyang mukhang mag se-second try out yata ang mga kalaban sa pagbangga sa kanilang speed boat ay doon lamang siya napasigaw ng todo sa lalaking pasahero. "Barilin mo na sila, now na!" Tumayo na ang kanyang pasahero at pinaputokan ng sunod-sunod ang mga kalaban. The crackling sound of bullets ripping into fiberglass pepperred in the air. Ang isang kalaban naman na gunman ay nakasukli pa sa kanila ng paputok. Awtomatiko namang silang dalawa na nakadapa. Kung iisipin lang niya, para talaga silang nasa James Bond movie. Pero hindi eh, higit pa pa siguro sa mga action movies ang dinanas niya ngayon, kasi hindi talaga biro ang kasali ka sa ganitong bakbakan. Sumugod ulit sa kanila ang kalaban, and the chase was on again. Mabuti pang magpatakbo nalang siya ng mabilis kaysa naman mamatay talaga siya sa nerbyos kapag makipagsuklian na ng mga bala ang kanyang pasahero. "Hang on," she warned her passenger. "We're about to zig right and hope they zags left." Sinimulan na niyang magpatakbo ng pa zigzag para malito ang mga kalaban. In a matter of seconds, mukhang effective naman. Dahil medyo napapalayo sila ng konting distansya sa mga kalaban. Kaya lang tumayo ang kanyang pasahero mula sa passenger seat at lumipat ito sa likuran, ipinwesto ulit ang armas at pinaputokan na naman ang mga kalaban. "Dumapa ka nga diyan, Mister." mando niya rito. But he didn't acknowledge her instruction. Tsk, tigas talaga ng ulo. Nakalapit na naman sa speed boat nila ang mga kalaban. Nagpaputok ang mga ito dahilan sa pagkabasag ng kanilang fiberglass. Napatili siya ng malakas. "Dapa!" sigaw ng kanyang pasahero. Dumapa siya sa sahig at naririnig na naman niya ang mga nakakabinging tunog. Parang sila naman ngayon ang pinaulanan ng mga bala. Uh-oh, not good. Pero kailangan niyang magpatuloy sa pagmamaneho dahil kung hindi ma co-corner talaga sila ng mga kalaban. Lakas loob siyang gumapang pabalik sa manibela. Napalingon na lamang siya nang marinig niya ang malakas na pagsabog. She looked over her shoulder. Ang isang speed boat na humahabol sa kanila, nanggatong na. Ang black boat naman ay huminto na rin sa paghabol sa kanila. Hindi na kasi niya nakitang sumusunod ito o dahil lang siguro hindi niya ito makita. Nababalot kasi ngayon ng maitim na usok ang karagatan sa pagsabog sa kasamahang speed boat ng kalaban. They raced onward for another two minutes or so, patungo sa pinakamalapit na isla roon. "Hihinaan ko na ang pagpapatakbo ha, parang malapit ng bumigay itong speed boat." sabi niya sa kanyang pasahero. Lagot talaga siya sa kanyang daddy nito, alam niyang milyones kasi ang halaga nitong sasakyang pandagat na to. At hindi lang yan, mas may sentimental value itong speed boat sa kanyang daddy kaysa naman don sa kanilang yati. "Gawin mo." rinig niyang sagot ng kanyang antipatikong pasahero. Bumalik ulit sa katahimikan ang karagatan, at parang naninibago pa siya sa katahimikang iyon. "Hawakan mo muna itong manibela oh, titingnan ko lang saglit ang makina nitong speed boat." She stepped out of the cockpit and balancing carefully, then she made her way out onto the forward hull. Yumuko siya para suriin isa-isa ang mga na damage. May mga tama ng bala, pero buti nalang hindi masyadong halata kung hindi mo talaga titigan. Thank God, baka pwede pa siyang makalusot sa ama nito. "Kumusta ang speed boat?" Gosh! Wala ba itong paki sa kanya? eh sa barko lang ito nangungumusta. "Fine." maktol na sagot niya. Nang pabalik na siya sa cockpit ay muntikan na siyang matumba, kaya naman to the rescue sa kanya ang lalaki. He offered her a hand as she stepped over the windshield. Their palms met, halatang malaki ang kamay nito at hindi malambot. Hindi yong tipo na makikilig ka kapag may humawak sa kamay mo na isang lalaki. Salamat nalang. Pero ang mokong hindi pa siya binitiwan. Ano bang hinihintay nito, susunod na pasko para lang bitiwan siya nito. Napatikhim na lamang siya. "Konting gasgas lang naman ang sinapit ng speed boat. Naalala ko na, bulletproof pala itong speed boat na sadyang pinagawa ng aking ama." Napataas ang kilay ng kanyang pasahero. "A bulletproof boat?" "Sort of." aniya at naalala niya bigla ang katauhan ng lalaki. "Sino ka ba? At sino yong mga lalaking humahabol sayo?" "Hindi na mahalaga yon. Ang importante ngayon na mababayaran ng employer ko kung ano man ang nasira ko sa barko mo." "Not to worry. Kung makaka afford ang tao na bumili ng sasakyang pandagat na kagaya nito, mas lalong makaka afford siya sa pagpapaayos nito." Medyo may pagkapilosopo man ang sagot niya, pero mas wala namang kabayaran ang matinding kaba na dinanas niya ng dahil sa lalaking ito. At isa pa, wala na ang mga kalaban pero nakasabit pa rin hanggang ngayon ang mga bala ng machine gun sa katawan nito. Para lang itong si Stallone sa movie na Rambo. Yon ang na i-imagine niya tuloy.  Nag iwas na lamang siya ng tingin sa high-powered na armas. Sa halip ay nagbilang na lamang siya sa kanyang mga daliri. "Boat chase, check. Gun battle, check. Narrow escape, check. Anong susunod sa agenda mo, Mister?" pahiwatig niya sa lalaki, at idiniin ang pagtawag nito ng Ginoo. He hesitated just an instant too long, pero nagpakilala rin ito sa wakas. "Vin Alcaraz." Napakalimit nitong magsalita, pero okay lang, nakaka relate din naman siya. Hindi rin kasi niya ibinigay ang pangalan niya. At wala siyang plano na ibigay iyon sa lalaking unfortunate niyang nakilala. Ito naman talaga ang layunin niya sa pagpunta sa beach house ng ama. Ang walang sinumang makakilala sa kanya. Pero naisip niyang napaka unfair naman kung hindi siya magpakilala nito kahit pangalan lang niya. "Ako si Kelly--" she hesitated. Imbis na ibigay niya ang tanyag na apelyido dahil sa eskandalo, she mentioned her middle name instead. "Ako si Kelly Fortuna." "Siyangapala, saan ba kita ihahatid?" He snorted. "Kahit saan, basta huwag mulang akong ibabalik doon. Pwedeng diyan na lang sa pinakamalapit na isla ako bababa." Parang don na rin ang punta niya, mahigit isang oras kasi ang pagpapatakbo nila sa speed boat, so malamang malapit na siyang mauubosan ng gas. "Napatay mo ba lahat ang iyong mga kalaban?" walang kagatol-gatol na tanong niya. Napakibit-balikat lang ito. "Nakamamatay talaga ang bala ng machine gun, pero syempre hindi natin alam, hindi natin sila isa-isang sinuri eh. Kaya hindi ko ma kumpirma sayo kung patay na nga sila." Hanep! Parang wala lang yata sa lalaki ang traumatic na dinanas nila sa mga gonggong na yon. Eh parang lumugwa na nga ang dibdib niya sa kaba sa mga sandaling nakipagbakbakan ito sa laot. "Makakaabot pa kaya ang gas nitong speed boat mo sa pinakamalapit na isla rito?" seryosong tanong ng lalaki. Hmm..bigla ata itong naging seryoso. Mood swing lang ang peg. Tiningnan naman niya ang fuel gauges. "May alam ka ba na pinakamalapit na isla dito?" Pero nagkibit-balikat lang ulit ito. "Ang alam ko ito ang plan C, pero hindi ko alam kung saan ako patutungo. Salamat pala sa tulong mo." "Walang anuman. Makaka assure ba ako na mabuting tao ka?" "I am." Yon lang? No further explanation? No further identification? Hindi ba ito magpapaliwanag sa kanya kung bakit hinahabol siya ng mga armadong lalaki? "Yong mga humahabol sayo?" "Mga bad guy sila." para lang itong sumagot sa isang bata. Napakatipid namang magsalita ng lalaking ito. Paano niya paniniwalaan ito? Eh hindi naman siya kumbinsido sa sagot nito. Hindi kaya..hindi kaya mamatay tao rin ito..Baka naman may saltik ito sa utak at sa kanya na itututok ang nakasabit na machine gun nito. Heck, she needed to get on the radio and call the Philippine Coast Guard. Palihim naman niyang inabot ang hand-held radio nang hulihin ng lalaki ang kamay niya. His grip wasn't painful, kaya lang sobra itong higpit. "Anong gagawin mo?" mahina pero mabagsik ang tono ng boses nito. Bigla naman siyang nakaramdam ng takot sa lalaki. "Tatawag ako ng Coast Guard." "Wag." "Pero--" "Hindi mo alam kung anong kinasasangkutan mo ngayon. Wag kang tumawag ng mga awtoridad kung ayaw mong madamay ang mga inosenteng tao." "Pero papatayin tayo ng mga taong yon." "Nakapanlaban naman tayo." "Yon ba ang pinagmamalaki mo, huh?" "Oo. At ayaw kong malaman pa ito ng mga pulis. Hindi ko pwedeng idetalye sayo ang lahat, pero kailangan mong magtiwala sakin." Magtiwala sa kanya? Of course not. Sino ba siya sa inakala niya ha? "Ipangako mo sakin na hindi ka ko-contact sa mga pulis. Kung ayaw mong bihagin kita." "Bi-bihagin mo ko'?" He held up his hand through the air. "Mangako ka nalang." Namilog lang ang mga mata niyang nakatitig sa lalaki. Pero dapat lang na mag maingat siya sa mga titig ng lalaki sa kanya. Nakakawala kasi sa katinuan ang mga titig nito. "Ano na?" untag sa kanya ng lalaki. "Mamili ka lang, gagawin ko ba itong madali o mahirap para sayo?" *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD