Chapter 3

1923 Words
Nanlaki ang mga mata ni Kelly sa pahayag ng lalaki. Kung pwede nga lang na sabihan niya ito ng 'get lost' ay kanina pa. Ngunit mas malaking tao ito kaysa sa kanya, at mas malakas kumpara sa kanya, at walang duda na mabagsik ito. Idagdag pa ang nakapulupot na machine gun sa katawan nito. "Hindi ako tatawag ng pulis pag ibaba mo lang yan ang nakasabit mong armas." pagtataray niya. He stared intently at her for a moment more, na para bang nanunuri ito sa kanya. "Fair enough." sabi nito, tas nilampasan siya ng lalaki at pinulot ang kanyang duffel bag. Napansin naman niya na napangiwi ang lalaki nang dumaan ito sa harapan niya. "Ayos ka lang?" she asked in quick concern. Nangangamba kasi siya na baka may dinaramdam na sakit ang lalaki at bigla nalang itong mahimatay. Pano nalang kung babalikan siya ng mga bad guy? Eh di wala ng magtatanggol sa kanya kung mahimatay man ang lalaking ito. "Yeah, malayo sa bituka itong tama ko. Lilinisin ko to mamaya pag masiguro ko ng ligtas na tayo." "Mukhang masama yang tama mo." Tiningnan naman nito ang natamaang braso. "Nah, daplis lang ito. Hindi pa naman nakikita ang buto ko. Ayos lang talaga ako." Alam niyang hindi maayos ang kalagayan ng lalaki, nakita kasi niya ang pagngiwi nito kanina. Hindi naman niya nilubayan ng titig ang lalaki habang tinanggal nito ang nakapulupot na armas at ipinasok ulit ito sa pinaglagyang bag. Thank God. Being in the presence of that giant weapon made her too nervous to function rationally. Not to mention, na makalaglag panga ang lalaking ito dahilan sa pag init ng kanyang katawan kahit pa malamig at mahangin ang kanilang atmosphere. "Kilala ko na ang pangalan mo, pero sino ka ba talaga?" nanunuring tanong niya. "Bisaya ako." "I can tell you're bisaya from your accent. Pero sino ka ba talaga?" Natahimik ito. Nag-abot ang mga kilay, pero parang binalewala lang nito ang tanong niya. O baka ayaw lang talaga nitong sagotin ang katanungan niya. Wala talagang modo, wala man lang siyang nakuhang sagot maski sabihin nalang nito kung bakit siya isinangkot sa gulong pinasok nito. My goodness! Kung maari nga lang niya isatinig sa lalaki ang galit at pagkairita niya, pero minabuti niyang wag nalang baka itapon pa siya nito sa dagat at ipakain sa mga pating. "Pero sino nga yong mga humahabol sayo?" Ngunit, kibit sa balikat lang ang tanging sagot nito. Hanep talaga ang isang to, para lang siyang nakipag-usap sa pipi. Pero kung makatingin naman ito sa kanya parang tagos sa buto. At dahil umandar na naman ang pagiging utsosera niya kaya bahala na kung makukulitan man ang lalaki sa mga tanong niya. "Gusto ka bang patayin ng mga lalaking iyon?" Nakita niyang iritado na ang mukha ng lalaki sa mga tanong niya. Pero ano naman ang ikairita nito? Eh siya pa nga ang isinangkot sa gulo nito. At dahil nairita na rin siya sa lalaki kaya niya nasabi ito. "Gusto kong bumaba ka na sa barko ko. Ngayon na." "Inaasahan ko na yan." sagot nito. Ang kumag, hindi man lang natinag sa sinabi niya. "Seryoso ako." Napalibot naman ang paningin nito sa malawak na karagatan. "Gusto mong tumalon ako mula dito sa speed boat?" "Oo, at ayaw ko ng tumuntong ka pa sa barkong ito." Dammit, napangisi lang ito sa kanya. Ang killer ng smile na makapaglambot talaga ng tuhod ng isang dilag. Oh, ang laway mo Kelly, tumutulo na. Bigla namang napalis ang ngiti sa mga labi nito at napalitan ito ng seryosong mukha. Naku! Nakaka intimidate pala pag ganon siya. Pero hindi naman ito mukhang galit o nairita. Nanahimik na naman bigla ito. "Shark infested ang parte ng dagat dito." sabi nito sa wakas. Yan nga ang gusto niya, para pagtalon nito, pagpipyestahan ito ng mga pating. Ngunit, napabuntong-hininga na lamang siya at hinarap ang lalaki. "Hindi ko pa nabasa ang history sa lugar na to, kung totoo nga bang shark infested ang dagat dito. Pero ayaw ko ng makasama ka. Please go. Mukhang malinaw naman ang dagat dito at mukhang walang mga pating na nag-aaligid." Napabuntong-hininga rin ang lalaki at malumanay siyang sinagot. "I'm sorry. Pero hindi kita maaring iwan dito." "Hindi ka ba marunong lumangoy?" pag hamon niya sa lalaki. Mukhang nairita ulit ito. "Magaling akong lumangoy, Miss." angil nito. "Look. May problema tayo. Tingnan mo, may papalapit na bangka patungo sa direksyon natin at mukhang ikaw ang pinupunterya." "At bakit ko naman problemahin ang isang yan?" "Dahil baka ikaw naman ang target niyan." Napatawa lang siya ng pagak dahil hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ng lalaki. "Haller! Hindi ko nga kilala ang lalaking yan. At bakit naman niya ako papatayin?" Bigla namang hininaan ni Vin ang kanyang boses na halos bulong na. "Masama kasi ang kutob ko sa lalaking iyan. Tingnan mo, sayo lamang siya nakatingin." "Pwes, hindi ako takot sa kanya. Matapos kung maranasan ang makapigil-hiningang tagpo nong nakipagbakbakan ka sa laot." In an even gentler tone, he replied. "Pero hindi alam ng lalaki yan. Sa isang kalabit lang ng gatilyo niya, naku! lagot ka." Laglag ang panga niya sa sinabi nito. Sino naman ang magtatangka sa buhay niya? "Great. At bakit naman ako maniniwala sayo, aber?" "Actually, hiniram ko talaga itong speed boat kay Congressman Honoridez at pumayag siya. At wala naman siyang nabanggit na bukod sakin, may iba pa pala siyang pinahiram ng speed boat." "Hindi niya alam na nandito ako." "So ninakaw mo lang ang speed boat na ito?" untag ni Vin. "Of course not! Hindi ko lang ipinaalam sa ama ko na pupunta ako sa beach house namin." "Ama mo?" untag nito. She exhaled hard. "Yeah. My father. Ama ko si Rex Honoridez." Parang nagugulohan naman ang mukha ng lalaki. "Akala ko sinabi mo na Kelly Fortuna ang buong pangalan mo." "It is. Kelly Fortuna Homer ang buong pangalan ko." Nanahimik na naman bigla ang lalaki. Lagot na! Ito pa naman ang iniiwasan niya - ang intriga. Pero nasabi na niya sa lalaking ito ang totoong pangalan niya, naku! baka panibagong gulo na naman ang hatid nito. "Paano ka naging anak ni Congressman kung hindi Honoridez ang apelyido mo?" manghang tanong nito. "Anak ako sa labas ni Congressman. Ikaw anong buong pangalan mo?" she challenged. "Almavin ang totoong pangalan ko." pag amin pa nito. Hindi niya alam kung bakit napatawa siya sa pangalan nito, basta nalang ba siyang tumawa. "Pinangalanan ako sa lolo ko." defensive nitong sabi. "Ako rin sa lola ko." Sabay naman silang napatawa at ang kaninang tensyon sa pagitan nila ay bigla nalang naglaho. Then she sighed. "Since ikaw ang nagdala sakin sa sitwasyong ito, what do you suggest I do about it?" Natahimik ulit ito. Sa totoo lang, hindi naman talaga siya naniniwala sa sinabi ng lalaki na papatayin siya ng lalaking nakasakay ng bangka. Eh mangingisda kaya yon. Hayun nga nakita niya itong inihulog sa dagat ang dala nitong lambat. Kaya hinarap niya ulit ang feeling close na pasahero at sinabihan na, "Please leave." Nakita niyang napangiwi na naman ang lalaki as if in pain. "Ma'am, hindi ako nagbibiro. Papatayin ka talaga ng lalaking yan." "Hindi nga niya ako kilala." "Yan ang tingin mo, akala mo ba hindi wais ang mga kalaban? Pano kung alam nila kung sino ang nagmamay-ari ng barkong ito? Mawalang galang na ma'am, hindi ka ho low-profile na klase ng babae." "Low-profile?" pag ulit niya. Napakibit-balikat ito. "Yeah. Kilala po ng lipunan ang ama niyo, besides, mukha niyo palang pangmayaman na. Tas ang balat mo sobrang kinis--" he broke off. She got the idea kung ano nga ba ang ipinahihiwatig nito. Then she studied him, and he glared back. Nagkasukatan silang dalawa sa kanilang mga titig. What the heck was she supposed to do now? Magkunwari na hindi nangyari ang lahat ng ito at babalik na lamang siya sa beach house ng ama? Sa palagay niya, tinakot lang naman siya ng lalaki. Ayaw kasi nitong bumaba sa speed boat. Tuloyan na ngang lumubog ang araw at mag gagabi na. She got the distinct feeling that the man beside her was a creature of the dark. Kakatakot lang dahil baka bampira ito at bigla nalang siyang kagatin. Pero hindi naman ito mukhang katakot-takot. At ipinasok na rin nito ang dalang armas sa bag. Alam niyang may malapit na isla rito. Nakita niya ito nong isang araw sa mapa. Pero kinailangan pa rin niyang tumawag ng coast guard. If she signaled them for help, siguradong huhulihin nila ang lalaking ito at kakasuhan ng illegal position of firearms. Pero nangako siya sa lalaki na hindi tatawag ng pulis. Sabagay, hindi naman pulis ang tatawagin niya kundi coast guard. Ang kailangan lang niyang gawin ay ang pakalmahin ang lalaki para matiwasay silang makaabot sa isla at makakatawag na rin siya sa coast guard. Sinulyapan niya ang lalaki. He slouched in the passenger seat, ang gorgeous talaga nitong tingnan. Mukhang marami yatang babae na nagkandarapa na maikama nito. Napasandal ito sa leather na headrest. Ipinikit naman nito ang mga mata. For an instant, mukhang pagod talaga ito. Gumiwang naman siya ng konti at bigla nalang itong napadilat, naging alerto ito at mapanuri. Pati nga kabuuan niya ay hindi rin nito pinalagpas. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Hindi ka na ba nagpa-panic?" Napakurap-kurap siya at sarkastikong sinagot ang lalaki. "Why, yes, I'm perfectly fine. Thank you for asking. Okay naman ang panahon, okay na rin ang paglalayag natin." A rusty sound escaped him. It took her a moment to identify it. Parang tawa yon ah - mula sa isang lalaki na hindi naman madalas tumawa. "Jeez, humuhugot ka yata ah." saad nito. Keep him talking. Makipaglapit ka lang sa kanya, Kelly. Para naman walang gagawin na masama sayo ang lalaking ito. "Ano?" "Wala, ang sabi ko, nagpapasalamat ako dahil hanggang ngayon buhay pa ako." "Sino ba yong mga lalaki na gustong pumatay sayo?" Napakibit-balikat na naman ito. "Sila yong mga tao na gusto akong mabura sa mundo." "Mga kaaway mo ba sila?" He shot her a speculative look. "Ang hirap naman ng tanong mo. Kaya hindi ko alam ang sagot niyan." Sino naman kaya ang gustong magpapatay sa taong ito? Ano kaya ang trabahong pinasukan nito? "Hindi ka naman siguro drug dealer, ano? My God, I hate drugs." Pinakislot nito ang mukha. "Magtiwala ka sakin. Hindi ako magkakaganito kung drug dealer pa ako." "So, pano mo nakilala ang ama ko?" "Hindi ko siya personal na kilala." "Kung hindi ka niya kilala, bakit papahiramin ka niya nitong speed boat?" "Ang boss ko ang humingi ng pabor sa kanya. Pero hindi ko sasabihin sayo kung sino ang boss ko." "Alam ba ni daddy na gagamitin lang ninyo itong speed boat para makipaghabulan ng kalaban?" Vin's lips twitched. "Maari." "Ganon?" talagang nagulat siya sa sagot nito. Namayani naman ang katahimikan habang naghihintay siya sa paliwanag nito, pero ni isang salita walang namutawi sa bibig nito. "Surely you're exaggerating the threat to me. Ang problema lang hindi ko masyadong natatandaan ang mga mukha nong humahabol satin." "Matatandaan mo rin sila." "Paano?" "Pwede mong ma estimate ang kanilang height at weight. Ang kulay ng kanilang mga balat. Ang deskripsyon ng kanilang kasuotan. Kung pano sila tumakbo. Kung pano sila bumaril. At kung anong mga baril ang ginamit nila. Para kung sakali mang magsumbong ka sa mga pulis, may mailalarawan ka." Napapamura naman siya sa kanyang isip. Tama nga ito. Darn it. Gusto na talaga niyang magkaroon ng payapa at tahimik na buhay. Gusto na rin niyang mapag-isa.. Kalabisan kaya itong hinihingi niya kaya hindi niya ito makamit-kamit? She fiddled with GPS navigation system, checked for an island nearby, and made course correction to point more directly at the island and its coast guard contingent. Kailangang mawala na sa landas niya ang lalaking ito, at kung suswertehen siya, baka makikita na rin niya ang matagal na niyang hinahanap na paraiso. Umaasa nalang din siya na sana magbalik na ang dating tahimik at payapa niyang buhay. Kung suswertehan nga siya sa paglalakbay niyang ito. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD