CHAPTER TWO
Arriane's POV
Kumikirot ang ulo ko nang magmulat ako ng aking mga mata. Kumukurap-kurap pa ang mga mata ko at halos hindi ko maimulat dahil sa kirot ng ulo ko.
Sapo ang noo na umupo ako sa kama mula sa pagkakahiga.
Naalala kong uminom kami kagabi ni Massimo. Hindi ko namalayan nalasing na pala ako.
Walang honeymoon na naganap kagabi. Kaagad kong sinilip ang sarili sa ilalim ng kumot.
Nakahinga ako nang maluwag dahil wala pang nangyari sa amin. Pero nanghihinayang dahil walang nangyari sa amin kagabi.
Nasaan na kaya siya?
Ginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid. Baka nasa banyo lang siya or nasa terrace.
Nadatnan ko si Manang Elena na abala sa pag-vacuum.
Nasaan kaya si ate?
"Manang, napansin niyo po ba si Massimo?" tanong ko dito. Kaagad naman na tinuro ni Manang ang labas.
"Nasa labas lang po iyon kanina, senyorita. Kasama po ang ate ninyo." Hinimas ko ang sarili kong noo dahil sa pagkirot na naman nito.
Masyado pala akong nalasing kagabi. Marami ba akong nainom at nararamdaman ko ang hang over ngayon.
Kaagad kong tinungo ang garden kung saan itinuro ni Manang kung nasaan si Massimo.
Hindi nga nagkamali si Manang. Mula sa kinaroroonan ko, tanaw kong magkausap si ate ay ang aking asawa.
Mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan.
Ano naman kaya ang pag-uusapan nilang dalawa?
Napansin naman nila ako nang mapalapit sa kanilang dalawa.
Sabay silang napatikhim nang makalapit ako sa kanila.
"Bakit natigilan kayo? Anong pinag-uusapan niyo, mukhang seryoso yata." biro ko.
"Wala naman, hindi naman mahalaga ang pinag-usapan namin ng asawa mo, Dian. Nagbibiruan lang kaming dalawa," sagot sa akin ni Ate Erra.
Umupo ako sa katabing upuan ni ate.
"Pwede mo ba 'kong samahan mag horse riding mamaya, ahm..M-Massimo?" nahihiya pa na sabi ko sa asawa ko. Naiilang pa rin ako sa kaniya.
Dapat sana nasa honeymoon kami ngayon sa ibang bansa pero pinagpaliban muna namin iyon at tsaka na lang siguro kapag totoong nagmamahalan na kami.
Mahal ko naman ang asawa ko, pero hindi ko alam kung mahal niya ba ako.
Alam ko naman na pinakasalan niya lang ako dahil sa isang pangako. Hindi dahil sa mahal niya ako.
Hanggang doon lang 'yon.
"Oo, naman. Bakit hindi." sagot naman ng asawa ko.
"Kanina ka pa ba gising? Sorry, wala ako sa tabi mo nang magising ka." tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin.
Iginapang ang kamay sa balikat ko.
"Halika na, magbihis ka na at aalis na tayo, may gagawin pa kasi ako mamaya. Mas mabuti na maaga para maaga rin matapos." dagdag pa niya. Medyo madismaya ako sa sagot niya.
Balak ko kasi na maghapon kami magkasama. Meron naman pala siyang gagawin.
Bonding sana namin para mas lalo pa kaming magkakilala at makilala ko pa siya ng husto.
"Bakit hindi mo na lang samahan ang kapatid ko maghapon? Mas uunahin mo pa ba ang gagawin mo kaysa sa kapatid ko?" sabat naman ni ate.
Sabay kaming napatingin kay ate Erra.
"Sure, why not?" muli akong hinapit sa bewang ni Massimo na nagpababa sa aking paningin. Bumaba kaagad ang tingin ko sa kamay niyang nakahapit sa bewang ko.
Bumilis ang t***k ng dibdib ko at lumakas ang kaba na naramdaman ko.
Tumikhim ako para maalis ang kaba na nararamdaman ko at hindi masyadong mahalata na kinakabahan ako dahil sa ginagawa sa akin ng asawa ko.
"Gusto mo bang sumama sa amin, ate. Mas mabuti kung kasama ka namin. Mas enjoy," Pagyaya ko kay ate. Para naman hindi ako mailang kapag kaming dalawa lang ni Massimo.
Nagkatinginan ang dalawa na tila ba nagpapaalam pa si ate kung papayag ba si Massimo na sasama siya.
"Bakit naman hindi? Kagaya ng sabi ng kapatid mo, mas mabuti kung naroon ka." tanging sabi lang ni Massimo. Sinang-ayunan niya rin naman ang suggestion ko.
"Baka sagabal lang ako sa inyong dalawa. Kayo na lang," kaagad naman tumanggi si ate pero hindi ko ito pinayagan na tanggihan niya ang alok ko. Sa huli kasama pa rin namin siya.
Sabay kaming lumabas matapos namin magbihis. Naghihintay na rin sa ibaba si Massimo.
Nagpapalit-palit ang tingin ni Massimo sa aming dalawa ni ate. Alam kong maganda si ate at mas close din silang dalawa ng asawa ko. Hindi dapat ako nagkakaganito sa tuwing tinitingnan ni Massimo ng kakaibang tingin si ate Erra.
"Let's go!" pagyaya ng asawa ko. Nauna na ito pumasok sa kotse. Kailangan pa kasi namin sumakay para marating namin ang rancho.
Ilang minuto lang naman na byahe bago namin marating ang rancho.
Habang nasa loob kami ng kotse. Wala kaming imikan hanggang sa makarating sa Rancho.
Inalalayan naman kaagad ako ni Massimo na lumabas, ganun din si ate. Pero bakit kakaiba ang ginagawang pag-alalay ni Massimo sa ate ko.
Bakit ba kung ano-ano ang iniisip ko? Siyempre matagal ng magkakilala si ate at si Massimo. Siguro ganun lang sila ka-close para hapitin ni Massimo ang bewang ni ate.
"Ayos ka lang ba? Namumula ang leeg mo?" muli na naman akong napalingon sa aking likuran dahil sa sinabi ni Massimo.
Kausap niya si ate. Habang ako ay nauna na sa kanila ng ilang hakbang.
Napansin ko rin ang pamumula ng leeg ni ate. Kanina ko pa iyon napansin pero ngayon mas lalo yata namula ang leeg niya.
Kaagad naman tinakpan ni ate Erra ang leeg niya. "Wala 'to. Kagat ng lamok lang 'to, masyado kasing sensitibo ang balat ko kaya namumula kahit madampian lang ng kung anong maliit na bagay. Lalo na kapag naiirita mas lalong namumula." sagot ni ate Erra.
Nawala na rin ang pag-aalala ko dahil sa sinabi niya.
Naalala ko, masyadong sensetibe ang balat niya. Pansin ko na iyon noon pa.
Simula ng kupkupin siya nila Mama ay pansin ko na noon na namumula ang balat niya kapag nadadampian ng buhok o naiirita ang kaniyang balat.
Eleven years old siya noon nang kupkupin nila mama at papa. Nakita kasi nila si ate na pagala gala sa rancho habang umiiyak.
Dahil maawain sila mama, dinala nila ito sa hacienda, nang tanungin nila si ate kung alam niya kung sino ang mga magulang niya hindi niya matandaan kaya napagdesisyunan nila mama na kupkupin na lang ito.
Eleven years old noon si ate habang ako sampung taon gulang lamang. Isang taon lang ang tanda niya sa akin.
*****
Inaasahan kong ako ang unang alalayan ni Massimo para sumakay sa kabayo pero hindi pala. Si ate lang ang inalalayan niya habang ako ay hindi niya nagawang alalayan. Hinayaan ko na lang ito kahit may kaunting pagseselos akong nararamdaman.
Hindi dapat ako nagkakaganito, hindi dapat ako nagseselos lalo na at ako naman ang may gusto na sumama sa amin si ate.
Hindi ko naman inaasahang balewalain ako ng sarili kong asawa at si ate ang binibigyan niya ng atensyon.
Buong magdamag kong pinag-isipan kung bakit iba ang pakikitungo ni Massimo kay ate.
Simula kanina ay nagbago rin ang pakikitungo sa akin ng asawa ko. Pag-uwi namin sa mansion ay kaagad ito nagpaalam na luluwas siya sa Manila para asikasuhin ang mga bagay na kailangan niyang asikasuhin.
Kinaumagahan naman ay nakausap ko si attorney. Maaga kasi itong pumunta sa mansion.
Napagdesisyunan ko na hindi lang dapat ako ang magmamana sa lahat ng ari-arian na naiwan ng parents ko para sa akin. Dapat meron din para kay ate.
Nakasaad naman sa last will and testament. Ako na ang bahala kung babahagian ko si ate. Nakapagdesisyon na ako na dapat lang meron din si ate, kung ano ang meron ako, dapat meron din si ate Erra.
"Nakapagdesisyon na ako attorney, hindi dapat sa akin lang nakapaangalan ang rancho. Gusto kong kaming dalawa ni ate, sa amin dalawa ang rancho at itong mansion, gusto ko rin na dalawa kami ni ate ang magmamay-ari nito." sabi ko kay attorney.
Sinadya ko talaga na pupuntahin dito si attorney para baguhin at ayusin ang mga naiwan na ari-arian ng parents ko para sa akin.
Gusyo kong kung ano ang meron ako, dapat ay meron din ang ate ko. Hindi na kasi ito naiiba sa akin.
"S-sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo, sis?" katabi ko ngayon si ate Erra.
Ayaw pa nga niyang pumayag na bahagian ko siya sa kayamanan na naiwan sa akin pero ako na ang nagpumilit sa kaniya.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay at hinaplos ito. "Yes, ate. You are just my family. I mean, my only sister. So, what I have, you must have too." sagot ko dito.
Kaagad naman niya akong niyakap.
"Salamat...thankyou so much, sis." mahigpit niya akong niyakap. Tinapik ko ang kaniyang likod.
"Walang ano man, ate."
Kaagad kong pinirmahan ang document na nagpapatunay na kasama na si ate Erra na magmamana sa lahat ng naiwan na ari-arian, na sa akin lang ipinamana nila Papa at mama.
"So, paano, I'm leaving." paalam ni attorney. Kaagad na tumayo ito at nakipagkamay sa akin.
"Thankyou so much, attorney." tanging sagot ko lang dito bago tuluyan na itong nagpaalam sa amin.
Narinig ko ang pagtawag sa akin ni ate. Napalingon ako dito.
Unti-unti itong lumapit sa akin. "Hindi mo naman kailangan na gawin 'yon eh. Kontento na ako kung ano ang meron ako ngayon. Hindi naman kailangan na bahagian mo rin ako ng kayamanan---" hindi ko pinagpatuloy ito sa gusto niyang sabihin.
"Pamilya kita, ate. Huwag mo na intindihin 'yon. Ang isipin mo. Hindi ka na lang basta nakatira dito, dahil isa ka na rin sa may-ari ng mansion na ito at ang rancho, hati na tayong dalawa." masayang balita ko sa kaniya.
Lumapad ang kaniyang ngiti. Muli niya na naman akong niyakap. "Maraming salamat, sis. Napakabait mo talaga." mahigpit niya akong niyakap.