Ilang araw din akong hindi nakapasok sa school dahil hindi ako pinayagan nila kuya. Dahil hindi pa daw ako magaling. Pinagalitan din nila ako about sa nangyari sa restuarant, kesyo daw hindi ko daw macontroll ang galit ko. Nanakit pa daw ako ng ibang tao at pinagalitan ko pa daw yung mga employees na wala namang kasalanan sa nangyari. At ang mas malala pa, mas lalo akong pinagalitan ng makita nila ang sugat ko sa kamay, kunting sugat lang naman yun pero grabe sila kung magalit sa akin. Mabuti nalang pinayagan na nila akong pumasok ngayon. Dalawang araw din akong hindi pumasok no, namiss kuna si Mela simula nong huli siyang dumalaw sa akin sa hospital. Nagtataka ako kung ano ang meron dito sa school, lahat ng estudyante busy sa kanilang ginagawa ni hindi nga nila ako pinapansin. Pero mas