“Dr. Toneth,” tawag ni Jarvan. Lumingon siya sa kama at tiningnan ang kanyang pasyente. “Yes?” “Do you remember me?” tanong nito sa kanya. Napakunot ang noo niya dahil dito. “Are you one of my patients? I’m sorry I don’t remember you,” sagot niya. Dinig niya ang mahinang pagtawa ng binatilyo. “I came from one small town in Africa. You conducted a small health mission with other doctors from all around the world. You operated my mother because she has a tumor in her liver,” kuwento nito. Dito na niya na naalala ang panahong nagtungo siya sa Africa para sa isang medical health mission kasama ng mga ilang kamiyembro ng Foundation nila 3 years ago. Nakasama niya pa noon si Chad sa mission na iyon. Naalala niya ang mga panahong hirap ang isang maliit na community na magkaroon ng access