Chapter 22 DANICA Kinabukasa ay maagang umalis si Jessica, kaya maaga na rin ako nagising para magpaalam sa kaniya. Ilang linggo rin kasi siya na hindi makakauwi dahil sa trabaho nito. Kaya tinulungan ko na lang si Tita sa pag-asikaso ng maliit niyang karenderya na nasa harap lang ng bahay niya. Tinulungan ko siya maghiwa ng mga sahog. Habang naghihiwa naman ako ay nagluluto na siya ng iba pang almusal at ulam. "Danica, ano ang balak mo ngayon? Hindi mo ba sasabihin kay kuya ang pinagbubuntis mo?" seryosong tanong ni Tita sa akin. "Sasabihin ko naman Tita. Kapag handa na ako. Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin kay Itay at Inang na buntis ako," kabado ko naman wika kay Tita. "Hayaan mo at ako na ang bahala magsabi. Matanda ka na at mabuti nga at nabuntis ka. Pero hindi ibig s