Chapter 15

1101 Words
           No. No. It can’t be! Napahilamos ng mukha si Dr. Patricio Javier. Matapos ang ilang taon, muling nagtagpo ang kanilang landas ng babaeng minsang nagpatibok ng kanyang puso. Nagtagpo ang landsa nila sa isang hindi magandang pagkakataon. “Anong ginagawa mo dito?” tanong sa kanya ng babae. Huminga siya ng malalim. “L-leni—” “Umalis ka na. Huwag na huwag kang magpapakita kay Anika. Iisipin kong wala ka sa paligid namin,” sabi ni Leni sa kanya. Parang pinukpok ang puso niya dahil sa sinabi nito. Kung sana lang ay nag-isip siya ng maayos noong mga panahong iyon. Sinayang niya ang kanyang pagkakataon. “Si Anika, she has pancreas cancer. It’s inoperable.” “Mabubuhay ang anak ko.” “Anak natin.” “Anak ko lang!” sigaw ni Leni. “Anak ko lang dahil wala ka naman sa tabi niya. Ako ang kasama niya sa buong buhay niya. Kaya anak ko siya. Hindi mo siya anak. Kung hindi dahil sa’yo, hindi maghihirap ang buhay namin. Hindi mahihirapan si Anika!” sumbat sa kanya ni Leni. Napayuko siya. Dama niya ang pagkapahiya. “Please Leni, just this once, hayaan mo akong maging parte ng buhay ni Anika,” pagmamakaawa niya. “Bakit? Dahil mamatay na siya? Kung hindi ba kami nandito ay hindi mo maiisip ang kalagayan ni Anika? Bigo kang maging ama para sa kanya. Bigo kang maging asawa ko dahil sa pagiging babaero mo. Pinabayaan mo kami. Kaya pakiusap, ‘wag ka ng makialam sa buhay namin. Nasanay na kaming wala ka.” Wala na siyang nagawa nang tumalikod na si Leni sa kanya at naglakad palayo. Para siyang nawalan ng lakas at napaupo na lang sa wooden bench na nasa tabi niya. Malamig ang gabi, pero hindi sapat iyon para pawiin ang panghahapdi ng puso niya. “Dr. Toneth, ano bang balak mo?” tanong ni Kent sa kanya. “Balak saan?” tanong niya din. Naupo siya sa couch na nasa opisina nila at hinubad ang kanyang sapatos saka niya ipinatong sa center table. “Sa patient na may anauerysm. Tama naman si Dr. Patricio eh, delikado nga naman kasi ang operation if may aneurysm,” sabi nito sa kanya. “Wala ka bang tiwala sa akin?” sabi niya. Ngumiti ng alanganin si Kent sa kanya na siyang ikinasimangot niya. Nagulat sila nang biglang binatukan ni Alvin si Kent. “Aray ko!” reklamo ni Kent. “Wala ka bang tiwala kay Toneth? Golden hands ang mga kamay niya,” sabi ni Alvin. “There is always room for mistake,” sagot ni Kent. Naiiling na lang siya. “I will never allow that. Hindi pwedeng magkamali if you are a surgeon. Buhay ng pasyente ang nakasalalay,” sagot niya. Muli niyang isinuot ang kanyang sapatos at tumayo. “Diyan na nga muna kayo.” Nagtungo siya sa isang vending machine na nasa may garden. Gustong-gusto niya ang kapeng ino-offer nito. Kinuha niya ang isang latte at paalis na sana siya nang makita si Dr. Patricio na kausap ang ina ng pasyente niya. Hindi naman siya mahilig makisawsaw o making sa mga usapan ng ibang tao pero naging curious siya sa mga nangyayari. Nakita niya ang pagtatalo ng dalawa. Napasipol na lang siya nang malaman ang tungkol sa kanila. Hindi ako tsismosa. Sila kusang lumalapit sa akin. Nang mag-isa na lang si Patricio ay naupo siya sa tabi nito. Bahagya pa itong nagulat sa pagsulpot niya. “You will give me a heart attack,” sabi nito sa kanya. “Kaya naman kita ire-resuscitate,” sagot niya. Ilang minuto ang lumipas at wala na ulit nagsasalita sa kanila. Tumayo na siya at pinagpagan ang mga kamay niya. “Mamatay na siya hindi ba?” tanong nito sa kanya. “Kung pababayaan mo siya, of course she will die,” sagot niya. “Hindi niya kakayanin ang operation.” “She can do it. Maraming pwedeng gawing procedures. All I want is for you to trust me.” “Papaano kung mamatay siya?” “It will never happen.” “Natatakot ako.” “Then you’re a coward.” Tuluyan na siyang naglakad palayo sa kanilang head doctor. Sa pagbalik niya sa tinitigan niya maiigi ang CT-scan results ni Anika. Iniisip niya kung ano ang kanyang gagawin. “Toneth!” Napatingin siya nang sumigaw si Kent sa kanya. “Emergency! Patient Anika!” Hindi siya nagdalawang isip na tumakbo papunta kung nasaang ward ito. Pagdating niya doon ay nakita niyang nahihirapan na ng husto ang patienty. “Dok, anong nangyayari?” tanong ng in anito. Tiningnan niya ang kalagayan at nailing na lang. “She needs immediate operation!” sigaw niya. Si Kent naman ay mabilis na nagtanong sa mga kasama niya kung sino ang pwedeng mag-assist kay Toneth pero halos lahat ay nag-iwas ng tingin. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis sa mga kasamahan niya. Sa tagal niyang nagtatrabaho sa Froilandon, ngayon lang niya nakita kung gaano kaduwag ang mga kasama niya. “Arrgghh! Mga duwag!” sigaw niya. Wala siyang magawa kung hindi ang samahan si Toneth. Alam niyang hindi kakayanin ni Toneth kung siya lang mag-isa. “Dr. Kent!” Napalingon siya at nakita ang isang intern staff nila. “Ako po, willing po ako mag-assist.” “Goods! Tara na!” “Dr. Geraldine, nasa operating room po si Dr. Toneth. Ooperahan niya po ang pasyenteng si Anika Rondina.” Napatayo ang deputy-director dahil sa narinig niya. “Hindi siya humingi ng permission?” tanong niya. Mabilis na tumango ang kanyang secretary. “Ang sabi po niya ay emergency operation po. Nag-critical po kasi ang pasyente.” Hindi na siya nagsalita pa at mabilis na nagtungo sa observation deck ng operating room number five. Pagdating niya doon ay nakita niya na nasa operating table na ang pasyente. Pinindot niya ang intercom at tinawag ang atensyon ni Dr. Toneth. “What is this Dr. Toneth?” tanong niya. Tumingin sa kanya si Toneth. “I will conduct emergency distal pancreatetoctomy.” “Ano?” Hindi makapaniwala si Dr. Patricio nang marinig ang sinabi ng ilang doktor sa kanya. Kababalik lang niya sa opisina at ito ang bumungad sa kanya. Hindi niya hahayaang malagay sa peligro ang buhay ng anak niyang si Anika. Hindi siya papayag. Halos liparin na niya ang operating room number five at pagpasok niya sa observation deck ay naabutan niya si Dr. Geraldine. Walang pasintabing binuksan niya ang intercom at nagsisisigaw. “Toneth! ‘Wag mong gagawin ‘yan! Papatayin mo lang siya!” Napatingin sa kanya si Toneth. “I will save your daughter.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD