Chapter 21 DANICA Maaga akong nagtungo sa bahay ni Tita Monet sa Laspinas, tinawagan ko na siya nang gabi na kung maaari ay dito na muna ako sa kanila at tutulong na lang ako sa canten na maghugas ng plato. May canteen kasi si Tita, at tamang-tama naman na kaaalis lang ng tagahugas niya. Nagpaalam naman ako ng maayos kay Ma'am Helen. Nahihiya ako sa kaniya hindi lang sa panliigaw ng anak niya sa akin kundi ang mataas na tingin nila sa akin noon. Ngayon ay parang walang mukha na akong iharap sa kaniya dahil sa nabuntis lang naman ako ng kung sino. Maaga ako umalis sa bahay ni Mrs. Damerkan, hinatid naman ako ni Julie at mangiyak-ngiyak naman siyang ymakap sa akin. Nasanay na n kami na magkasama n Jlie Ann, pero magkikita naman kami dahil sabi niya ay dadalawin niya ako lagi. Pero nan