Chapter 4
Jasmine
Tatlong buwan na lang ay ako na ang hahawak ng business namin at iyon ang pinakaayaw ko sa lahat dahil wala sa isip ko ang pagni-negosyo. Happy go lucky kasi ako palibhasa ay mayaman ang mga magulang ko at hindi ko naisipan na tumutok sa negosyo namin.
Ang gusto ko ay maging modelo pero ayaw naman nila Mommy at Daddy. Ayaw kasi nilang mapalayo ako sa kanila. Kasalukuyan akong na sa mansyon namin ngayon.
Tatlong araw na ang nakalipas nang mangyari ang aksidenteng nangyari sa condo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang guwapong lalaki na iyon na kahit galit ay ang guwapo pa rin ang mukha. Nasa hapag kainan kami nang biglang nagsalita si Daddy.
''Iha, ano na naman ang nabalitaan ko na makapagpalit ka ng boyfriend, eh, parang damit lang, ah!'' sermon sa akin ni Daddy na nakakunot ang noo.
Napahinto ako sa pag-inom ng gatas. ''Dad, wala po 'yon. Saka kahit na magpalit ako ng boyfriend ng ilang beses. Eh, hindi naman apektado ang mga grades ko at saka matanda na ako,'' sagot ko sa kaniya.
Lalong nandilim ang paningin ni Daddy sa sinabi ko.
''Jasmine! Hindi ka namin tinuruan ng Mommy mo para makipaglaro ng mga lalaki!'' galit niyang sabi sa akin.
Napasimangot na lang ako sa sermon ni Daddy. Habang si Mommy ay hinimas ang naman ang braso ni Daddy. Humingi na lang ako ng juice kay Ate Silvia, isa sa mga katulong sa mansion at naging yaya ko.
''Ate, pahingi ng juice. Palitan mo na lang ng juice itong gatas para lumamig naman ang paligid,'' utos ko at si Daddy ang pinaparinggan ko.
''Mamayang gabi umayos ka dahil ipakilala ka namin sa anak ng Tito Sam mo. Pupunta sila rito mamaya!'' galit na sabi ni Daddy sa akin.
''Okay, Dad!'' kibit balikat ko na lang na sang-ayon para wala na siyang maraming sasabihin. May magagawa pa ba ako sa gusto nila?
Tinapos ko ang pagkain na nasa plato at nagtungo sa loob ng kuwarto ko. Dito kasi ako nare-relax kapag senesermonan ako ni Daddy at Mommy. Umupo ako sa balcony ng aking silid at tinawagan si Janzel. Dapat ay may date kaming dalawa mamayang gabi pero ipagpabukas ko na lang. Dineial ko ang number nito at agad niya naman sinagot ang tawag ko.
''Hello, Babe?'' sagot ni Janzel sa kabilang linya.
''Uhm… Babe.''
Nag-isip muna ako ng bahagya kung paano ko sasabihin na hindi muna matuloy ang date namin.
''Babe?'' tanong niya ulit sa malambing na boses nang hindi ako nagsalita.
''Babe, hindi tayo matuloy mamaya. Pwede bang bukas na lang tayo mag-date?'' lambing kong tanong sa kaniya.
Narinig ko ang malalim niyang pagbuntonghininga sa kabilang linya.
''Okay, Babe. Don't worry susunduin na lang kita bukas sa condo mo para ako na maghatid sa'yo sa paaralan mo, kung ayos lang sa’yo?" tanong niya sa baretonong boses.
"That's great idea, Babe. See you tomorrow, bye,'' paalam ko saka pinatay ko na ang cellphone. Maya-maya ay nahiga na ako sa aking kama hanggang sa nakatulog na ako.
---------
Mike
Dalawang araw ako na nasa mansion namin. Nakaramdam ako ng gutom, kaya bumaba na lang ako. Naabutan ko si Yaya Lourdes sa kusina na naghuhugas ng plato.
''Good morning, Iho,'' bati niya sa akin.
''Good morning, Yaya.''
Parang ito na ‘yong pangalawa kong magulang dahil ito ang nag-aalaga sa'kin noong bata pa ako kapag may trabaho sina Mommy at Daddy.
Umupo ako sa silya. "Nasaan sina Mommy at Daddy, Yaya?" tanong ko sa kaniya.
"Nasa hardin sila, Iho, nagkakape," sagot ni yaya habang pinaghahandaan na rin ako ng kape.
Nang matapos niyang timplahin ang kape ko ay inilapag niya na ito sa lamesa. Tumayo ako para pumunta sa hardin bitbit ang tasa na may kape.
Naabutan ko na nakayakap si Daddy sa likuran ni Mommy. Nakatanaw sila sa mga hardin at para pa rin silang bagong kasal. Halata sa kanila na mahal na mahal nila ang isa't isa. Tumikhim muna ako bago nagsalita sa likuran nila.
"Baka langgamin na kayo, Mom, Dad, sa subra ninyong ka-sweet-an."
Umupo ako sa bakanting upuan sa harapan nila. Ngumiti naman sila pareho sa akin. Kumalas si Daddy sa pagyakap niya kay Mommy at sabay sila umupo sa dalawahang upuan na nasa harapan ko.
"Gising ka na pala, Iho,'' bati ni Daddy.
"Yes, Dad. Wala pa rin kayong pinagbago, Dad. Ang sweet niyo pa rin kay Mommy. Baka mamaya masundan na ako niyan,'' panunukso ko sa kanilang dalawa ni Mommy.
Natawa naman silang dalawa sa sinabi ko. ''Eh, ikaw? Kailan mo ba balak mag-asawa?'' baling sa akin ni Mommy. Hindi lingid sa kanila ang relasyon namin ni Cathy. Uminom muna ako ng kape saka ko sinagot ang tanong nila.
"Wala pa akong balak mag-asawa, Mom. Saka na 'yon kapag handa na ang babaeng pakakasalan ko," sagot ko kay Mommy.
"Eh, kailan ka pa mag-asawa? Kung kailan na hindi na namin makita ang magiging apo namin?'' seryosong sabi ni Daddy. ''Kailangan mag-asawa ka na, Iho, at matanda na kami ng Mommy mo. Ako ang maghahanap ng mapapangasawa mo,'' dugtong pa ni Daddy na sabi sa akin.
''Dad, hindi pa handa si Cathy. Ayaw ko magiging hadlang sa mga pangarap niya,'' nakakunot-noo kong sagot kay Daddy.
"Tama ang Daddy mo, Iho! Kailangan mag-asawa ka na. Kaya, kami na ang maghahanap ng mapapangasawa mo. At kung ayaw ng girlfriend mo mag-asawa, ngayon pa lang makipaghiwalay ka na sa kaniya,'' sabat naman ni Mommy at humiwalay ito sa pagkayakap ni Daddy.
''Oh! come on, Mom, Dad! Matanda na ako at malaya ako kung sino man ang gusto ko makasama habang buhay. At matagal na kami ni Cathy. And I love her, kaya ayaw ko makipaghiwalay sa kaniya,'' pagmamatigas kong saad sa kanila.
Pareho pa silang huminga ng malalim at pinanlakihan ako ng mga mata ni Mommy.
"Maghanda ka mamaya! Pupunta tayo sa mansion ni Tito mo Leo at Tita mo Anabel. Hinihintay ka nila roon,'' saad ni Daddy.
"Okay, Dad. May mga importanting bagay din akong sasabihin sa kanila tungkol sa kompanya,'' sang-ayon ko kay Daddy sabay lagok ko ng kape.
Malapit na kaibigan nila ang mag-asawa. Kahit nasa Amerika sila ay lagi silang nagsasama at nagpa-party doon. Kaya, hindi na rin iba sa akin sina Tito Leo at Tita Anabel. Balak ko rin talaga sila bisitahin at ibigay ang pasalubong ko para sa kanila. Kasosyo rin namin sila sa iba pa naming negosyo.
''Mabuti naman kung gano'n para makilala mo na rin ang anak nila,'' agad na tugon ni Mommy.
''Hindi ko nga akalain na may anak sila Tito at Tita,'' sabi ko at excited na rin ako makilala ito. Baka makasundo ko rin ito tulad ng mga magulang namin.
Hindi na ako nagtanong kung babae o lalaki ito pero ang pagka-kaalam ko ay lalaki ito. Tumalikod na sila Mommy at Daddy para pumasok sa loob. Tinapik lang ni Daddy ang balikat ko bago ito humakbang palayo sa akin.
Habang tinatanaw ko ang aking mga magulang papasok sa mansion ay tumunog ang aking cellphone. May hinihintay akong tawag mula kay Cathy. Dali-dali kong tiningnan ang cellphone ko. 'Yon pala si Reynald lang ang tumawag.
"What do you want?" naiinis kong tanong sa kaniya.
"Ops! Ang harsh mo naman, Dude!" Napatawa pa ito sa kabilang linya. "Hey! Gusto lang kita yayain mamaya mag-unwind sa labas," dugtong pa nitong sabi.
"Tsss... Busy ako may pupuntahan kami mamayang gabi nila Mommy at Daddy," tanggi ko sa kaniya.
"Saan kayo punta? Chix puntahan niyo?" pang-aasar nito sa akin.
"Baliw! Pupunta kami kina Tito Leo at Tita Anabel," seryosong sagot ko.
"Owww.. Okay, next time na lang tayo mag-unwind kung hindi ka na busy,'' aniya at pinatay ang cellphone. Napasinghot na lang ako at napapailing.
"Baliw talaga 'tong lalaking 'to. Puro chix na lang ang nasa isip,'' bulong ko sa sarili tumayo na lang ako at nagtungo ng banyo para mag-shower.