Lalaine's POV
Maaga akong gumising ngayon upang makapag handa ng agahan na iiwan ko para sa aking ina.
Matapos akong makapag luto ng agahan ay agad din akong naligo upang makapag handa na para pagdating ng aking amo ay aalis na lamang kami, nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya. Hindi ko talaga maunawaan kung bakit sa dinami-dami ng babaeng pwede niyang ayaing makasama sa okasyong 'yon ay ako pa ang napili niya.
Alas diyes ng umaga ay narinig ko na ang sasakyan ng aking amo sa harapan ng aming bahay kaya agad na akong nagpaalam sa aking ina.
"Mag iingat ka anak." ani nya bago ako lumabas ng aming munting tahanan.
Mabilis akong lumabas ng bahay at lumapit sa sasakyan ng aking amo, bubuksan ko na lamang sana ito pero pinigilan niya ako at pinagbuksan ako, nakaramdam naman ako ng hiya kaya napayuko ako ng aking ulo.
Isang boutique ang aming pinuntahan at sa itsura pa lamang nito sa labas ay makikita mo ng hindi ito basta-basta mumurahin kaya naman kinakabahan ako dahil wala naman akong pera na ipambabayad dito.
"Si-sir ano po ginagawa natin dito?" nahihiya kong ani kahit alam ko naman kung bakit kami nandirito. Ang akala ko kasi ay simpleng dress lang na maaaring mabili sa mall pero sa boutique na ito ay nakakamanghang pagmasdan ang bawat kasuotang naka display sa mga mannequin nito.
"Follow me inside!" wika nya na sinunod ko naman habang nakatitig ako sa mga nag-gagandahang mga gown na naka suot sa mannequin.
"Chelsea, I want you to take care of her and give her the best gown you have here." wika nya habang nakatitig sa aking mukha.
Mabilis namang tumalima ang babaeng tinawag niyang Chelsea at humarap sa akin ng may malaking ngiti sa kanyang labi.
"Follow me Miss beautiful." magiliw nyang ani sa akin. Hindi ko man siya kilala pero ibang-iba ang ugali niya kaysa kay Ma'am Agatha na laging galit sa akin.
"Here, lahat ng gown na 'yan ay ang pinaka dekalidad na gown na meron kami sa boutique na ito, mamili ka lang d'yan at mag-sukat ng gusto mo, tawagin mo ako kapag may napili ka na ha." nakangiti nyang ani sa akin at tumango lamang ako.
Pagkasara ng pinto ay napaupo ako sa sofa at agad na napatakip ng kamay sa aking bibig.
'Susmaryosep! Napaka gandang mga gown naman ng mga ito, parang nakakatakot hawakan. Saan ba kami pupunta at kinakailangan kong magsuot ng ganito kagarang gown na sa fairy tale ko lamang napapanuod?' wika ko sa aking sarili. Hindi ako makapaniwala na makakapagsuot ako ng ganitong klase ng kasuotan na ni minsan ay hindi ko naisip na mahahawakan ko ang ganitong klase ng damit. Kahit yata sa panaginip ko ay hindi ito sumagi sa isipan ko dahil alam ko naman na napaka imposibleng pangarapin ko ang makapagsuot ng ganitong klase ng kasuotan pero heto at nasa harapan ko ang lahat ng ito.
Isa-isa kong tinignan ang bawat magagarang gown, isang gold gown na kita ang likod at hapit sa katawan na may mahabang slit sa kaliwang hita ang naka agaw ng aking pansin. Mahaba at manipis ang manggas nito sa kanan na abot hanggang sa pala pulsuhan samantalang walang manggas ang gawing kaliwa habang ang slit nito ay nasa kaliwa ng hita.
Kinuha ko ito at tinapat ko sa aking katawan at napangiti ako. Kahit hindi ko pa ito sinusukat ay alam kong kasya ito sa akin.
Agad akong humarap sa malaking salamin at mabilis na naghubad upang maisukat ang gown sa aking katawan.
Napa maang ang aking labi ng makita ko ang aking kabuuan at hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang aking katawan.
Isang katok ang nagpapitlag sa akin kaya mabilis kong nilingon ang nakasaradong pintuan.
"Ma'am okay na po ba kayo diyan? Papasok po ako okay?" wika nya at biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang magandang babae na nagngangalang Chelsea.
"Wow mam ang ganda ganda n'yo naman po! Bagay na bagay sa inyo ang napili n'yong gown! Sigurado akong matutuwa nito si Sir George kapag nakita niya kayo." ani nya sa akin kaya napangiti naman ako.
"Salamat po!" wika kong nahihiya pa dahil nakatitig s'ya sa kabuuan ko.
"Siguradong mas lalong mababaliw sa iyo n'yan si Sir George, napakaganda n'yo po lalo na habang suot ninyo ang gown na 'yan. Paano pa kung maayusan ang maganda mong mukha? Sigurado ako na maraming mababaliw sa iyo kaya siguradong babakuran ka na ni Sir George." wika n'yang kinikilig pa.
"Po? Naku nagkakamali po kayo, amo ko lang po si Sir George at wala po kaming relasyon." namumula ang aking mga pisngi sa sobrang hiya.
"Naku ma'am! Sa toto lang po ay ikaw pa lang po ang dinala nyang babae dito sa boutique na pag-aari ng kanyang ina kaya nakasisiguro po ako na higit pa sa pagiging amo ang meron si Sir George para sa iyo." wika nyang muli sa akin ng nakangiti.
Hindi ko alam pero may nararamdaman akong kilig sa kanyang sinambit ngunit sa tuwing maiisip ko si Ma'am Agatha ay bigla na lamang akong parang binabalot ng takot dahil ayokong mapag initan ako sa aking trabaho.
"Okay na po siguro ito." nakangiti kong ani. Huhubarin ko na sana ang suot kong gown pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa aking palapulsuhan at hinila ako ng bahagya papalabas ng silid.
"Halika sa labas at gustong makita ni Sir George ang napili mong gown." wika nya na ikinalaki ng aking mga mata.
"Naku hindi na po kailangan! Huhubarin ko na po ito, okay na sa akin 'to!" kinakabahan kong wika sa kanya. Ayokong makita niya ako, nahihiya ako kay Sir George.
"Naku ma'am! Kabilin-bilinan po ni Sir George na kailangan nyang makita ang mapipili mong gown ng suot mo ito." ani n'yang muli kaya wala na akong nagawa ng igiya nya ako palabas ng silid na ito. Napayuko na lamang ako at hindi ako makatingin ng iniharap niya ako sa aking amo.
"Sir heto na po si ma'am. Sobrang ganda naman po niya. Nakakatomboy." nakangiting wika ni Chelsea kaya natawa ako ng mahina.
Pagtaas ng ulo ni Sir George mula sa kanyang binabasang magazine ay nakita ko ang gulat sa kanyang mukha. Napatayo siya at halos magdikit na ang katawan namin dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Napaatras ako ng ilang hakbang dahil hindi ako komportbale na ganuon siya kalapit sa akin.
Hinagod nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at ang mga titig ay bumalik sa aking mukha.
"Perfect!" bulong nya habang nakatitig pa rin sa aking mukha kaya nakararamdam ako ng pagkailang sa kanyang mga titig. Ang aking dibdib ay tila ba gustong sumabog sa lakas at bilis na pagkabog ng aking puso.
"P-pwede na po ba akong magpalit ng damit?" wika kong nahihiya.
"Sure." ani nyang hindi inaalis ang mga tingin sa akin kaya nagmamadali akong bumalik ng silid dahil parang hihimatayin ako sa lakas ng kabog ng aking puso.
Pagkasara ko ng pinto ay napasandal ako sa likod ng pinto habang hawak-hawak ko ang dibdib ko kung nasaan ang aking puso.
"Please heart, kalma ka lang, huwag si Sir George parang awa mo na huwag siya." wika ko sa aking sarili habang nakapikit ang aking mga mata ngunit parang hindi nakikinig ang aking puso dahil pakiramdam ko ay mas lalo pa itong kumabog ng mas malakas ng biglang sumagi sa isip ko ang mukha ni Sir George habang nakatitig s'ya sa akin kanina.
Mabilis akong nagpalit at agad na lumabas ng silid. Pagkalabas ko ay pumasok naman ang magandang si Chelsea sa loob ng silid at ng lumabas ito ay may dala-dala ng napaka laking kahon na sa tingin ko ay ang gown na sinukat ko kanina.
Agad itong kinuha ni Sir George at dinala sa kanyang sasakyan. Nang bumalik siya sa loob ng boutique ay may pinabalot din siyang napaka gandang glass shoes at isang pouch na may nakalagay na LV.
"Let's go," sambit nya at inalalayan pa akong lumabas ng boutique.
Pakiramdam ko ay daig ko pa ang isang prinsesa sa isang fairy tale na inaalagaan at pinoprotektahan ng kanyang prince charming.
"Bukas na ang dadaluhan nating party kaya bukas ay may darating sa bahay ninyo na mag-aayos sa iyo, mga bandang alas kuatro ng hapon at susunduin kita ng alas sais ng gabi." ani nya habang nagmamaneho.
"O-okay po." nangingimi kong ani. Hindi ko alam kung ano ang papel ko bukas, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko bukas dahil ito ang kauna-unahang dadalo ako sa isang kasiyahan at hindi lang ito basta kasiyahan, party ito ng mga mayayamang tao sa mundo.
"Dadaan muna tayo sa Neon Nights at may kukuhanin ako sa aking opisina." wika nyang muli na inayunan ko na lamang, s'ya naman ang boss ko kaya walang saysay kung tatanggi ako.
Pagkarating namin sa bar ay agad syang bumaba at umikot sa gawi ko at pinagbuksan ako ng pinto, napatingin ako sa kanya ng may pagtataka ng biglang kinuha nya ang aking kamay at hinila na ako papasok sa loob ng bar. Pinagsalikop niya ang aming mga palad na ikinagulat ko at para kaming magkasintahan na naglakad papasok sa loob ng kanyang bar at lahat ng mata ngayon ay sa amin na nakatutok kaya nakararamdam ako ng pangliliit sa aking sarili.
Nakita ko si Ma'am Agatha sa sulok ng bar na masamang nakatitig sa akin kaya nakaramdam ako ng matinding takot. Nakikita ko ang galit niya sa akin kaya mas lalo akong nakakaramdam ng matinding pangamba na dahilan upang manginig ang katawan ko na hindi nakaligtas kay Sir George.
"What's wrong?" tanong niya sa akin at huminto pa kami sa paglalakad at humarap siya sa akin. Inangat niya ang aking mukha ng hinawakan niya ang aking baba.
"Wa-wala po." ani ko sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at kahit pilit lang ang ngiti ko ay sinigurado ko na hindi niya mahahalata na may takot akong nararamdaman.
"Bakit para kang nakakita ng multo?" wika nya pang muli.
Umiling lamang ako sa kanya at sinabi kong wala namang problema, ayoko kasi ng gulo dahil ayoko ring mapag initan dito. Nagkibit balikat na lamang siya at nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami ng kanyang opisina.
May mga papers lang syang kinuha at pagkatapos nuon ay agad din kaming umalis ng bar.