Chapter 15

2167 Words

* Nicole POV * Papunta ako ngayon sa library dala-dala tong mga libro na sobrang bigat, inutusan kasi ako ng prof namin na isauli tong libro na hiniram niya. Nakakainis nga, sa dami-dami ng estudyante dito sa school ako pa talaga ang nakita para utusan niya? Siya tong hiram ng hiram hindi naman marunong magbalik. Gusto ko pa naman umuwi agad at makipaglaro sa pamangkin ko. Ang cute niya kasi ang sarap kurutin pero hindi ko naman magawa dahil pinapagalitan ako ni Kuya Michael. OA nga masyado, akala niya sasaktan ko yung anak niya e hindi naman. Mahal ko kaya ang pamangkin ko. " Excuse me Miss. Ibabalik ko po tong libro na hiniram ni Mr. Tan. " sabi ko agad pagkarating ko library. " Ilagay mo nalang kung saan nakalagay ang mga librong katulad ng mga yan. " nakangiting sabi niya sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD