Pareho kaming napatingin sa mga kalalakihan na ngayon ay parang nanliliksik na ang mga mata. " Ano po kasi, sinabihan ko muna ang kasama ko na huwag niya muna akong pagalitan. Nakakahiya kasi sa inyo. " bigla nitong sabi. Napangisi naman yung matabang lalake saka lumapit sa amin-mali! Dito pala sa katabi ko lumapit. Napatingin naman ako sa kanya na bigla itong napahawak sa braso ko. Akala ko ba hindi ito natatakot? Mukhang nagkamali yata ako sa bagay na yun. " Ganun ba Miss! Kung sa amin ka sasama sisiguraduhin naming hindi ka namin pagagalitan. Paliligayahin ka pa namin. " manyak nitong sabi. Naramdaman kung tumayo yung balahibo niya dahil sa sinabi nong matabang lalake na to. " Oo nga Miss! Kaya kung ako sayo sumama kana kay Boss. Lagi ka niyang paliligiyahin pag siya ang kasama m