Chapter 17 DANICA Ibinaba ni Julie ang salamin at tumabi sa akin hinawakan niya ang dalawa kong mga kamay. ''Bakla, ang sarap ni Mark kumain,'' kilig pa nitong wika sa akin. Ako naman ay kinakabahan sa mga ngiti niya na parang nahihibang. ''Anong kinain? Ang alin ang kinain?'' malakas kong boses na tanong sa kaniya. ''Bakla, hindi na ako virgin! At si Mark ang naka-virgin sa akin sa kangkongan,'' ngiti pa ng gaga kong kaibigan. Kaya sa inis ko ay nabatukan ko siya. "Aray, naman! Makabatok naman 'to," protesta naman niya sa akin at napapakamot sa batok niya. ''Gaga ka! Isinuko mo ang Velat mo sa kangkongan? My God, Julie! Nahihibang ka na ba? Bakit sa kangkongan? Kaya pala may pula sa leeg mo malaking linta pala ang sumipsip diyan sa leeg mo!'' hindi talaga ako makapaniwala sa kaib