Episode 5

2447 Words
Episode 5 Chapter 5 Jasmine Naalimpungatan ako na may kumakalabit sa aking balikat, nakatulog kasi ako. "Ma'am Jasmine, gising na po kayo,’’ paggising sa akin ni Ate Silvia. Siya na ang naging pangalawa kong ina dahil bata pa lang ako ay siya na ang lagi kong kasama habang sina Mommy at Daddy ay nagta-trabaho noon sa Amerika. Bumangon ako ng upo at pakurap-kurap ng aking mga mata. "Ate, ano oras na ba?" mahina kong tanong sa kaniya at iniunat ko ang mga kamay ko. "Pasado alas sais ng hapon, Ma'am," sagot niya. Bigla ko nasapo ang aking noo dahil dito pala mag-dinner sina Tito Sam at Tita Joan kasama ang anak nila na galing Amerika. ‘’Bakit ngayon niyo lang ako ginising, Ate?'' maktol ko at dali-daling tumayo. Nagtungo ako sa banyo para mag-shower at lumabas na lang din si Ate Silvia na napakamot sa kaniyang ulo. Nang matapos ako mag-shower ay naghanap ako ng damit sa aking cabinet na puwede kong suutin. Nakita ko ang kulay red kong dress na sleeveless. Hapit na hapit ito sa aking katawan. Hindi ko alam kung dapat ko bang isuot iyon dahil parang nakakaasiwa tingnan. Pumili pa ako ng damit na puwede kong suotin. Gusto ko kasi ay maganda ako tingnan. Napapaisip ako kung ano ang mukha ng anak nila Tito Sam at Tita Joan? Hmmm… Siguro gwapo rin katulad ni Tito Sam. Napabuntong hininga na lang ako dahil wala na akong maisip na suotin. Kaya, ang isinuot ko ang isang blouse na off shoulder at labas ang pusod. Saka nag-short na lang ako ng maong na maiksi. Lantad na lantad ang mahaba kong hita at may design pa iyon na punit bandanag bulsa. "Okay, na siguro ito," bulong ko sa sarili sabay harap sa salamin at itinali ko ang aking buhok dahil gusto kong makita ang oval kong mukha. Naglagay lang ako ng kaunting lip gloss sa aking labi at light na eye shadow sa mata. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa magpatong ng make up. Eh, sina Tito lang naman ang bisita namin at saka 'yong anak niya. Masyado lang siguro ako nati-tense o excited na makilala ang anak nila. Matagal ko na rin kasi naririnig ang pangalan nito sa mga magulang ko at kina Tito at Tita. Bumalik tanaw ako sa nakaraan. "Ang ganda naman nitong anak mo, Pare." papuri pa ni Tito Sam sabay ginulo ang buhok ko sa ulo. "Eh, sa'n pa ba magmamana? Ede, sa ina!'' ngiti na sagot ni Mommy at nagtawanan sila. "Kaya, mas gusto ko na ito ang makatuluyan ni Mike, eh. Para magkaroon tayo ng mga magagandang apo," tawa ni Tito Sam. "Hay ,nako, Tito! Hindi ko nga po nakikita 'yang anak ninyo. At gusto ko kapag nag-asawa ako ay iyong mahal ako at mahal ko para masaya," kibit balikat kong sabi sa kaniya. "Ay, kumpadre kung ako lang ang masusunod mas gusto ko si Mike para sa anak namin," panunudyo naman ni Mommy. "Mom, nag-aaral pa ako, noh?" pairap kong sabi kay Mommy. "Wala ng katapusan ang pag-aaral mo, Iha. Kaya, kailangan tutukan mo na 'yong kurso mo. Ilang beses ka na nag-shift ng course?" sermon naman ni Daddy sa akin habang nagtawanan naman sina Tito at Tita. "Hayaan niyo na muna si Jasmine, kumpadre. Kapag nakapagtapos siya saka natin ayusin ang kasal nila ng anak namin na si Mike," nakangiti namang saad ni Tita Joan. Lalo naman silang nagtawanan. Kaya, nahiya tuloy ako at kinagat ko na lang ang ibaba kong labi. Bumalik ang ulirat ko nang may kumatok sa aking pintuan. "Come in!" utos ko. "Ma'am, nakabihis na raw po ba kayo? Nariyan na po ang mga bisita hinihintay na lang po kayo sa koredor," mahinahong sabi ni Ate Silvia. "Tapos na ako, Ate. Bababa na po ako." Tumayo na ako sa kama at lumabas sa aking kuwarto. Pagdating ko sa baba ay naririnig ko ang tawanan nila Tita at Tito nakaupo na silang lahat sa mesa. Nagawi ang tingin ko sa isang likod na malapad at ang buhok nito na medyo mahaba pamilyar ang likuran nito sa akin. Siguro ito na 'yong anak nila Tito at Tita. Narinig ko ang usapan nila. "Iho, kumusta na? Kailan ka pa dumating sa Pilipinas?" tanong ni Mommy. "Three day's ago na Tita," simple niyang sagot sa baretonong boses. "Buti naman at naisipan mo na rito na manirahan sa Pilipinas, Iho," sabat naman ni Daddy. ''Yes, Tito. Ayaw naman kasi nila Mommy na doon ako manirahan sa Amerika. Kaya, umuwi na lang ako rito para may kasama sila,'' sagot ng anak nila Tito Sam kay Daddy. Hindi nila ako nakikita dahil nakakubli ako sa may kurtina. ''Nasaan na pala ang anak ninyo, kumpadre?" tanong ni Tito Sam at bago pa sumagot si Daddy ay lumabas na ako sa pinagkublihan ko. "Ehemm.. I'm here, Tito. Good evening," bati ko sabay lapit sa kanila ni Tita Joan na katabi ang lalaki na 'di man lang lumingon sa akin. Humalik ako kina Tito at Tita bago naupo sa tabi ni Mommy na katabi naman ito ni Daddy. "Oww! Your so beautiful, Iha. 'Di ka pa rin nagbabago,'' papuri ni Tita Joan sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya ng matamis. Kumuha na ako ng pagkain nang biglang nagsalita si Daddy. ''Iha, si Mike, anak nila Tito at Tita mo.'' Napatingin ako sa lalaki na sentrong nakaharap sa akin. Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong pagkain sa gulat. Pati siya ay gulat rin na napatingin sa akin. Binaba ko ang hawak kong pagkain saka patay malisyang nginitian siya. Siya 'yong lalaking katabi nang unit ko ‘yong lalaking nakita ko na nakipag-s*x sa sofa sa isang babae. Hilaw kong nginitian siya at binati. '’Hi, I'm glad to meet you,'' sabay lahad ko ng aking kamay sa kaniya. Biglang kumabog ang dibdib ko na parang mga drum na nagtatambolan. "Iho, siya si Jasmine. Anak nila Tito mo Leo at Tita mo Anabel," pakilala naman ni Tita Joan. Saka inabot niya ang kamay ko at binitiwan agad. "Glad to meet you, too," malamig niyang tugon saka itinuon ang mata sa pagkain. Tipid naman akong ngumiti habang ang lahat ay abala sa pagsubo ng pagkain. Kumuha ako ng kaunting kanin at ulam. Panay sulyap ko sa anak nila Tito Sam at Tita Joan. May kung anong kiliti akong nararamdaman sa aking dibdib na parang kinikilig ako sa tuwing magtama ang mga mata namin. Uhmm... Mukha naman siyang suplado. Hindi siya tumitingin sa akin ng deretso. Siguro nahihiya lang siya dahil sa nakita kong eksina nila no'ng nakaraang gabi. Napangiti tuloy ako sabay subo ng pagkain. 'Di ko alam na napansin pala ni Mommy ang pagngiti ko. "Oh, Iha, napangiti ka riyan?" Umangat ng tingin si Mike at tumingin sa akin. Salubong ang mga kilay niya. Hindi ko alam kung naiinis siya sa akin o nagagalit. Tumikhim muna ako bago sumagot. "Wala, Mom. M-may naalala lang ako." Pilya akong ngumiti kay Mike, kaya lalo namang dumilim ang tingin niya sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at ibinaling ko ang atensyon ko sa pagkain. Natapos ang kainan na puro business na lang ang pinag-uusapan nila. Tahimik lang ako dahil hindi ako interesado sa pinag-usapan nila. Pagkatapos namin kumain ay nagtungo ako sa hardin. Nakatayo ako nang may biglang bumulong sa akin. "Anong klaseng pananamit iyan?" ani Mike na nasa likuran ko na pala at nakakunot ang noo nito na nakatingin sa akin. "Ito ang uso ngayon, kaya 'wag kang epal!" masungit kong sagot sa kaniya. Tiningnan niya lang ako ng matalim. "I know what was on your mind earlier," wika niya sa akin sa baretono niyang boses. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Owww! Really? Alam mo kung ano 'yon?" pang-iinsulto kong sabi sa kaniya. Tumawa siya ng pagak at itinaas ang tagilirang bahagi ng kaniyang labi. "Kung hindi ka naman kasi tanga! Bigla-bigla ka na lang pumapasok sa unit ng iba. Kaya, ayan may nakita ka tuloy na hindi kanais-nais," pang-uuyam niyang sabi sa akin na ang tinutukoy ay ang pagapasok ko sa unit niya mga nakaraang araw. Nahiya ako sa sinabi niya. Kaya, pakiramdam ko namula ang aking pisngi. "Hoy! Kung hindi ka rin kasi bobo bakit hindi mo ini-lock ang unit mo?" pang-iinsulto ko rin sabi sa kaniya. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at akmang magsasalita na sana siya nang dumating ang mga magulang namin. "Ano ang pinag-uusapan ninyo, hmm?" mapanuksong tanong ni Tita habang nakangiti sa amin. Hindi naman umimik si Mike. Tumingin lang ako sa kanila at ngumiti lang. May upuan sa hardin sa malaking puno na pang sampuan. Naupo kaming lahat roon dahil ang sarap ng simoy ng hangin malamig ang hangin at marami pang mga bituin sa langit. Nag-usap ulit sila Daddy, Tito, tungkol sa negosyo. "Kapag naka-graduate na si Jasmine siya na ang magiging kapalit sa posisyon ko," sabi ni Daddy. Nakatingin naman sa akin si Mike. Tumaas lang ang kilay ko at inirapan siya. "Dad, alam mo naman ayaw ko magtrabaho sa office," simangot kong sabi kay Daddy. "Eh, ano ang gusto mong gawin sa buhay mo? Tumatanda na kami ng Mommy mo, kaya kailangan pag-aralan mo na ang sistema ng mga negosyo natin," naiinis na wika ni Daddy sa akin. "Pero, Dad?" sasagot pa sana ako nang nagsalita ulit si Daddy. "Tingnan mo si Mike. Siya na ‘yong nag-aasikaso ng mga business nila Tito mo. Marami na siyang narating sa buhay. Kaya, dapat matoto ka na sa larangan ng negosyo. Pinaaral ka nga namin tungkol sa business para ikaw na humawak ng mga negosyo natin!" sermon ni Daddy. "Tama ang Daddy mo, Iha. Kailangan matoto ka na sa business dahil ikaw lang ang nag-iisang tagapagmana nila," sabat ni Tito Sam. Nakasimangot lang ako dahil ayaw ko sa iniutos nila sa akin. "Kung gusto mo, Iha, magpaturo ka kay Mike. Marami siyang alam sa paghawak ng negosyo." sabi naman ni Tita. Napatingin naman ako sa puwesto ni Mike. Ngumiti lang ito ng naka-kainsulto sa akin. saglit lang din nagseryoso na ang mukha. "Dapat ang negosyo natin ang pagtuunan mo ng pansin. Hindi 'yang mga walang kuwenta mong mga boyfriend. Kapag nakapagpalit ka ng boyfriend akala mo damit lang! Balita ko iba na naman ang boyfriend mo ngayon!" galit na sermon sa akin ni Daddy, kaya napasimangot na lang ako. "Dad, why are you saying that? Dito pa talaga sa harap nila, Tito?" maktol ko dahil nahihiya ako kay Mike baka isipin nito ang landi-landi ko. Napatingin ako sa gawi niya at nakita ko ang pagtaas ng kilay niya. Taas baba akong tinititigan na akala mo ay napakababaw ko na babae. Inirapan ko lang siya. "Mabuti pa siguro kumpadre ituloy natin ang mga plano natin noon," seryosong sabi ni Tito Sam. "Well, mabuti pa nga, kumpadre," sagot naman ni Daddy. Sina Mommy at Tita nagtinginan na lang at parang nagkakasundo rin sa kung ano mang plano ng mga asawa nila. "Anong plano, Dad?" sabay naming tanong ni Mike. Bahagya pa kami nagkatinginan at binalik namin ang mga tingin namin sa mga Daddy namin. "Magpakasal kayong dalawa," sagot ni Tito Sam na siyang ikinagulat ko. "What?” sabay naming bigkas ni Mike. "No, Dad! You know what the reason," matigas na tanggi ni Mike sa kaniyang Daddy. "Hala, Ayaw niya sa'kin?" natanong ko sa aking sarili. “Kung ito ba naman ang mapapangasawa ko ay oo na talaga ako. Hindi ako tatanggi at kokontra sa plano nila sa amin ni Mike. Haysss… Ano ba 'tong iniisip ko?" "Magpapakasal kayo sa ayaw at gusto mo, Mike. Pagkatapos ng graduation ni Jasmine ikakasal kayong dalawa!" determinadong sabi ni Tito Sam sa kaniya. Saka tumayo ito at nagpaalam na umuwi. "Pag-usapan ulit natin ang kasal nila kumpadre sa susunod na araw,’’ sabi pa ni Tito Sam kay Daddy. "Okay, Kumpadre. Ingat kayo sa pag-uwi," tugon ni Daddy at nagkamayan sila ni Tito Sam. Nagbuntong hininga muna si Mike bago nagpaalam sa mga magulang ko. Pero hindi man lang niya ako kinausap o tiningnan. "Alis na po kami, Tito Leo, Tita Anabel," paalam ni Mike sa mga magulang ko. “Ingat kayo,’ wika ni Mommy. Inihatid sila nila Mommy at Daddy sa gate. Pagkaalis nila ay plano ko na rin bumalik sa condo unit ko. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay at nagtungo sa aking silid. Inayos ko ang aking mga gamit. Bukas kasi ay maaga pa ang pasok ko sa paaralan. Pasado alas onse na ng gabi, kaya pagkatapos kong iligpit ang mga gamit ko ay bumaba ako. Naabutan ko pa sina Daddy at Mommy sa sala nanunuod ng tv. Napansin agad ako ni Mommy, nakasimangot lang ako sa kanila. "Saan ka pupunta, Iha?" tanong sa akin ni Mommy. "Babalik na po ako sa condo, Mom. May pasok pa po ako bukas," walang gana kong sagot kay Mommy. "Hindi ba puwede na bukas ka na lang umalis?" sabi naman ni Daddy. "Dad, ayaw ko ma-late sa school bukas at gusto ko na rin magpahinga sa unit ko," sagot ko sa kaniya. "Prepare yourself, Jasmine, dahil ikakasal ka kay Mike sa lalong madaling panahon," saad ni Daddy na diniinan pa ang pagkasabi. "Dad, seryoso po ba kayo? Eh, hindi pa nga namin kilala ang isa't isa. Isa pa may boyfriend ako," pairap kong sabi kay Daddy at pinakrus ko ang mga braso ko sa aking dibdib. "Shut up, Jasmina!" sigaw sa akin niDaddy. "Wala ka namang seneryoso sa mga naging boyfriend mo! Itong bago mo ilang araw pa lang kayo niyan?" galit na tanong ni Daddy sa akin. Hindi ako nakakaligtas sa kaniya dahil lagi na lang niya akong minomonitor sa mga tauhan niya. Si Mommy tahimik lang na pinapakinggan kami sa bangayan naming dalawa ni Daddy. "Three day's pa lang kami ni Janzel," simangot kong sagot sa kaniya sa mahinang boses. "See? Three day's pa lang? Kabi-break mo lang doon sa isa agad-agad nagka-boyfriend ka na? Your so stupid!" galit na sermon ni Daddy. "Kaya nga, Dad. Kakaumpisa pa lang namin ni Janzel. We're getting to know each other. Tapos gusto niyo po makipag-break agad ako sa kaniya?" sagot ko na lalo niyang ikinagalit. Pinanlakihan niya pa ako ng mga mata. "'Wag mo ako ipapahiya kina Tito mo Jasmina. Sa ayaw at gusto mo itatakda kayong ikasal ni Mike!" seryoso nitong sabi. "Okay, tama na iyan," saway ni Mommy dahil nag-iinit na ang sagutan namin ni Daddy. "Magpahatid ka na sa driver Jasmine," mahinahon na sabi ni Mommy. Humalik ako kay Mommy at nilapitan ko na rin si Daddy para halikan."Bye Dad, Bye Mom." Bago ako nakalabas ng pinto ay narinig ko pa ang buntong hininga ni Daddy. "She is a spoild brat daughter." Napangiti na lang ako sa sinabi niya kay Mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD