CHAPTER ONE (SHET KA,BEZ!)
#Ahasan
"Ano'ng oras ka uuwi?!" bungad niya sa asawang s Lawrence sa kabilang linya. Bagamat walang galit sa emosyong pinaramdam dito.
She want him to feel na may mga pagkukulang ito sa kanila ng anak niyang si Tasha. Lalo na pagdating sa oras ng uwi nito galing sa trabaho bilang isa sa mga manager sa bangko na pinagtratrabahuhan nito.
Narinig niyang bumuntong hininga ang kausap.
"Pipilitin kong umuwi ng maaga, Carol." Tugon ni Lawrence sa kaniya napaismid siya sa naging sagot nito.
"Baka umaga at 'di maaga, Lawrence?" pang-uuyam niyang tanong dito. Tinapunan ng sulyap ang anak niyang katutulog lang sa tabi niya sa tabi nilang dapat na mag-asawa.
"Carol, stop this nonsense! Pag sinabi ko gagawin ko!" dugtong pa nitong halata ang inis sa boses nito. Napatiim-bagang siya reverse psychology na naman pinapairal ng magaling niyang asawa. If she know alam niyang may iba itong ginagawa agenda at front lang ang sinasabing trabahong pinagkaka-abalahan nito.
"Galingan mo magtago, Lawrence... I mean galingan mo sa trabaho!" May pang-uuyam niyang pagtatapos sa usapan nilang dalawa bago pinindot ang end button 'di na hinintay pang magsalita ito.
Padabog niyang binaba ang telepono sa bedside table nila. Walang magawa kundi tanggapin ang paulit-ulit na alibi ng asawa niyang si Lawrence.
She is Carol Bernardo-Saavedra. Butihing asawa ni Lawrence pitong taon na ang nakaraan mula ng ipagpilitan ng mommy niyang pakasalan niya ito bago ito mawalan ng buhay. Napakagat-labi siya sa nakaraan muling binalikan lalo pa't isipin kong paano naging bahagi sa buhay niya si Lawrence na nauwi sa pag-iisang dibdib na 'di nila parehong nagawang tutulan.
Napakislot siya ng biglang tumunog ang awditibo. Mabilis niya itong sinagot umaasang si Lawrence ang tumatawag.
"Hi, best." Masayang bungad ng kabilang linya na agad niya namang nakilala walang iba kundi si Mildred ang best friend niya.
"Best, hi. Napatawag ka?" Tanong niya dito bahagyang nakaramdam ng kaba. Knowing Mildred alam niyang 'di ito tumatawag kong 'di ito mahalaga.
"Wala lang! Kakamustahin lang kita, 'yong inaanak ko si Tasha? how is she?" Masiglang tugon nito sa kan'ya. Umayos siya ng pagkakaupo sinulyapan si Tasha na mahimbing ng natutulog sa tabi niya.
"She's fine, Tasha's doing good. Ako? heto stress!" Totoo niyang sagot dito sa sitwasyon nila ng asawang madalas ng inuumaga ng uwi.
"Why? May problema ba, best?" tanong nitong may pag-aalala. Sa ikalawang beses muli siyang napabuntong-hininga sa kawalan ng maalala si Lawrence.
"S-si Lawrence..." Maiksi niyang tugon dito.
"What about, Lawrence?" Takang tanong nito sa sagot niya sa matalik na kaibigan.
"Ewan ko best, feeling ko kasi may ahas na umaaligid sa'min o, maybe anay na sumisira sa'min!" Walang gatol niyang sagot dito sa dudang nararamdaman tungkol sa pagbabagong pinaparamdam ng asawa niya.
Bahagyang tumahimik ang kabilang linya. Nakaramdam siya ng pag-aalala sa kaibigan sa biglang pagtahimik nito.
"Best, are you still there?"
"Bessy, sorry nandito na si Sam. I call you again, okey." Paalam nito 'di hinintay pa sasabihin niya. Wala sa sariling napangiti siya para sa kaibigan sa natagpuan nitong pag-ibig sa 'di niya pa nakilalang Sam na boyfriend nito. Pagkatapos ng huling pag-ibig nito sa katauhan ni Lawrence.
"You're late!" Nagtatampo niyang bungad sa lalaki pagkapasok nito sa bahay niya sa forbes Makati. Sinalubong siya nito ng yakap at mabilis na halik sa pisngi nito.
"May mga inayos pa ako sa office and tumawag siya." Sagot nito sa kan'ya bago pagod na umupo sa sofa ng bahay niya.
"Sino kausap mo?" tanong nito ng mapansin ang teleponong nasa kamay niya pa.
Ngumiti siya dito umupo sa tabi nito sinandal ang ulo sa balikat ng binatang pinag-uusapan lang nila kanina ng kaibigan niya.
"Siya! si Carol." Sagot niya dito, bigla itong umayos ng upo hinarap siya.
"M-Mildred, h'wag mo sabihin sa'kin?!" kita niya ang pag-aalala sa mga mata nito.
Ngumiti siya sa harap nito hinawakan ang punong-teynga ng binata.
"Relax! Sinisigurado ko lang na wala siyang nalalaman na wala siyang alam about us, Lawrence..." Natatawa niyang tugon dito sa pangalang nabanggit.
Lumapit ng bahagya dito para hulihin ang nakaawang na labi nito sa harap niya.
Ang pag-aalang nararamdaman ng binata'y sinelyuhan niya ng isang malalim na halik na agad tinugon ng lalaking si Lawrence.
Ang asawa ng best friend niyang si Carol.
--