Napamura ako ng wala sa oras ng makita si taba na nakabulagta na sa lupa. Napatingin naman ako kay Nicole na simple lang nakatayo na parang wala lang nangyari at mas lalong hindi ako kapaniwala na siya ang gumawa non. Pero sa kinikilos niya mukhang siya nga ang may gawa. " What the-hawakan niyo siya! " sigaw ni taba. Bago pa sila makalapit kay Nicole, ako na ang lumapit sa kanila saka sila inambahan ng suntok sa mukha. Agad namang sumugod yung iba sa amin. " Nagsisi na akong isinama kita. " sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at parang ako yung sinisisi sa nangyari. " Eh Sino bang tanga ang humila sa akin, diba ikaw? " inis na sabi niya sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin dahil mukhang may point siya sa sinabi niya. Hindi ko nga rin alam kung bakit hinila ko tong babae