THE BETRAYAL || CHAPTER TWO
__
"BAKIT NAMAN BINIBIGYAN MO NG PAGKAKATAON SI CAROL NA MAGDUDA SA IYO, RENCE?" tanong ni Mildred kay Lawrence habang pinaghahanda niya ito ng pagkaing pagsasaluhan nila.
Tumingin ito sa kaniya nang umupo siya paharap dito.
"Wala naman talagang tiwala sa akin si Carol noon pa man, Mildred, alam mo naman iyon. Hanggang sa magkaanak kaming dalawa. Baka nga si Tasha na lang ang dahilan kung bakit kami nagsasama," aniya nito sa kaniya.
"Gusto mo bang malaman ni Carol ang tungkol sa atin? Alam kong hindi mo kayang mawala sa iyo si Tasha. Sa tingin mo ba kapag nalaman ni Carol ibibigay niya sa iyo si Tasha? Hinde," aniya rito.
Kahit naman may kababalaghan silang ginagawa ni Lawrence ayaw niya pa ring solohin ang lalaki. Mahalaga sa kaniya ang pagkakaibigan nila ni Carol, ganoon din ang inaanak niyang si Tasha.
"Pero— Dred, alam mo naman ang dahilan kung bakit kami nagpakasal ni Carol 'di ba?" sabi nito sa kaniya.
Kinuha niya ang pinggan sa harap nito at nilagyan ng pagkain sa plato nito. Asikasong-asikaso niya si Lawrence, kapag nagpupunta ito sa kaniya. Every weekend lang din ang hinihingi niya rito.
"Kilala ko si Mildred, may trust issue talaga siya. Pero kapag pinakita mo naman sa kaniya na matino ka, hindi mag-iisip ng mali iyon. Just be careful, Rence."
"Paano tayo?" tanong nito.
Binigay niya ulit ang plato nito sa harap nito.
"Alam mo bang masaya naman tayo ng ganito. Hindi naman natin kailangan mag step up pa sa ibang level."
"Pero, Mildred. Gusto ko naman makasama ka. Kahit papano, iyong tayo tulad ng dati."
Tumayo si Mildred para ikuha ito ng maiinom.
"Alam mo iyong sinasabi mong tulad ng dati? Tapos na. Aaminin ko, I like this set up, may challenge. Pero kaibigan ko kasi iyong kaagaw ko sa iyo, Lawrence."
Hindi ito nakasagot. Nakaramdam naman siya ng lungkot dahil sa nakita nyang emosyon sa mga mata nito. Kinuha niya ang dalawang kamay ni Lawrence, dinala nya ito sa likod niya habang kumandong siya sa binti nito.
"I still love you, Rence. But I love my bestfriend too. Tsaka si Tasha, kawawa siya kapag nagpahuli ka kay Carol."
"Hindi tayo mahuhuli ni Carol, Baby. I promise."
Pinagmasdan niya ito. Sa isa't isa ngumiti sila.
"Don't promise, Lawrence. Gawin mo. Ayaw kong maipit kung sakaling magkaalaman."
Tumayo siya't bumalik sa pwesto niya.
"Thanks, Dred. Makakaasa ka."
"Kain. Pinagluto kita, masarap iyan."
Isang professional chef si Mildred sa Singaporean restaurant. Kakabalik niya lang ng bansa pagkatapos ng anim na taon n'ong pinili niyang umalis pagkatapos ng kasal ng dati niyang boyfriend na si Lawrence at ang bestfriend niyang si Carol. Kung tutuusin siya naman talaga ang nauna sa buhay ng lalaki. Nagkaroon lang ng kasunduan, kaya nga pinili niya na lang umalis para hindi na siya maging sagabal. Lalo pa't nang magkaanak ang dalawa at naging inaanak niya pa ito— si Tasha.
"Ano iniisip mo?" tanong sa kaniya ni Lawrence.
"Hindi pa kasi kami nagkikita ni Carol eh. Last week, nag-promise ako sa kaniya na pupuntahan ko agad sya. Pero hindi natuloy dahil inuna pa natin iyong Bicol trip," sabi niya rito.
Halos dalawang araw din sila ni Lawrence sa Bicol. Sinundo siya nito sa airport na hindi pinaalam kay Carol na nakauwi na siya nang araw na iyon.
"Masaya naman tayo 'di ba? Pinuntahan lang natin iyong lugar, na kung saan tayo magha-honeymoon 'di ba?" sabi nito sa kaniya.
"Alam ko. Wala naman akong akong sinabi hindi pero sana inuna ko pa rin iyong kaibigan ko."
"Mildred ako naman. Lagi na lang siya eh. Mula noon hanggang ngayon siya pa rin ang inuuna mo. Paano naman ako? Dred, hindi ko naman mahal si Carol n'ong ikasal kami alam mo iyon 'di ba?"
Kumuha siya ng kubyertos at binigay ito dito. Tsaka niya ininom ang iced tea na gawa niya.
"Huwag na natin pag-usapan, Rence. Just forget it."
"Okay. But this set up will be continue. Ako ang magdedesisyon. Ako lang," saad nito.
Wala na siyang nagawa kun 'di ang ipagpatuloy niya ang pag kain sa tabi nito. Hindi pa rin nagbabago si Lawrence para sa kaniya. Nang lumamig ang ulo nito, ginagap nito ang kamay niya't pinagdaup palad ito.
"Na-miss kita, Dred."
"I miss you too, Rence.."
___
HINDI pa rin makatulog si Carol. Alas cinco na pero wala pa ring Lawren ang dumating. Pinagmasdan niya ang natutulog nilang anak ng lalaki si Tasha, pitong taong gulang na ito at kagagaling lang sa lagnat ng anak niya. Pero imbes na mag-alala si Lawrence at piliin nitong umuwi ng maaga ay hindi nito ginagawa.
"Mommy, wake up ka na po?"
Umayos siya ng pagkakaupo ng gumising si Tasha sa tabi nya. Naramdaman siguro nitong pinagmamasdan niya ito kaya bigla itong gumising.
"Nasaan po si daddy? Hindi po nag went home?" dugtong pa.
Wala siyang masagot dito. Kahit pa ang totoo, tama ang anak niyang walang Lawrence na umuwi sa kanila.
"Busy si Daddy, Anak eh. Work. Pero tumawag siya ang sabi nya uuwi din siya. Tulog ka pa, Baby." Alo niya rito. Humiga siya sa tabi nito at mahigpit itong niyakap patalikod mula rito.
"Mommy.."
"Yes, Baby?"
"Miss ko na ang hug niyo ni daddy. Matagal na po tayong hindi magkatabi sa bed. Sana mommy, magka-time na sa atin si daddy." Hiling ng anak niya.
Galit nyang pinukol ang tingin niya sa kisame ng silid nila. Hindi niya napigilan sa sariling murahin si Lawrence dahil sa ginagawa nitong kapabayaan sa kanilang dalawa ni Tasha, lalong-lalo na sa anak nyang nangungulila sa tabi ng ama.
"Kakausapin ko si daddy, Baby. Promise ni mommy ha."
"Okay, Mommy. Good night po."
Hinalikan niya ang ulo nito. Hindi pa rin magawang bawasan ang inis na nararamdaman sa asawa niya. Kung hindi lang dahil kay Tasha, sinugod niya na ito sa sinasabing trabaho nitong madalas na dahilan sa kaniya.
___